Chapter 31

2.7K 42 0
                                    

ERINA

Napadilat ako dahil sa amoy ng pagkain. Bumungad sa akin ng mukha ni Kier at agad akong hinalikan sa labi.

"Good morning misis ko. Kumain na tayo." aya niya.

Napatakip ako sa bibig ko dahil kagigising ko lang at hindi pa ako nagtotoothbrush. Nakahalik nang nakahalik naman kasi ang isang 'to.

Pumunta muna ako sa banyo bago kumain.

"Mag iisland hopping daw tayo mamaya nila Caden." sabi niya.

Okay na sana pero naalala ko nanaman sila Amara. Malamang kasama sila.

"Okay maliligo na ako pagkatapos kumain." sabi ko.

Tumango ito.

"Pupunta muna ako sa floating house para makaligo na din ako." aniya.

"Kunin mo nalang ang mga gamit mo at dalhin mo dito. Mahihirapan ka pa magpabalik balik." sabi ko.

Abot tenga nanaman ang ngiti ng mokong.

"Sasabihin ko nga sana 'yan sa'yo eh. Naunahan mo lang ako." aniya.

"Gustong gusto mo naman." sabi ko.

"Syempre makakasama ko ang misis ko." aniya.

Ang cute niya. Napangiti na lang ako. Ang swerte ko talaga dahil ako lang nakakakita ng ganitong side ni Kier. Sobrang lambing.

Naligo na ako at kinuha muna ni Kier ang mga gamit niya. Paglabas ko ay may kumatok. Ang bilis niya naman ata?

Akala ko siya ang pumasok pero si Kyline pala. Mabilis siyang pumasok sa kwarto ko at sinara 'yon.

"Erina may sasabihin ako." aniya.

"Ano 'yon?"

Kinakabahan naman ako sa kanya.

"P-Pumayag akong manligaw si Philip." aniya.

Nanlaki ang mga mata ko at niyakap siya.

"Congrats Ky! I'm so happy for the both of you." sabi ko.

"Thank you Erina. Siya nga pala, umalis sila papa kanina kasama din si tito Carlito." aniya.

"Saan nagpunta?" tanong ko.

"Bumalik sa Bella Vista. Bigla daw nagkaproblema sa plantation. Pero babalik naman sila." aniya.

Tumango ako.

"Magbibihis na din ako at gumagayak na din sila Philip." aniya.

"Sige."

Ilang minuto lang pagkaalis niya ay dumating si Kier. Inaayos niya ang mga gamit niya para mailagay sa closet.

"Maligo kana. Ako na mag aayos diyan." sabi ko.

Tumigil naman siya at lumapit sa akin. Nakaharap ako sa salamin at nagmamake up. Hinawi niya ang buhok ko at inamoy ang leeg ko.

"Ang bango ng misis ko." aniya.

"Kapag tayo nalate dahil diyan sa kamanyakan mo." sabi ko.

Tumawa lang siya at pumasok na sa banyo.

Nakagayak na kami at nakasuot ako ng two piece na tinernuhan ko ng puting high waisted shorts.

"Magpalit ka nga." biglang sabi ni Kier.

"Bakit ako magpapalit?" tanong ko.

"Nakikita 'yang cleavage mo masyado. Wala ka bang T-shirt?" aniya.

Dangerous Romance (Bella Vista Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon