Chapter 22

3K 42 0
                                    

ERINA

Tanghali na nang magising ako. Ilang minuto pa ay narealized ko ang ginawa ko kagabi. Dali dali kong chineck ang aking phone.

I've got messages na galing kay Kyline, Cher, Carmela at Sharmaine. Nadismaya ako nang makita na wala man lang siyang katext text or tawag.

Binuksan ko ang Instagram ko at sabog ang notifications nito. I checked the comment box

@/KatKatrina: Wow! Congrats to the both of you! Happy birthday :)
@/CadenDonovan: Iba talaga pag Kier Donovan.
@/PhilDonovan: Woah. Nice one. Congrats!
@/Cherryberry: Omo!!!
@/KylineDC: What?
@/Carmelalicious: O to the M to the G. Oh my god!!!
@/SharmaineG: Hala totoo ba?! Congrats sa inyo.

Ang ibang comment ay sa mga kaklase ko na hindi din makapaniwala. Ang ilan naman ay hindi ko kilala at kung ano ano lang ang mga sinasabi.

Nakita niya na ba ang post ko? Bakit hindi man lang siya nagtext? This is it. Bahala na talaga siya. Naiinis ako.

Naligo na ako at nag ayos. Maglulunch kami ngayon ni mama kasama sila Kyline. Celebration daw. I'd rather stay here dahil wala na naman ako sa mood. Pero ayaw ko naman mawala ang excitement nila na magcelebrate.

Nandito na ako sa walk in closet ko. I chose to wear a yellow summer dress paired with light brown sandals na may maliit na heels.

"Anak nag-aayos ka na ba? Kanina pa naghihinay ang bisita mo." narinig ko si mama mula sa labas.

"Papasukin mo na ma. Magmamake up lang ako." sabi ko

Sila Sharmaine na siguro 'yan.

"Are you sure? O sige at mag aayos na din ako." aniya.

Narinig ko nalang ang pagbukas at pagsara ng pinto ko.

Lumabas na ako ng walk in closet.

"Magboblow dry lang ako at magmamake up." sabi ko.

Paglingon ko ay muntik ko ng mabitawan ang blower na hawak ko dahil hindi sila Sharmaine ang nadatnan ko. Kundi si Kier. Nakaupo siya sa sofa na malapit sa bed ko.

Agad siyang tumayo nang makita ako.

"A-anong ginagawa mo dito? P-paano ka nakapasok?" tanong ko.

Lumapit ako sa kanya. He's wearing a dark gray shirt paired with maong pants and white sneakers.

"I'm here to apologize. Sorry for being a jerk. Mas inuna ko pa ang galit ko kaysa ang intindihin ka." aniya.

Tiningnan ko lang siya.

"Kung hindi pa kita binati ay hindi mo pa ako kakausapin?" tanong ko.

I still don't know kung saan siya kumuha ng lakas para pumunta dito. Kinakabahan ako dahil sa malamang ay nag usap na sila ni mama.

Gulong gulo naman ang mukha niya.

"W-what? It's my birthday yesterday. Hindi mo nga ako binati and I'm not blaming you for that. I know it's my fault and I'm really sorry." aniya.

Hindi pa niya nakikita ang post ko?

"Why don't you check my Instagram?" sabi ko.

Dangerous Romance (Bella Vista Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon