Chapter 34

2.5K 49 1
                                    

ERINA

Pagkauwi ko ay dumiretso ako sa office ni papa. Hindi na ako kumatok at pumasok nalang. Napatingin siya sa akin.

"What brings you here, Erina?" tanong niya.

"I want to go back to US." sagot ko.

Sinara niya ang laptop niya.

"Sit down." aniya.

Tahimik akong naupo.

"Paano ang pag aaral mo?" tanong niya.

"Itutuloy ko po sa US." sabi ko.

Tumango tango naman ito. May nilabas siyang ticket sa lamesa. Nanlaki ang mga mata ko.

"Great. Matagal ko ng plano 'to simula nang malaman ko ang relasyon niyo ni Donovan. Aalis ka na samakalawa. Bumalik ka na sa kwarto mo." aniya.

Samakalawa? Malungkot akong napangiti. Happy birthday to me.

Parehong pamilya namin ang may tutol sa aming dalawa. Kahit ano palang gawin namin ay dito at dito pa din ang kahahantungan.

Kinuha ko ang ticket at bumalik sa kwarto ko. Umiyak ako nang umiyak hanggang sa mapagod na ang mga mata ko. Why it is so unfair? Wala naman kaming ginawa. Nagmahal lang naman kami.

Ang bigat sa dibdib. Iniisip ko pa lang na maghihiwalay kami ay nasasaktan na ako. Parang dati ayoko pang sumama dito sa Bella Vista pero ngayon ay ayaw ko ng umalis.

Kinabukasan ay tinake ko lahat ng finals exam namin sa faculty. Hindi ko din sinabi kila Kyline ang pag alis ko.

Uwian na at hindi na ako nagulat na inaabangan ako ni Kier sa tapat ng room.

"Wow may sundo ka ulit." asar ni Sharmaine.

Tipid akong ngumiti. Sinalubong ako ni Kier at kinuha ang bag ko. Kumaway ako kila Kyline.

"Station 9 tayo? Ipagluluto kita." aniya.

Tumango ako.

This is our last day. I'm gonna miss him so bad.

Pagdating namin sa parking lot ay nakita ko na ang sasakyan niya. Binalik na ito ni Don Karino. It's really happening now. Wala ng atrasan 'to.

"Dito na tayo sumakay. Balikan nalang natin sasakyan mo." masayang sabi niya.

Tumango ulit ako. Pinagbuksan niya ako ng sasakyan at nagmaneho na siya. Tinitigan ko lamang siya.

"Bakit namamaga 'yang mata mo? Ang tamlay mo din. Nilalagnat ka ba?" tanong niya.

Umiling ako.

"I love you." sagot ko.

Ngiting ngiti siyang tumingin sa akin.

"I love you more misis ko." aniya at hinawakan ang kamay ko.

Mamimiss ko ang pagtawag niya sa akin nun na malabo nang mangyari.

Pagkarating namin sa station 9 ay agad siyang nagluto. Pinanood ko siya tulad ng ginagawa ko dati. Nakatalikod siya sa akin. Pumunta ako sa pwesto niya at niyakap siya.

"Miss na miss mo na naman ako ah." aniya.

Humarap siya sa akin at walang sabing sinakop ang mga labi ko. My hands begin to slide up to his chest and encircled my arms around his neck.

Our kissed remained soft and gentle. He pulled away after a second.

"Baka masunog niluluto ko at wala tayong makain. Laters, okay?" aniya at kumindat pa.

Dangerous Romance (Bella Vista Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon