Chapter 33

2.4K 33 0
                                    

ERINA

Pumasok agad ako sa gym para tignan kung totoo ba ang sinabi ng kateammate ni Kier. Nanlumo ako nang makita kong wala nga siya doon.

"Hindi pala naglaro si Kier ngayon?"
"Oo nga eh sayang. Bakit kaya?"
"Siya pa naman ang pinunta ko dito."

Narinig ko ang bulong bulungan. Umalis ako at pinaharurot ang sasakyan papunta sa lugar na binigay ni Hillary. Wala akong tiwala sa kanya pero wala namang mawawala kung susubukan ko.

Pinark ko ang sasakyan ko sa tapat ng katabi ng store. It's a pizza store. Naalala ko na 'yon ang pinadeliver na pizza ni Kier sa Station 9.

Bago mag 7pm ay tanaw na tanaw ko na si Kier na bumaba galing sa tricycle. Napanganga ako dahil kahit nakacap siya ay kilang kilala ko na siya 'yon. Naka T-shirt siya na yellow na uniform ng pizza store. What is happening?

Pumasok siya sa loob at di kalaunan ay nakita ko siyang naglalampaso ng sahig. Anong ginagawa niya? Napanganga ako at kusa nalang na may tumulo na luha sa mga mata ko. Bakit siya nandyan? Bakit nagmomop ang isang Kier Donovan sa isang Pizza store?

Ang dami kong tanong. Gusto kong bumaba para mahanap lahat ng sagot pero masyado akong nanghihina. Kaya ba parang may nag iba? Kaya ba't parang pumayat siya? Pero bakit? Bakit?

Mas pinili kong umalis sa lugar na 'yon. Kailangan ko ng sagot.

Tumunog ang phone ko.

Erina, si tita Lina mo ito. Meet me at Palacè Restaurant tomorrow.

Kabadong kabado ako habang papalapit sa table kung saan nandoon si tita Lina. Tumayo siya para bumeso sa akin. Mukhang hindi siya gaano kasigla ngayon kumpara sa unang pagkikita namin. Naupo na kaming dalawa

"Hi Erina. How are you?" tanong niya.

Hindi ko pa man naitatanong ang mga gusto kong itanong pero may nagbabara na sa lalamunan ko.

"I-Im fine tita." sagot ko.

"That's good." aniya.

"T-Tita what happened?" tanong ko.

Isang simpleng tanong lamang pero alam na agad ni tita Lina kung para saan 'yon.

"Erina. Listen carefully okay? Wala akong tutol sa gusto ng anak ko. Simple lang akong ina. Kung gusto niya ay gusto ko din. Kung mahal niya ay mahal ko din. Si Kier lumaki 'yang bata na 'yan na sunod sa luho. Pero hindi nawala sa kanya ang kabutihan at kabusilakan ng kanyang puso." panimula ni tita.

Huminga muna siya ng malalim bago magsalitang muli.

"Habang lumalaki siya ay mas nagkakaroon siya ng sariling pananaw sa mga bagay bagay na kasalungat sa pananaw ng ama niya. Hindi sila magkasundo ng ama niya noon pa man. Pakiramdam niya kasi ay kontrolado na nito ang buhay niya, which is true. Gusto lamang ng asawa ko ang ikakabuti ni Kier pero minsan ay nasosobrahan na."

May tumulong luha sa mga mata ni tita Lina.

"Nalaman ng ama niya ang relasyon niyong dalawa Erina. Alam mo naman ang sitwasyon ng pamilya natin sa isa't isa. Kung sa akin lang ay wala 'yon. Pero ama na ni Kier 'yon eh. Wala akong laban sa kanya."

Napaiyak na si tita ng tuluyan. Mukhang alam ko na kung saan patungo ang usapan na 'to. Naninikip ang dibdib ko.

"Kung ako walang laban. Paano pa si Kier? Pinaglaban ni Kier ang relasyon niyo Erina. Pinaglaban niya kahit alam niyang wala siyang pag asa. Kasi sobrang mahal na mahal ka ng anak ko. Ikaw ang pinaka-iniingatan niya. Sinabi ko sa'yo kanina, kapag gusto ni Kier ay gusto niya at wala nang makakapigil doon. Kinausap kita ngayon kasi nasasaktan na ako sa nangyayari sa anak ko." aniya.

Napaiyak ako sa hagulgol ni tita. Nararamdaman ko ang sakit na nadarama niya.

"S-Sinabi ng ama niya na hiwalayan ka na pero hindi pumayag si Kier. Kinuha niya ang credit cards, sasakyan at cellphone nito. Pinagbawalan niya kami na huwag siyang tulungan o bigyan man lang ng pera. Lahat 'yon ay walang alinlangang ibinigay ni Kier sa ama niya. Wala akong alam sa nangyayari sa anak ko dahil hindi na din siya umuuwi sa mansion."

Nagbadya nanamang tumulo ang mga luha ko.

Dito na ako tuluyang naliwanagan. Kaya pala ang dami niyang excuses. Yung sasakyan niya na nakapark sa gym. Ang cellphone niyang nawala. Ang araw araw niyang practice game na hindi naman niya sinisipot dahil sa trabaho niya. Paano niya nagawa 'yon? Bakit lahat ay kaya niyang gawin para sa akin? Pinili niyang siya ang mahirapan basta't wag lang ako. Ang unfair niya. Bakit hindi niya iniisip ang sarili niya? Bakit lagi nalang ako?

Walang tigil ang pag agos ng luha ko.

"Erina alam kong mahirap para sa inyo 'tong dalawa. Sinabi ko lamang sa'yo ang lahat ng ito para masubaybayan mo si Kier at hindi na ako mag alala."

Hindi 'yon ang naiisip kong solusyon. Bakas sa mukha ni tita Lina ang sobrang pag aalala at pagkamiss kay Kier.

"T-Tita kausapin mo po si t-tito na ibalik lahat kay Kier ang buhay na nakasanayan niya." sabi ko.

"I tried Erina. I tried so many times. Pero hindi talaga ako pinakikinggan ng asawa ko. P-Pinag awayan namin 'yan pero wala talaga. Matigas ang puso ng ama niya. Kayang kaya niyang tiisin si Kier ng ganon ganon nalang." aniya.

Seeing their family breaks apart broke my heart. Nang dahil sa akin ay nagkakaganito ang pamilya nila. I should've atleast do something.

"Tell him tita that I'm b-breaking up with Kier. N-Not now but g-give me t-time." nauutal na sagot ko.

Parang may nagbara sa aking lalamunan at pakiramdam ko ay pulang pula na ang mga mata ko. Nasasaktan ako pero ito ang tamang gawin. In the first place ay alam na namin ni Kier na hindi pwedeng magkaroon ng 'kami' pero pinilit pa rin namin.

"No hija. Babalik siya sa buhay niya pero ang kapalit noon ay masasaktan kayong dalawa. Hindi ko kayang makita kayo sa kalagayan na 'yon."

Umiling ako.

"'M-Mas hindi ko po kayang makita na nasisira ang pamilya niyo tita. Bata pa lang si Kier ay nandiyan na kayo para sa kanya. Wala pa kaming isang taong magkasama tita. Mabubuhay siya ng wala ako. Hindi ako makakapayag na masira lang ang mga pinagsamahan niyo dahil lamang sa akin. I'm not worth it." sagot ko.

"Erina..."

"I-I'm gonna be okay tita. J-Just give me time to make things right. I don't want to see Kier to suffer more because of me. I love him so much that I'm willing to set him free. Siguro ay hindi talaga k-kami para sa isa't isa." sabi ko.

Tumayo siya at niyakap ako. Pinilit kong pigilan ang mga luha ko para hindi na makita ni tita Lina na nasasaktan ako.

"You amazed me so much Erina. I love you and thank you." bulong niya.

Bakas na sa boses ni tita Lina na naginhawaan siya sa sitwasyon.

"P-Pwede po bang h'wag na nating ipaalam kay K-Kier ang naging usapan natin? I-I don't want him to choose me over and over again." sabi ko.

Kapag nalaman ni Kier ang lahat ng naging usapan namin ay mas lalo lang niya akong ipaglalaban sa pamilya niya.

"Don't worry hija. It'll remain as our secret." aniya.

Natapos ang usapan ay napagpasyahan na naming umalis, Pagkasakay na pagkasakay ko sa sasakyan ko ay bumuhos na lahat ng emosyon na kanina ko pa itinatago.

I'm hurting so bad. Gusto kong sumigaw at magwala. Pero para saan? Naiisip ko palang na maghihiwalay kami ay parang nawawasak na ang puso ko. I love him so much. It's hard for me but it's harder for him and his family.

Sana maintindihan niya ang naging desisyon ko.

Dangerous Romance (Bella Vista Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon