Chapter 35

2.6K 44 0
                                    

ERINA

AFTER THREE YEARS

"Finally! Cheers to the newly graduates!" sigaw ni Jolina.

Sabay sabay naming itinaas ang mga baso namin.

"Cheers!" sabay sabay naming sigaw.

Nasa VIP room kami ng isang bar dito sa LA. I'm with my long time friends slash college buddies. Jolina, Macky and of course, Katrina.

"What's your plan?" tanong ni Macky.

Nagkatinginan kami ni Katrina. May plano na kasi kami na umuwi ng Pilipinas. May papasukan na kaming trabaho sa Vion Corporation sa Manila. Madali na lang kaming nakaapply ni Katrina dahil halos lahat ng kinukuha nila ay ang mga nakapagtapos abroad.

"We're going back to the Philippines." sagot ko.

"It's about damn time girl. It's been ages since you've seen your family." sabi ni Jolina.

Family. Tatlong taon na ang nakakalipas at wala akong communication sa kanila. Pagkauwi ko ng US ay hindi ako tumuloy sa bahay namin. Naghanap ako ng apartment para tuluyan. I'm too emotional that time. Ayoko silang kausapin. Sa kanila ko sinisisi ang sakit na nararamdaman ko. But it's all in the past. I'm okay now, I guess. I'll just make it up to them.

"Erina, can you go home first? I'll just..you know." sabi ni Katrina.

Tumango ako. Alam ko naman kung saan siya pupunta. Maghahanap ng kamomol.

Pagkauwi ko sa apartment namin ni Katrina ay naabutan ko nang tulog si nay Shiela. She's a nanny. A nanny of our three years old baby. Kaka three niya lang last month.

Dumaan muna ako sa kwarto ni Kit. He looks like an angel. How can they hate this sweet child?

Before anything else, I would like to clarify that Kit Tyler Romulo is the son of Katrina Romulo and Caden Donovan.

Ilang buwan makalipas akong manirahan sa US ay sumunod si Katrina sa akin dito. Sinabi niya sa akin ang kondisyon niya. At first, I was shocked. What is she doing here though? Caden is in the Philippines, the father of her child. But then, she told me the whole story.

I am in pain that time and so is she. Kinuwento niya kung paano tanggihan ni Caden ang bata sa sinapupunan niya. Sinabi din ni Caden na hindi pwedeng maging sila dahil engaged na ito. Katrina is so fucked up that she can't accept the baby. Hindi niya alam ang gagawin niya. She tried to abort the baby at doon na ako napuno. I slapped her so hard. Nagalit ako sa kanya.

Mukhang natauhan siya at ako ang nag alaga sa kanya hanggang sa makapanganak siya. Pinayagan siya na maghome schooled during her pregnancy. Tumira kami sa mas malaking apartment. Ayaw niyang umuwi sa kanila dahil mismong parents niya ay hindi alam ang pagdadalang tao niya.

Nang dumating si Kit sa buhay namin. Akala ko ay tuluyan ng matatanggap ni Katrina ang bata. But I was wrong, ako pa ang tumatayong ina ni Kit. She doesn't care at all. Naubos ang savings ko dahil wala namang nagpapadala ng pera sa akin dito.

Wala akong choice kundi magtrabaho. Until there's someone who recommended me to model a local brand. I've become an instant model. Naging maingay din ang pangalan ko dito sa US. Katatapos lang ng kontrata ko at malaya na akong makakauwi ng Pilipinas. Malaki laki na ang naipon ko at kung magpapatayo man ako ng bahay ay sa Pilipinas 'yon.

Nitong taon lang medyo nagbago si Katrina at natututunan na niyang tanggapin si Kit. Hindi ko naman siya minamadali dahil alam kong nasasaktan pa din siya.

Isa sa dahilan kung bakit gusto kong makauwi sa Pilipinas ay para makausap ko na ang pamilya ko. I felt so bad na nakaya ko silang tiisin ng tatlong taon.

Dangerous Romance (Bella Vista Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon