Chapter 49

2.8K 32 0
                                    

ERINA

Bahagya akong nagising dahil sa ingay ng blower na nagmumula sa bandang taas ko. May tuwalya din na kumukuskos sa buhok ko.

"Hmmm..." bulong ko.

"Sssh. Just sleep."

Boses ni Kier ang narinig ko. Pinapatuyo niya ang buhok ko? Napayakap ako bigla sa sarili ko dahil sa lamig na tumatama sa balat ko. Pinikit ko ulit ang mga mata ko.

"Turn off the aircon please. Nilalamig ako." bulong ko.

"Are you sick?" tanong niya.

Hinawakan niya ang noo ko.

"Fuck." aniya at tumayo.

Narinig ko ang tunog ng aircon. Pinatay niya na 'yon. 

"Are you okay? Let's go to the hospital."

He sounds so worried. Is he?

Dumilat ulit ako at nakita ko siya na nakatayo na sa gilid ko. Hindi ko mabasa ang mukha niya dahil hindi ko siya maaninag masyado.

"I'm fine. I-I'm still cold." bulong ko.

Napasabunot siya sa buhok niya.

"I don't know what to d-do. T-tatawagan ko sila mama—-

I cut him off.

"J-Just come here.." bulong ko.

Mukhang di niya nagets ang sinabi ko.

"H-Hug me.." bulong ko ulit at napapikit na.

Antok na antok na ako.

Naramdaman ko ang pagtabi niya sa akin. Isinuksok niya ang kanang braso niya sa likod ng batok ko. Nakaunan na ako sa kanyang braso at ang isang braso niya ay idinagan niya sa bewang ko.

"Are you feeling better now?" tanong niya.

Ramdam ko ang hininga niya sa mukha ko. Medyo nawala ang panlalamig ko. His tight embrace warms me.

"Hmm..." sagot ko.

Hindi ko na narinig ang sagot niya at naramdaman ko nalang na lumapat ang labi niya sa noo ko.

"Goodnight baby." bulong niya at hinigpitan ang pagyakap niya sakin.

I smiled and went back to sleep. Akala niya siguro ay di ko maririnig 'yon. I would love to sleep every night between his arms. Pero alam kong hindi mangyayari 'yon. It's too complicated. For now, just let me dream.

Nagising akong walang katabi sa kama. Kinapa ko ang sarili ko at hindi naman na ako mainit. May hilo pa din akong nararamdaman pero dahil siguro 'yon sa gutom. Bumangon na ako at tatayo na sana nang pumasok si Kier at may dalang tray na puno ng pagkain.

"Good morning. Breakfast in bed?"

He's smiling so wide that's why I can't help but to smile also.

"Good morning. Thank you." sagot ko.

Nilapag niya sa harap ko ang mga pagkain at walang sabi sabing hinawakan ang noo ko.

"How are you feeling? Kumain ka na and drink your meds." aniya.

"I'm fine. Kumain ka na?" tanong ko.

Sumubo na ako ng sinangag na may bacon. Nakatikim na ulit ako ng luto niya.

Umiling ito.

"Sabayan mo na ako. Ang dami nitong hinanda mo." sabi ko.

Dangerous Romance (Bella Vista Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon