Chapter 42

2.7K 37 1
                                    

ERINA

Nagising ako na sobrang bigat at sama ng pakiramdam ko. Kumikirot din ang paa ko. Alas dies na. Siguro ay nakaalis na sila. Ang alam ko ay pupunta sila sa kabilang isla.

May nakita akong note sa bed side table

Good morning Erina. Hindi ka na namin ginising dahil alam naming kailangan mong magpahinga. Love you. - Kyline

Inayos ko muna ang mga gamit ko at kumain na. Pagkatapos kong kumain ay naligo na ako at nag ayos. Mas lalo lamang sumama ang pakiramdam ko.

"Erina?"

Boses ni Caden ang narinig ko sa labas.

"Hindi ka sumama?" tanong ko.

Umiling ito.

"Nakailang beses naman na kami nagpunta dun. Kukunin ko na 'yong gamit mo para mailagay ko na sa sasakyan." aniya.

"O sige wait lang."

Sayang. Ang dami dami kong damit na hindi ko din naman naisuot dito.

"Ah Caden? Pwede mo ba akong bilhan ng gamot? Masama kasi pakiramdam ko." sabi ko .

"Nilalagnat ka? Hintayin mo ako dito." aniya.

"Salamat."

Naupo muna ako sa maliit na couch at tinitigan ang dagat. Nakakarelax kapag ganito ang makikita mo araw araw. Kaya gusto kong magkabeach house.

Beach house. Ano kayang ginawa ni Kier sa niregalo niya saking 'yon? Binenta na kaya niya? O plano niya pa din na doon tumira. Ano kayang itsura nun?

Napapikit ako habang dinadama ang hangin.

"Erina eto na ang gamot. Kapag may kailangan ka pa ay pumunta ka lang sa kabila. Magluluto lang kami ng lunch." aniya.

Kami? Sino kasama niyang naiwan?

"Inumin mo na 'yang gamot. Si Kier bumili niyan." dagdag niya pa.

Napatingin ako sa kanya at mapang asar na ngiti ang binigay niya sa akin. Kumindat pa.

"C-Caden pakisabi salamat." sabi ko.

Lumulundag ang puso ko sa saya.

"Bakit nagbablush ka?" tanong niya.

Inirapan ko siya at kumuha ng tubig. Umiling iling at tumatawa siyang umalis. Agad akong nagsalamin at namumula nga ang mukha ko. Masyada ba akong halata?

Alas dose na ng bumalik sila Kyline.

"Erina uuwi ka na ba? Sayang naman at di tayo nakapagbonding masyado." sabi ni Sharmaine.

"There's always a next time. Kamusta? Enjoy ba?" tanong ko.

"Super! Nangitim nga si Carmela sa sobrang enjoy." asar ni Cher.

Nagtawanan kami.

"Grabe ka sa akin. Ikaw din naman." Carmela.

Napatingin kami sa kapapasok na si Kyline.

"Maglunch na daw tayo. Erina? Okay na ba ang pakiramdam mo? Nilalagnat ka daw sabi ni Caden." aniya.

Agad lumapit sa akin sila Sharmaine at hinawakan ang noo't leeg ko.

"Ayos na ako. Uminom na ako ng gamot." sagot ko.

Nag init nanaman ang mukha ko ng maalala ko ang gamot.

Dangerous Romance (Bella Vista Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon