Chapter 17

3.1K 43 0
                                    

ERINA

"Wanna dance sweetie?" aya ng isang lalaki.

"No." pagtanggi ko.

Hindi ko alam ang pinainom sa akin ni Katrina pero nahihilo na ako. Tuwing sinasamahan ko siya noon ay juice lamang ang iniinom ko para maihatid ko siya. Mukhang gusto niya din akong magpakalasing ngayon. Buti nalang ay tinigilan ko na dahil kasal pa bukas ni kuya Tope.

It's 12 AM at sa wakas ay nag aya na siyang umalis. Hindi siya gaano nalasing ngayon pero gumegewang gewang siya.

Inalalayan ko siya hanggang sa palabas. Maya maya ay may nabunggo kami.

"Sorry." sabi ko.

"Erina?"

Napaangat ang tingin ko at bumungad ang mukha ni Caden. Sa tabi niya ay si Kier. Mukhang pabalik palang din sila sa hotel.

"Caden." sabi ko.

"Friend mo? Let me help you." aniya at biglang binuhat si Katrina na mukhang tulog na.

"Yeah."

'Yan nalang ang nasagot ko dahil nakatitig nanaman si Kier. Naunang naglakad si Caden habang nasa likod kami ni Kier.

"Uminom ka?" tanong niya.

"Just a little." sagot ko.

Hinawakan niya ang braso ko dahilan para mapahinto ako.

"Nasaan b-boyfriend mo?" tanong niya.

Inalis ko ang kamay niya sa braso ko at nagpatuloy sa paglalakad.

"Ganito nalang ba lagi? Kakausapin mo lang ako kung kailan mo gusto?" sabi ko.

Ngayon ay hinarangan niya na ako.

"Answer me Erina. Nasaan ang boyfriend mo?" tanong niya ulit.

"May nakikita ka ba? Diba wala naman?"

Gulong gulo ang mukha niya at napahawak pa siya sa noo niya.

"Hindi kita maintindihan." aniya.

"The feeling is mutual Kier. Hindi din kita maintindihan." sabi ko at nilagpasan siya.

Pinigilan niya ako.

"I'm sorry. Yung nangyari sa station 9." aniya.

'O diba? Hindi ko alam ang sinasabi niya.

"Anong nangyari?" tanong ko.

"When you pushed me away. Alam ko namang hindi mo 'yon gusto. Malamang ay nagalit ka sa akn. Ayaw mo din magpahatid nun. I'm sorry." aniya.

Unbelievable.

"You really think I'm mad because of that? I'm not. That's the reason kung bakit hindi mo na ako nireplyan nun?" tanong ko.

Tumango siya at tumitig sa mga mata ko.

"Now tell me, where's your boyfriend?" tanong niya ulit.

"I don't have a boyfriend. Saan mo ba napulot yang sinasabi mong 'yan?" sabi ko.

"Kausap mo siya sa phone kahapon diba? Dumating na nga siya kanina dito. So where is he?" aniya.

Napailing nalang ako.

"It's Katrina. She's my friend in US at kasalukuyan siyang buhat ni Caden ngayon. Okay na ba?" tanong ko.

Mukhang nabuhayan naman ang mukha niya.

"Are we good now?" aniya.

Gusto kong itanong si Amara.

"How about Amara? I heard she's your girlfriend."

"We're just friends." aniya.

But you like her right?

Napatango na lang ako.

"I want to tell you something." aniya.

"What is it?" tanong ko.

Hinila niya ako at nakaupo kami ngayon sa buhangin. Ang lamig.

"Ano bang sasabihin mo? Nauna na sila Caden at Katrina." sabi ko.

"Don't worry. She's in good hands." aniya.

Ilang minuto pa ay nakatingin lang kami sa dagat. Ano bang sasabihin niya?

"I want to tell you something about the girl that I like." sabi niya.

Great. Just great.

"G-go on."

May kung anong bumara sa lalamunan ko. Am I ready to hear this?

"I really don't like her at first. Pero nag iba 'yon ng maging magkaibigan kami. She's beautiful, inside and out. Her smile makes me weak. She makes me laugh. Masaya ako kapag nakakasama ko siya. Ang baduy man pakinggan pero natotorpe ako pagdating sa kanya. I like her so much."

Nakangiti siya habang nagkukwento habang naninikip ang dibdib ko. Amara is so lucky.

"I want to tell her but I don't know how. Pero habang tumatagal mas lalong lumalalim ang nararamdaman ko para sakanya."

Konting salita niya pa ay may tutulo na sa mga mata ko. Nakatingin lang ako sa dagat.

"J-just tell her what you feel. Do you want my help?" sabi ko.

"What? No. I can do this. Here." aniya.

May binigay siyang papel sa akin.

Calabasas Restaurant 8pm

- K

Anong gagawin ko dito? Ibibigay kay Amara?

Tahimik kaming bumalik sa hotel at hindi na kami nag usap pa. Tulog na tulog si Kyline nang pumasok ako sa room namin.

Binuksan ko ang shower at itinutok ko ang mukha ko ng hindi ko maramdaman ang pagtulo ng mga luha ko.

Why am I feeling this pain?

Bakit kasi nagkagusto ako sa taong may gusto naman palang iba.

Kinabukasan ay naging abala na ang lahat. Hapon gaganapin ang kasal pero nag ayos na kami. Mabilis lumipas ang oras at nakapila na kami ngayon.

Natapos ang kasal at nagpunta na lahat sa reception hall sa hotel. Maghapon kong iniiwasan ang mga tingin ni Kier.

Since short dress lang naman ang suot namin ay hindi na kami nagpalit at kumain na. Sinadya kong dumaan sa table nila Amara para maisimple ang papel na binigay ni Kier. Buti ay wala namang nakakita. Nilagay ko yon sa table mismo ni Amara.

Pagkatapos kumain ay bumalik na ng Manila si Katrina dahil may aasikasuhin pa daw siya.

Saktong 7 PM ay natapos ang lahat ng ganap. Nagpunta na kami sa kwarto at nag impake para makauwi na din agad dahil may pasok pa bukas. Nagpadala si mama ng extra car nang sinabi kong nasiraan kami. Napagawa na daw ang sasakyan ko at magagamit na 'yon bukas.

Sumakay na kami sa sasakyan at si Clifford ang driver namin. Sumabay siya sa amin para daw may kasama kaming lalaki. Panay naman ang kwentuhan nila Kyline tungkol sa mga nangyari kanina. Chineck ko ang watch ko. It's exactly 8 PM.

Napangiti ako ng mapakla.

Ano na kayang ginagawa nilang dalawa?

Siguro ay sila na.

Dangerous Romance (Bella Vista Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon