Chapter 28

2.4K 36 0
                                    

ERINA

He's been calling me all night. Binalewala ko lamang lahat ng 'yon. Ayaw kong maniwala sa Alexa Guzman na 'yon pero bakit nasa kanya nga ang phone ni Kier? Hindi siya bubuo ng kwentong ganon kung wala siyang pinanghahawakan. Who are you Alexa Guzman?

May nagsasabi naman sa utak ko na kausapin si Kier para malaman ko ang totoo. Pero bakit parang ayaw kong malaman 'yon dahil baka masaktan ako?

Kakagising ko lang at nagring ulit ang phone ko. Sinagot ko na ang tawag niya para din manahimik na ang utak ko. Huwag kang magkakamali Kier.

"God Erina! Bakit hindi mo sinasagot ang mga texts at tawag ko? Nag aalala na ako sa'yo. Ganyan ka ba ka busy? Kahit isang text man lang sana para kahit papano ay may alam ako sa nangyayari sa'yo." aniya.

Napapikit ako.

"Who's Alexa Guzman?"

He's not answering. It's been two minutes. I knew it. Nag iisip ba siya ng palusot? O hindi niya lang masabi ang totoo.

"S-She's just someone I know—

I cut him off.

"Liar. I h-hate you K-Kier. I hate you." sagot ko.

Pinatay ko agad ang tawag. Tuloy tuloy na umagos ang mga luha sa mata ko. Parang gusto kong bawiin sa kanya ang mga sinabi ko. Siguro ay mali ako pero nasasaktan ako.

KIER

"You're so smart hija. Malayo ang mararating mo." sabi ni papa.

"Thank you po tito." sagot ni Alexa.

Si Alexa ay anak ng businessman na kausap ni papa ngayon. Sinama niya ako dito sa restaurant para lamang ipakilala nanaman ito sa akin. Napailing ako. Sorry pero may nag mamay-ari na sa akin.

Tahimik lang ako habang kumakain. Ano kaya ginagawa ni Erina ngayon? Gusto ko na siyang makita, mayakap at mahalikan. Sobrang miss na miss ko na siya.

"Let's have a drink at your house Mr. Donovan." aya ni Mr. Guzman.

"Sure. Let's go?"

Sa wakas ay makakauwi na. Sa likod kami naupo ni Alexa.

"Hi Kier. I like you." bulong niya.

Umusog ako sa gilid para hindi madikit sa kanya. Kung nakikita lang ako ni Erina ngayon ay baka mamatay na sa selos 'yon. Ayaw ko nun dahil gusto kong iparamdam sa kanya na siya lang ang may karapatan sa akin.

"I don't like you." sagot ko.

"Hard to get. Mas gusto ko 'yan." aniya.

Hindi ko na siya pinansin hanggang sa makarating kami sa bahay. Umakyat na ako sa kwarto at di ko namalayang nakasunod pala siya sa akin.

"Get out of here!" sigaw ko sa kanya.

Medyo mabait pa ako sa kanya kanina dahil nasa harap lang namin sila papa.

"Masyado ka namang galit. Eto na palabas na." aniya.

Hindi ko na siya nakitang lumabas dahil pumasok na ako sa CR para maligo. Pagkatapos ay lumabas na ako at nakita kong wala na si Alexa doon. Tiningnan ko ang phone ko kung may text o tawag si Erina pero wala.

Tinawagan ko siya ng tinawagan kinagabihan pero hindi siya sumasagot. Pagkagising ko kinabukasan ay agad ko ulit siyan tinawagan.

Halos mapalundag ako ng sumagot siya.

"God Erina! Bakit hindi mo sinasagot ang mga texts at tawag ko? Nag aalala na ako sa'yo. Ganyan ka ba ka busy? Kahit isang text man lang sana para kahit papano ay may alam ako sa nangyayari sa'yo."

Hindi ko maiwasang wag magalit pero nag aalala ako sa kanya.

"Who's Alexa Guzman?" aniya.

Hindi ako makasagot. Hindi dahil sa naghahanap ako ng palusot pero dahil sa kinakabahan ako. Pinagpapawisan ako at nanginginig ang mga kamay ko. Ang dami kong tanong. Paano niya nakilala si Alexa? Anong ginawa ni Alexa?

"S-She's just someone I know—

"Liar. I hate you K-Kier. I hate you." aniya.

Damn!

"Erina?! Erina let me explain!"

Pinatay na pala niya ang tawag. Nanghihina man ako ay nagmadali akong mag empake ng mga damit ko. Uuwi na ako. Tangina.

Saktong may pumasok sa kwarto ko.

"Good morning Kier." Alexa.

Pumasok siya at hinawakan ko ang braso niya.

"Anong ginawa mo kay Erina? Explain or you're fucking dead."

"Nasasaktan ako K-Kier." aniya.

Binitawan ko siya.

"Explain!" sigaw ko sa kanya.

"T-tumawag siya. I-I told her na katatapos lang natin magdate. T-tapos naliligo ka kaya hindi mo masagot ang tawag niya." aniya.

Kung lalaki lang siya ay nasapak ko na talaga 'to. Wala na akong balak makipag away sa kanya. Kinuha ko agad ang maleta ko.

Alexa looks scared. Dapat lang siyang matakot dahil mas matindi pa ang gagawin ko sa kanya kapag nawala ng tuluyan sa akin si Erina.

"Kapag nawala sa akin si Erina. You're really fucking dead."

Iniisip ko palang na mawawala si Erina sa buhay ko ay nababaliw na ako. Hindi na ako nagpaalam kay mama at nagbilin na lang ako sa katulong na andoon.

Nagpahatid ako sa driver namin. Anim na oras ang biyahe pauwi sa amin. Tinatawagan ko si Erina pero hindi siya sumasagot. Wala akong number ng mga kaibigan niya. Ah, si Philip. Tinawagan ko si Philip.

"Oh Kier, miss mo na agad ako?" aniya.

"Bigay mo sakin number ni Kyline." sabi ko.

"Huh? Bakit ko naman ibibigay sa'yo?" aniya.

"Fuck. Ibigay mo nalang!"

"Easy lang. Ano ba problema? Papunta sila ngayon dito sa Vista Hermosa. Dito din pala sila magcecelebrate ng New Year." aniya.

Nakahinga ako ng maluwag. Hindi na ako mahihirapang makausap si Erina.

"I-book mo ako ng hotel." sabi ko.

"Punuan ang hotel. Nagrent nalang kami sa floating house ni Caden. Wait, pauwi ka ngayon?" tanong niya,

"Yes. Nag away kami ni Erina. Diyan ako tutuloy sa inyo. Bye!"

Pinatay ko na ang tawag. Hintayin mo ako Erina. Hindi ko kayang magalit ka sa akin ng matagal. Siguro ay mabuti na rin na umuwi ako dahil sobrang miss na miss ko na siya.

Dangerous Romance (Bella Vista Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon