Chapter 1

5.4K 64 0
                                    

ERINA

Mabilis lumipas ang araw at di ko namalayan na pasukan na namin next week. Ngayon kami mag-eenroll nila Kyline at Clifford.

Nagsuot ako ng fitted na denim skirt at tinuck in ko ang fitted na kulay white na blouse. Inilugay ko lang ang mahaba at brown kong buhok. Nag apply din ako ng light make up. May narinig akong bumusina sa baba. Si kuya Zeke na ata 'yon. Dali dali ko na sinuot ang aking white sneakers at nagmadaling bumaba.

Wala sila mama sa mansion dahil ang alam ko ay pumunta sila kay tito Clinton para alamin ang aming negosyo. May mga negosyong iniwan si papa dito noong umalis kami at ang sabi nila ay napalago ito at malaki na ngayon.

Dumiretso na ako sa labas. Nakita ko na ang sasakyan ni kuya Zeke at agad sumakay sa likod.

Napatitig silang tatlo sa akin.

"Let's go?" aya ko.

"Erina hindi ba masyadong maiksi ang palda mo? Sexy ka na pero mas sexy ka tignan ngayon." sabi ni Kyline.

What's wrong with my outfit?

"It's okay. I'm comfortable with it." sabi ko.

Nasanay na ako sa ganitong pananamit.

"Mukhang kailangan kang bantayan sa school Erina. Baka madaming umaligid sa'yo." sabi naman ni Clifford.

Natawa naman kami at pinaandar na ni kuya Zeke ang sasakyan.

"May naging boyfriend ka na ba Erina? For sure madaming nanliligaw sa'yo sa ibang bansa." tanong ni kuya Zeke.

Napangiwi ako. Madaming nanliligaw sa akin sa US pero wala pa akong nagiging boyfriend. I don't know why pero hindi pa ako ready sa commitment.

Kapag may nagugustuhan ako at nalaman kong gusto din nila ako ay nawawalan ako ng gana. Hindi ko alam kung bakit.

"Wala pa." sagot ko.

Nanlaki ang mga mata nila

"Sa ganda't sexy mo na 'yan?" Kyline.

Nahihiya akong napatango.

"Hindi pa ako ready." sagot ko lang.

Nagtanong pa sila nang nagtanong tungkol sa buhay ko sa US. Maya maya lang ay nakarating na kami sa school. Pumasok kami at dumiretso sa parking lot.

Napanganga ako dahil di ko inaasahan na ganito kalaki ang paaralan na ito.

Bella Vista University.

Mukhang hindi na nagulat sila Kyline dahil sa malamang ay nakikita na nila ito dati pa.

"Madami students ngayon dahil last week na ng enrollan." kuya Zeke.

Ang dami ngang estudyante na naglalakad lakad.

"Nakaenroll ka na ba kuya Zeke?" tanong ni Kyline.

Tumango ito.

"Sasamahan ko lang kayo. First time niyo dito sa university. New environment baka manibago kayo lalo na si Erina." aniya.

"Tara na." aya ni Clifford.

Habang naglalakad ay may mga napapatingin samin at nagbubulungan

"Mga Del Cuero."
"Sino yung isa? Ngayon ko lang nakita dito 'yan. Parang labanos ang kulay."
"Ang gagwapo't ganda talaga ng lahi nila."
"Si Zeke oh my god!!!"
"Ang gwapo ni Clifford."

Dangerous Romance (Bella Vista Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon