Chapter 46

2.8K 39 0
                                    

ERINA

"Are you two okay now?" tanong ko kay Katrina.

Nagising ako sa ingay ng cellphone ko dahil sa pagtawag niya.

"I guess. We're on our way to boracay. Thank you for taking care of Kit. Pag isipan mo ang sinabi ko. Love you! Bye!"

Pinatay niya na ang tawag. Napabuntong hininga ako. Mukhang nagkakaayos na sina Katrina at Caden. Plano na ni Katrina na manatili dito sa Bella Vista means dito na din siya magtatrabaho. Gusto niya na dito na din ako magtrabaho. Kung alam niya lang ang inoffer ni papa sa akin.

Napabuntong hininga ulit ako. Pupunta na sana akong Manila ngayon para mag apply. O makatakas. Chineck ko kung kay text si Jolina pero wala. Saan ako pupunta?

Maya maya lang ay may biglang pumasok sa kwarto ko.

"Erina! I miss you."

It's Kyline. Lumapit siya sa akin at niyakap ako.

"Ayos na ba ang paa mo?" tanong niya.

Tumango naman ako.

"Ang aga mo namang pumunta dito? Kailan pa kayo nakauwi?" tanong ko.

Hindi ko na kasi nabilang ang araw. Napatingin ako sa orasan at alas dies palang ng umaga.

"Kahapon lang. Samahan mo naman ako bumili ng regalo para kay Phil." aniya.

"Bakit? Birthday niya?" tanong ko.

Umiling ito

"Anniversary kasi namin bukas. Ngayon lang kami ako makakabili ng regalo dahil hindi kami magkasama." aniya.

Tumango ako.

"Sige. Mag aayos lang ako."

Papasok na sana ako ng banyo ng maalala ko si Kit. Nakita na kaya niya ito? Pwede naman niya ng makita si Kit pero syempre gusto ko si Caden at Katrina ang magsabi sa kanila.

"Ky? M-May nakita ka ba sa baba? I mean, sila mama?" tanong ko

"Wala ngang katao tao bukod sa maids. Ang sabi nila ay nasa farm daw sila tita Evangeline." aniya.

Napatango ako at pumasok na sa banyo. Mabilis lang din akong nag ayos para mahaba ang oras namin ni Kyline na makapamili ng bibilhin.

Nagpahatid lang daw si Kyline sa driver nila kaya sasakyan ko na ang ginamit namin papunta sa mall. Naalala ko tuloy si Kit. Dito din sila nagpunta ni mama nun at gusto niya daw na magpunta kami dito. Maybe next time.

"Alam mo na ba ang kumakalat na balita?" sabi ni Kyline.

Nacurious naman ako.

"Ano 'yon?" tanong ko.

Umikot ang mga mata niya.

"Ikakasal daw si Kier at Amara. Akala ko nga ay totoo. Sabi lang ni Philip na imposible 'yon. Talagang imposible. Si Amara lang naman patay na patay kay Kier." aniya.

It's possible. 'I'd rather have Amara than her'. Edi magsama kayo. Yun naman pala ang gusto mo eh. Napahigpit ang hawak ko sa manibela

"How's the outing by the way?"

Pag iiba ko ng usapan.

"Ayos naman. Ang nakakainis lang ay ang pagbabangayan ni Amara at Kaira. Palibahasa'y parehas silang may gusto kay Kier." aniya.

Kahit anong usapan pala ay talagang maisisingit at maisisingit niya si Kier.

"Kailan kayo ikakasal ni Phil?" tanong ko ulit.

Dangerous Romance (Bella Vista Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon