Chapter 8

3.5K 57 0
                                    

ERINA

"Group yourselves into five. This research is for your prelim. Bigyan niyo ako ng papel with your names on it. I'll give you the topic." Ma'am Kat.

"Tayo na magkakagrupo nila Cher." sabi ni Kyline.

Tumingin naman ako kay Clifford.

"May kagroup ka na?" tanong ko.

"Oo sinama ako nila Carlo." aniya.

Tumango naman ako.

"Erina, Kyline, Carmela, Sharmaine at ako. Okay na? Ibibigay ko na kay Ma'am." sabi ni Cher.

"Oo." sagot ko.

Binigay na ni Cher ang papel at pagbalik niya ay binigay din niya sa amin. Binasa ni Kyline ang topic namin.

"Farms in Bella Vista." aniya.

"Uy madali lang 'yan may farm kayo diba?" Carmela.

Meron kaming farm pero wala akong alam na kahit anong tungkol doon. Napatingin ako kay Kyline na mukha ding walang alam.

"Ano bang gagawin?" tanong ko.

"Magreresearch lang. Lahat tayo magresearch tungkol sa mga bukid dito sa Bella Vista then pagkatapos ay pagsama samahin natin ang mga nagawa natin." paliwanang ni Sharmaine.

Napatango ako. Magpapatulong ako kila papa.

"Hindi ba dapat tig iisa tayong farm na gagawin? May apat na sikat na farms dito. Fuentes' farm, Juvalde's farm, Del Cuero's farm at Donovan's farm. Tig iisa tayo tapos ang isa ay ang magcocompile ng lahat." paliwanag naman ni Cher.

Mukhang mas maganda ang suhestiyon niya.

"Ako magcocompile." pagvovolunteer ni Carmela.

"Fuentes' farm sa akin. Close ng boyfriend ko ang mga Fuentes. Magpapatulong ako sakanya." sabi naman ni Sharmaine.

"Juvalde's farm sa akin." Cher.

Napatingin naman silang tatlo sa amin ni Kyline. Si Kyline ay nagpout na para bang gusto niya na siya ang magreresearch sa farm namin.

"Sige ikaw na sa farm natin." sabi ko.

"Yes!" sigaw niya.

"So Donovan's farm ang sa'yo Erina. Okay lang ba?" sabi ni Cher.

Siguro naman ay mayroon sa imternet nun diba?

"Oo naman." sagot ko.

Nang maglunch time ay sabay sabay na kaming nagpunta ng canteen. Habang nakaupo ay nagsesearch ako sa google tungkol sa Bella Vista. May lumabas naman pero walang results kapag Bella Vista Farms na ang sinesearch ko.

Saktong uwian ay tumunog ang aking cellphone.

From: Kier

Want to eat?

Napangiti naman ako at agad nagreply.

Saan? Sakto uwian ko na.

Mabilis din itong nagreply.

Station 9. What do you want to eat?

Napaisip naman ako. Ayoko naman na magluto ulit siya dahil baka makaabala pa.

Pizza and chicken nuggets

Pagkadating ko sa parking lot ay saktong nagreply ulit siya.

Okay. Papunta ka na?

Dangerous Romance (Bella Vista Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon