Chapter 6

3.4K 57 0
                                    

ERINA

Narinig kong bumukas ang pinto. Naka plain white T-shirt na siya at itim na shorts. Napakasimple niyang tingnan pero bakit para siyang modelo ng isang sikat na brand?

Naupo siya sa harapan ko at nilapag sa lamesa ang aking cellphone. Tumingin siya sa akin.

"Here's your phone." aniya.

Tinanggap ko naman agad 'yon at nilagay sa bag ko. Nginitian ko siya ngunit nanatiling nakatitig sa akin ang mga mata niya.

"Thank you." sabi ko.

So what now?

Ramdam ko pa din ang titig niya sa akin habang iginala ko ang mga mata ko sa paligid. Uuwi na ba ako?

Tumikhim siya at napabaling ulit ako sa kanya.

"I haven't properly introduce myself. I'm Kier by the way."

"Sino bang hindi nakakakilala sa'yo?" tanong ko.

Kumunot bahagya ang noo niya.

"I mean, you're quite famous in our school. Halos araw araw kong naririnig ang pangalan mo sa mga students." sabi ko.

"So you know that I'm a Donovan?" tanong niya.

Tumango ako.

"I'm Erina Del Cuero." sabi ko.

"I know." aniya.

Kung may iniinom lang ako ay baka nasamid na ako.

"A-ah you know about our family clash or something?" tanong ko.

"Yeah, and what about it?" walang gana niyang sabi.

Anong what about it? Magkasama kami ngayon paano kung may makakita sa amin? Magkaaway ang pamilya namin. Hindi ko alam kung hanggang saan ang kayang gawin ng pamilya ko. Ganun din siguro ang pamilya niya.

"You're thinking too much. Do you want to eat something?" bigla siyang tumayo at pumunta sa kitchen.

Inaaya niya akong kumain? Biglang kumulo ang tiyan ko. Huling kain ko ay kanina pang lunch at hapon na ngayon.

"Sure." sagot ko.

Masamang tanggihan ang grasya.

Sumunod ako sa kanya at naupo ako sa bar stool na katapat ng lutuan. Wait magluluto siya?

"Are you going to cook?" tanong ko.

Tumingin siya sakin at tumango. Pati pagtango niya ay may ibang dating sakin. Marunong siya magluto samantalang ako pritong itlog lang ay sunog pa.

"Anong iluluto mo?" tanong ko.

"Pasta." aniya.

Ang tipid naman nito sumagot. Binuksan niya ang ref at may kinuha na kung ano don.

"Bakit nga pala ngayon mo lang ibinalik ang phone ko?" tanong ko.

I'm trying to save our conversation. Ang awkward naman kapag masyadong tahimik.

"I didn't saw it. Si Philip ang nakakita." aniya at sinimulang buksan ang electric stove.

"Philip Donovan? He's your cousin right?" tanong ko.

Tumingin naman ito sakin at bagyang kumunot ang noo. May nasabi ba akong mali? Bumalik siya sa pagluluto.

Dangerous Romance (Bella Vista Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon