Chapter 40

2.7K 35 0
                                    

ERINA

Buti nalang ay nandito ako sa likod at hindi niya ako nakikita. Tahimik kong pinahid ang mga luha sa aking mata. Mabilis niyang pinatakbo ang sasakyan na para bang gusto nang kumawala at malayo sa akin. I really can't blame him. This is all my fault.

Pagkarating namin ay agad siyang bumaba. Dahan dahan naman ako sa paggalaw dahil kumikirot na ang paa ko. Kinuha niya ang lahat ng binili namin at umalis.

Napaupo ako sa gilid dahil sumasakit ang aking paa kapag naitutukod ang kanang paa ko. Nangingitim na ang kulay nito. Nilabas ko muna ang phone ko at tinawagan si Kyline.

"Hello Erina? Bakit? Nasaan na kayo?" tanong niya.

"P-Pabalik na si Kier diyan. P-Pwede bang puntahan mo ako dito sa bungad?" sabi ko.

"Bakit anong nangyari? Sige papunta na ako." aniya.

Binaba ko na ang tawag. Hindi ko alam kung anong mas masakit. Yung paa o kung yung mga katotohanang narinig ko kay Kier kanina. May tumulo ulit na luha sa mga mata ko. Agad kong pinahid ito. Pakiramdam ko ay wala akong karapatang umiyak dahi ako ang may kasalanan ng lahat.

Ilang minuto pa ay dumating na si Kyline.

"Anong nangyari? Okay ka lang ba?" tanong niya at hinawakan ang binti ko.

Tumango ako.

"H-Hindi ko mailakad ang isang paa ko." sabi ko.

"Napano? Sige aalalayan kita. May malapit na clinic dito." aniya.

Hirap na hirap si Kyline dahil mas matangkad ako sa kanya.

"Sorry Ky naabala pa kita." sabi ko.

"Ano ka ba? Okay lang 'yon. Bakit hindi pa kayo dumaan ni Kier sa drugstore? Para atleast hindi na namaga ng ganyan." aniya.

"Hindi naman masakita kanina. 'Yan na ba ang clinic?" tanong ko.

"Oo." aniya.

Pagod na pagod siyang inihiga ako. May kung anong ginawa ang nurse sa paa ko. Fracture daw ang nangyari. Hindi naman daw malala. Nilagyan niya 'yon ng bandage.

Tinawagan ata ni Kyline si Philip na may inaasikaso lang kami kaya wag na kaming hanapin. Ang sabi ay ipahinga ko daw muna para hindi mabigla ang paa ko.

Ilang oras pa ay pabalik na sana kami nang napagpasyahan muna naming kumain. Hindi na gaano kasakit ang paa ko.

"Ky sure ka bang ayos lang na bumalik na ako sa Bella Vista?" tanong ko.

Agad siyang tumango.

"Mas mabuti 'yon para gumaling agad ang paa mo." aniya.

Pinayuhan kasi ako kanina ng nurse na ipahinga ko lang daw ito para hindi matagal ang paggaling. Sa totoo lang ay hindi na talaga siya ganoon kasakit. Gusto ko nalang talaga umalis dito.

I want to avoid him so para makapag enjoy siya.

Dumating ang order namin at nagsimula na kaming kumain.

"Napapansin ko si Caden na pinupush kayo ni Kier." aniya.

Nagkibit balikat lang ako.

"Erina honest answer. Mahal mo pa ba si Kier?" tanong niya.

Napatingin ako sa kanya. Malungkot akong ngumiti sa kanya.

"Hindi naman nawala 'yon eh." sagot ko.

"I knew it. Kitang kita ko sa mata mo ang mga tingin mo sa kanya." aniya.

Ngumiti naman ako.

Dangerous Romance (Bella Vista Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon