Chapter 12

3.2K 64 0
                                    

ERINA

It's Monday again.

Nagkwentuhan muna kami habang hinihintay ang aming first subject.

"Excited na nga ako eh. Mamaya daw dadating yung designer Erina. Susukatan na tayo." Kyline.

Pinag uusapan namin ang kasal ni kuya Tope.

"Nameet mo na ba si Ate Zenaya?" tanong ko.

"Oo. Sikat 'yon dito at maganda din kasi." sagot ni Kyline.

"Hindi mo pa nameet si Ate Zenaya?" tanong naman ni Cher.

Umiling lang ako.

"Hindi ganoon kasikat ang apelyido nila pero kasundo nila ang halos lahat ng pamilya dito. Madami silang koneksyon. Inaanak 'yon ni Don Armando." paliwanag naman ni Carmela.

"Don Armando?" tanong ko.

"Don Armando Donovan. Papa ni Philip Donovan. Swerte nga ni ate Zenaya dahil close niya sila Kier." Carmela.

Ah gets ko na. Kaya pala kasama sila.

"And guess what? May koneksyon din sila sa mga Fuentes at Juvalde. O diba ang bongga." Sharmaine.

I want to meet her.

"Gusto niyo sumama kayo sa amin? Para makita niyo sila?" aya ni Kyline.

Nagningning naman mga mata ng tatlo.

"Talaga? Hindi naman kami invited eh." Sharmaine.

Tinawag ko si Clifford.

"Cliff, pwede bang magsama ng kaibigan sa kasal ni Kuya Tope?" tanong ko.

Tumingin siya kila Cher.

"Oo naman." sabi niya

Agad naman silang napa 'yes'.

Natapos ang maghapon sa school at hindi na yata tama na hinihintay ko na lagi ang text ni Kier. Sumakay na ako sa sasakyan ko.

Busy kaya siya? Papaandarin ko na sana ang sasakyan ko ng tumunog ang phone ko.

A text from my mother.

Anak andito na ang designer. Where are you? Sabi ni Kyline ay uwian niyo na.

Oh shoot. Muntik ko nang makalimutan.

Nagmadali akong magdrive papunta sa amin.

Naabutan ko sa living room si mama na may kausap na isang babae na halos kaedaran lang din nito.

"Oh here she is. Erina come here." tawag ni mama sa akin.

Lumapit ako at bumeso sa kanya bumaling ako sa babae na nakatitig sa akin.

"Erina this is Mrs. Falcon. Mrs. Falcon this is my daughter, Erina." pakilala ni mama.

"Hello po." bati ko.

"Mama mia! Ang ganda ganda mo." aniya at niyakap ako.

"T-thank you po." nahihiya kong sabi.

"Maiwan ko na kayo. Sisilipin ko ang inyong merienda." sabi ni mama at umalis na.

Nagsimula na siyang magsukat.

"Napakaliit ng bewang mo hija. Ang ganda ng katawan mo at bagay na bagay lang sa maganda mong mukha. Nakakaisip na agad ako ng isusuot mo. Sisimplehan lang natin dahil sa kaso mo ay kahit anong isuot mo ay babagay at baka matalbugan mo pa ang bride kapag binonggahan natin." aniya.

Dangerous Romance (Bella Vista Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon