Chapter 53

3K 35 0
                                    

ERINA

Nagpunta kami sa isang ice cream shop. Si Kyline na ang umorder at naupo na kami ni Kit. Sa harap naman namin si Kier at Philip. Inalis ko ang towel na nasa likod ni Kit at pinalitan 'yon ng bago. Naglagay din ako ng powder sa likod at leeg niya.

"How old are you Kit?" tanong ni Philip.

"I'm three years old po."

Tumango tango naman si Philip at nakatitig lang si Kier sa akin pero kanina ko pa iniiwas ang mata ko.

"Why are you so quite po?" biglang tanong ni Kit kay Kier.

Mukbang nagulat si Kier pero ngumiti din agad.

"Am I?" Kier.

Tumango si Kit.

Mabuti nalang at nahinto ang usapan nila nang dumating na si Kyline dala ang ice cream namin.

Nilagyan ko muna ng tissue ang damit ni Kit para hindi madumihan ang damit niya.

"You didn't tell me about him." bulong ni Kyline.

"It's a long story. Ipapaliwanag ko din sa inyo soon."

Ang tagal din naman kasi bumalik na Caden at Katrina dito. Masyado nang nag enjoy.

Nang matapos na kami kumain ay nag awa na akong umuwi dahil alam kong pagod na si Kit. Nandito na kami sa parking lot.

"Bye! Bye Kit!" paalam ni Kyline.

"Bye po." Kit.

"We'll go ahead Erina. Bye Kit!" Philip.

"Babye po."

Sumakay na kami sa backseat ng sasakyan ni Kier. Tahimik naman siyang nagdrive.

"Sa mansion tayo. Ihahatid ko 'tong si Kit. Hintayin mo ako." sabi ko.

Hindi naman siya sumagot.

Alam ko na ang tumatakbo sa isipan niya. I-eexplain ko agad ang lahat pag naihatid na niya kami. Napatingin ako kay Kit na mahimbing nang natutulog habang nakakandong sa akin.

Nang makarating sa mansion ay bumaba agad ako.

"Hindi ka papasok?" tanong ko kay Kier.

Umiling lang siya.

"Okay. Hintayin mo ako." sabi ko.

Pumasok ako at nagulat sa aking nakita.

"Erina!" Katrina.

Sinalubong ako ni Katrina at kinuha si Kit. Nandito din si Caden na nakatitig lamang kay Kit. Napangiti ako.

"I'm so happy for you." sabi ko.

"Thank you for everthing Erina. Hindi ko alam ang gagawin ko kung wala ka." Katrina.

Lumapit din si Caden.

"Maiwan ko muna kayo para makapag usap tungkol kay Kit. May kailangan pa akong ayusin." sabi ko at dali daling lumabas.

Nagulat ako nang makitang wala na ang sasakyan ni Kier doon. Tinawagan ko ang number niya pero nakapatay ang phone niya.

Hiniram ko muna ang isa sa mga sasakyan dito at pinaharurot 'yon paalis. Baka nasa bahay siya.

Dangerous Romance (Bella Vista Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon