Chapter 50

2.9K 33 0
                                    

ERINA

"What do you want for dinner?" tanong ni Kier.

We're on our way home.

"I'm going to cook." sabi ko.

Pinagluto niya ako ng breakfast at binigyan ng lunch kanina kaya naman ako na ang magluluto ngayon para naman fair.

"Are you feeling better?" tanong niya.

Tumango ako.

"Marunong ka na pala magluto." aniya.

Hindi ko nga pala siya napagluto noon kahit isang beses.

"Yes." maikling sagot ko.

Sinubukan ko talagang matutong magluto dahil wala naman si mama sa tabi ko.

"Good to hear that." aniya.

Ngumiti lang ako.

Hindi ko alam kung anong meron kami ngayon. Naguguluhan ako sa nangyayari. I still have doubts. Magpapakasal kami hindi dahil mahal namin ang isa't isa bagkus desisyon 'yon ng mga magulang namin. I love him but the feeling is not mutual. I still remember him saying he'd rather have Amara than me.

That hurts a lot.

Oo at gusto kong makasal sa kanya. Gustong gusto. Siya lang naman ang lalaking minahal ko. But the real question is, mahal niya ba ako? 'Yan ang mga salitang pumipigil sa akin.

Kaya ako naguguluhan ngayon dahil sa mga inaakto niya. He's being sweet again or gusto niya lang ako na mapapayag na ikasal sa kanya? Bahala na. Sasakyan ko nalang lahat ng gusto niya.

But one thing is for sure, I'm not gonna marry him unless sabihin niya na mahal niya pa rin ako. Na alam kong malabong mangyari.

Agad agad siyang bumaba nang makarating kami sa bahay. Akmang pagbubuksan niya pa ako ng pinto pero naunahan ko na siya.

Tipid akong ngumiti sa kanya at nauna nang pumasok.

Sa walk in closet ako nagbihis at pagkalabas ko ay naabutan ko siyang nakaupo sa kama. Ang bilis niyang nagbihis. He's busy with his laptop. Kauuwi palang niya pero trabaho agad ang kanyang inaatupag.

"I'll call you kapag tapos na ako magluto." sabi ko.

Sinara niya ang laptop at tumayo.

"No. Gusto kitang panoorin magluto." aniya.

Nag init ang pisngi ko sa sinabi niya.

"O-Okay."

Nauna na akong bumaba at ramdam ko namang nakasunod siya.

Nagsimula na akong manguha sa ref ng mga ingredients. Siya naman ay naupo sa stool, pinapanood ang bawat kilos ko.

This scene looks familiar.

Napangiti ako. Dati ako ang nakaupo doon at siya ang pinapanood ko.

Ang tahimik.

Parang nagpapakiramdaman kami kung mag uusap ba kami o ano.

"I heard na nagsama kayo ni kuya Zeke sa isang project." sabi ko.

Para naman hindi ganon ka-awkward.

"Yes. It was successful."

Tumango tango ako at naghiwa.

"By the way, do you know where Caden is?" tanong niya.

Naghiwa ako.

"He's with my friend, Katrina. They're okay now." sagot ko.

Hindi siya sumagot at natahimik saglit pero nagsalita din naman ulit.

Dangerous Romance (Bella Vista Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon