Chapter 19

3.1K 46 0
                                    

ERINA

Isang buwan na ang nakalipas at wala namang nabago. Bukod sa naging clingy si Kier sa akin at nagiging seloso. Nakakasama kasi namin nila Kyline ang mga kaibigan ni Clifford. But I told him not to worry because they're just friends.

Our relationship remains private. Pero sa tingin ko ay alam ni Caden ang namamagitan sa aming dalawa. He's cool about it. Sana all.

Nandito kami ngayon sa gym dahil may i-aannounce daw ang dean namin. First year hanggang fourth year Business Administration students ang nandito. Hindi ko makita si Kier sa dami ng tao.

Maya maya ay may binigay na papel ang mga student assistant.

"Intramurals?" sabi ko.

Madaming nagsigawan at naexcite. Nakalagay sa papel ang list of events and activities na gaganapin next week.

"Good morning students."

"Good morning Dean Pasco." sabay sabay naming sabi.

Nagsimula na siyang magsalita tungkol sa gaganapin na intrams.

"Our intramural sport programs promote competition and fun among the students. Activities and events are specifically designed to provide opportunities for students, faculty and staff, to have fun, socialize and manage wellness." Dean Pasco.

Madami pa siyang sinabi. Galingan daw dapat ng Business Ad dahil nakatatlong sunod na pala itong overall champion sa buong university. Mataas ang expectation ni Dean Pasco sa lahat ng players.

Akala ko ay papabalikin na kami sa classroom namin pero may sinabi pa siya.

"Lastly, pinatawag ko kayong lahat dito para sa isa pang bagay. We need to select our candidate for Department Muse na sasama sa parade ng players at lalaban din sa Mr. and Ms. Intramurals. Mr. Daniel Zamora is our representative for Mr. Intramurals. How about our representative for Ms.? Any suggestions?" dagdag ni Dean Pasco.

Ilang days kaya ang intrams? Sa mga game lang siguro ni Kier ako manonood. I'm excited. Unang kita ko sa kanya dito ay naglalaro siya ng basketball. I want to see him play again.

"Uy, Erina!" tawag ni Kyline.

"Ha?" sabi ko.

Nawawala talaga ako sa katinuan kapag naiisip ko siya.

"Miss Erina Del Cuero? Join us on stage." boses ni Dean Pasco 'yon ah.

Napatayo ako ng wala sa oras. Anong gagawin ko sa stage?

Nakatingin lahat ng estudyante sa akin. Umakyat na ako at may nakita akong dalawang babae na nakatayo din kaya tumabi ako sa kanila.

Nginitian nila ako kaya ngumiti din ako.

"Anong ginagawa natin dito?" tanong ko.

Sumagot ang katabi ko.

"Mamimili ng ilalaban sa Mr. and Ms. Intrams." aniya.

Nanlalaki ang mga mata kong napatingin sa harap ko. Ganito kadaming tao ay nangangatog na ang tuhod ko. Paano pa kapag nagsasama sama ang lahat ng department.

Natapos na magsuggest ang iba't ibang estudyante at walo kaming nakatayo ngayon sa stage. Mga higher year ang iba kong kasama.

Napatingin ako sa dulo mga upuan at nakita ko si Kier. Nakakunot ang noo nito. Katabi niya si Caden na nakangisi. Si Philip ay nandoon din. Nag iwas ako ng tingin at baka matititigan ko pa siya.

"Okay, umpisahan na natin ang pagboto. Just raise your hands students." Dean Pasco.

"Jamaica Valeriano."

Dangerous Romance (Bella Vista Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon