Chapter 38

2.5K 38 0
                                    

ERINA

Pumalakpak kami sa messae ni Caden. Kumpara noon ay mas lalong lumaki ang katawan niya sa ngayon.

"Mr. Caden Donovan, sa inyong magpipinsan. Sino sa tingin mo ang susunod na magpopropose?" tanong ng emcee.

"That's an easy question. It's Kier. Lalo na't..." aniya.

Hindi na niya tinuloy ang sinabi niya at tumawa nalang.

Maybe he's inlove with someone else. Hindi lang niya sinabi ang totoo kanina para hindi na siya ulanin pa ng tanong. I badly need a drink. Inubos ko ang isang baso ng wine sa isang inuman lang.

Tumingin sa akin si Sharmaine.

"Are you okay?" bulong niya.

"Bakit naman magiging hindi?" sagot ko.

May narinig akong bulungan ng matatanda sa likod ko.

"Kailan kaya ikakasal iyang si Kier at Amara? Siguradong magarbo ulit 'yon tulad ng kasal ni Zenaya."

"Ang swerte ng mga Del Mundo. Nakakabingwit ng mga mayayaman."

Sa huli ay si Amara pa rin ang nakabihag ng puso ni Kier. Ang inakala ko pa noon na gusto niya ay totoo palang magugustuhan niya.

Oras na para maglibot si Kyline at Philip sa mga bisita. Inuna niya ang left side kung nasaan kami. Nang makarating siya samin ay niyakap niya muli ako.

"Hangout tayo mamaya." sabi ni Kyline.

"Sure. Saan?" tanong ko.

"May bagong bar diyan. Tara." sabi ni Sharmaine.

"Mauna na kayo 'don. Kakausapin lang namin ni Phil sila mama." aniya.

Patapos naman na daw 'tong party. Madami ng nagsitayuan at nag usap usap. Nakita ko sila papa at tito sa stage na nagpipicture.

"Sharmaine, hintayin nyo 'ko. Magpapaalam lang ako." sabi ko.

Umakyat ako sa stage at agad akong binati nila tito.

"Ma may after party pa kami. Pabantay po si Kit." sabi ko.

Kahit nandoon naman si nay Shiela ay gusto ko pa ring makasiguro na ayos lang ang baby namin. Gusto ko na sanang umuwi pero ngayon lang ulit kami nag kita kita at sobrang namiss ko sila.

"Okay sure. Have fun!" aniya.

Hinila ko na sila Sharmaine at kami palang yata ang lalabas.

"Nasaan si Cher?" tanong ko.

Ako, si Sharmaine at Carmela lang nandito.

"Hindi pinayagan ni Timothy." sabi ni Carmela.

"Are they dating?" tanong ko.

Tumango naman sila. Napatingin ako kay Carmela.

"Do you have a boyfriend? Mukhang ako nalang ang single ah." sabi ko.

Umiling naman si Carmela.

"Tatanda na yatang dalaga 'yang si Carmela. Wala kang boyfriend Erina? O siya pa rin?" biro ni Sharmaine.

"Uy grabe ka naman. Hinihintay ko pa kasi si Mr. Right." sagot ni Carmela.

Nag-apir naman kami.

"I don't have one. Like what I've said, magfofocus muna ako sa work. And hello? It's been what? Three years? I've already moved on." sagot ko.

Dangerous Romance (Bella Vista Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon