Chapter 16

3.1K 39 0
                                    

ERINA

It's wedding pictorial day before the wedding. Nasa isang tent kami sa gilid ng beach upang ayusan. Eto ang photoshoot na gusto ni ate Zenaya. Nagpaiwan naman sa hotel sila Cher.

Katabi ko si Kyline na mukhang kinakabahan. Paano ay naka two piece lang kami mamaya na nude color. Dark nude ang sa amin at kay ate Zenaya naman ay light nude. Mas pinili ko ang style na over all. Nakadoble kami ng robe ngayon.

"You're so pretty! Nakakainggit naman ang kutis mo parang artista." puri ni Ate Mariel.

Siya ang nag aayos sa akin.

"Amara, you're finally here! San ka ba galing?" boses ng isang bakla ang umalingawngaw sa buong tent.

"Sorry kinausap ko pa kasi sila Kier." aniya.

Nagpintig nanaman ang tenga ko sa narinig ko. Hindi ko pa nakikita si Kier simula kahapon. Inasar naman si Amara ng ibang tao doon. Hindi na ako nag abalang tignan siya pero sa tabi ko siya naupo.

"You must be Erina Del Cuero? I'm Amara Del Mundo." pakilala niya.

Tiningnan ko siya at nginitian. Ngumiti din naman siya.

"Hi. Nice to meet you." sabi ko.

"Nice to meet you too. And Kyline Del Cuero? Right?" aniya.

"Hello nice to meet you." Kyline.

"Nice to meet you too." aniya at pumikit na para magpaayos.

Wala namang nabago. Ganun na ganun ang itsura niya sa picture. Morena at maganda siya. Mukha din siyang mabait.

Pinakulot ko nalang ang buhok ko at pinalugay ito. Nagsimula ng magtawag ang photographer. Isang shoot lang ata ang gagawin naming mga bridesmaids at yun ay ang sama sama kami nila ate Zenaya.

"Amara Del Mundo and Zeke Del Cuero." tawag ng isa.

Mukhang sila na ang kukuhanan ng picture.

Hinubad niya na ang robe niya at lumabas. Maid of honor pala siya. Napatingin ako kay Kyline.

"Ang ganda mo." sabi ko.

"Sus bola. Ikaw nga nagmukha ka nanamang manika." aniya.

Nagkwentuhan pa kami hanggang sa tinawag ang anim na bridesmaids. Hinubad ko na ang robe ko ganun din si Kyline. Maganda ang katawan ni Kyline. Ngayon niya lang yata narealized 'yon kaya di na siya nahihiya gaano.

"Woah." bulong ng isa.

Nilapitan ako ni Ate Mariel.

"Hala ang sexy mo Erina. Ang puti puti mo. Pati na din ikaw Kyline." sabi niya.

Nginitian namin sila at lumabas na. Napatingin ang lahat sa aming mga kalalabas lang. Nasa likod ng photographer ang mga tapos na sa shoot.

Hagip na hagip ng paningin ko si Kier na umiinom ng tubig sa bottled water. Confident ako sa katawan ko pero bigla akong naconscious nang makita kong nakatingin siya sa akin.

"Okay. Compress lang kayo. Ayan. Nice. One Two Three." sabi ng photographer.

Ilang shots lang ay natapos na kami. Bumalik kami ni Kyline sa tent para magsuot ng robe dahil tirik pa ang araw. Lumabas na ulit kami para panoorin ang ibang magshoshoot.

Tumabi kami ni Kyline kay Clifford na nakaupo sa mga upuan doon. Katapat lang namin sila Kier. Luminga linga ako para hanapin si Amara. Himala at wala siya.

Dangerous Romance (Bella Vista Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon