Chapter 10

3.4K 65 0
                                    

ERINA

"Akala ko ay 10 AM mo ako susunduin? Kung di pa ako gumayak ng maaga edi maghihintay ka pa nang matagal." panimula ko.

Nagsuot ako ng seatbelt at pinaandar na niya ang sasakyan.

"It's okay. I'm willing to wait." simpleng sagot niya.

Should I ask him about his girlfriend? Naisip ko bigla na what if may makakita sa amin? Magmumukha akong third party kahit na wala naman kaming ginagawang masama. Hindi ko din naman sigurado kung may girlfriend siya o wala.

"Alam ba ng girlfriend mo na kasama mo ako ngayon?" tanong ko.

Napapreno siya bigla. Buti nalang ay di ko nakalimutang magseatbelt.

"What did you say?" tumingin siya sakin at inalis ang shades niya. May nasabi ba akong mali?

"Your girlfriend—-

"What made you think that I have a girlfriend?" he asked.

"Narinig ko lang." sagot ko.

"I knew it. Narinig mo nanaman sa school?" tanong niya at pinaandar ulit ang sasakyan.

Tumango ako.

"Yes. Paano mo nalaman?" tanong ko

Napailing lang ito.

"I don't have a girlfriend Erina. Huwag mong pinaniniwalaan ang mga naririnig mo lang sa ibang tao. Do you think I'll accompany you here if I have one?" paliwanag niya.

First time niya akong tinawag sa pangalan ko. Bakit parang mas maganda pakinggan pag siya ang bumabanggit?

"You're right. I'm sorry." sabi ko.

"You don't have to say sorry. Isa pa, na-friendzoned ako." aniya.

Nanlaki ang mga mata ko at napatingin sa kanya.

"S-so you like someone?"

Parang sumikip ang dibdib ko pero hindi ko na pinansin 'yon.

"Yes, but it's okay. Maghihintay ako kung kailan pwede na." tumingin siya sakin saglit.

Kier Donovan? Mafi-friendzoned? And he's willing to wait just for her?

What a lucky girl.

"Why don't you find another girl? Like come on, you're the great Kier Donovan. May mas mahahanap ka pang iba na mas hihigit sa kanya." sabi ko.

"She's more than good enough for me and I couldn't ask for more. Whatever happens, I'll just wait for her."

Hindi na ako sumagot at tumahimik na lamang dahil biglang nag iba ang aking mood. Hindi na din ako nagtanong kung saan kami pupunta.

He really likes her.

Bigla akong nakaramdam ng lungkot at the same time ay masaya dahil ibig sabihin ay hindi niya ako magugustuhan means hindi magiging kumplikado kung ano ang mayroon kami.

Aaminin ko na attracted ako kay Kier. Who wouldn't? He's handsome, kind and gentleman. Masasabi kong 'crush' ko na siya. But he likes someone else. This feeling needs to stop. Not just for the sake of myself but for the both of us.

"We're here." aniya.

Nauna siyang bumaba sa akin at pinagbuksan ako ng pinto. Ang init.

Bago pa ako makapagsalita ay nilagay niya ang isang kamay niya sa ulo ko at ang isang kamay naman niya ay hinawak niya sa braso ko at bahagyang hinila papunta sa isang puno.

Dangerous Romance (Bella Vista Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon