Chapter 51

3K 46 0
                                    

ERINA

It's Saturday.

Katatapos ko lang maglunch at si Kier ay umalis muna kanina para i-check ang lugar na pupuntahan namin. Hindi ko pa din alam kung saan niya ako dadalhin.

Kasalukuyan na kausap ko si Kit ngayon sa phone. I miss him.

"Momm, I miss you. Where are you?"

Ilang araw ko na ba siyang hindi nakikita?

"Dadalawin kita diyan sa susunod na araw okay? Busy lang si mommy. Do you want some toys?"

"No need mommy. I have a lot of toys na eh. Lola bought it. I'm so happy mommy lagi kami naglilibot sa farm and there's a lot of animals there."

"I'm glad that you're enjoying. Mommy needs to go na. I love you."

"I love you too mommy."

Pinatay ko na ang tawag. Noong nakaraan ay si Katrina naman ang kausap ko at mukhang nag eenjoy pa silang dalawa ni Caden sa bakasyon nila.

Tiningnan ko ang oras.

Nagsimula na akong mag ayos at saktong alas dos ay natapos din ako. Narinig ko ang busina ng sasakyan niya. Nandiyan na siya. Dali dali akong bumaba.

"Hey." bati niya.

Ngumiti ako at pinagbuksan niya naman ako ng pinto. Sumakay na ako sa sasakyan niya. Excited na ako sa pupuntahan namin.

"Malayo ba 'yun?" tanong ko.

"30 minutes drive lang." sagot niya.

Tumango lang ako.

Kalahating oras ang lumipas at nakarating kami sa lugar. Napanganga ako sa nakita ko. It's a flower garden.

"It's so beautiful." bulong ko.

Mukha siyang paraiso. Punong puno ng iba't ibang uri ng bulaklak at nakadagdag sa ganda nito ang iba't iba nilang kulay.

"Did you like it? I rented the whole place." aniya.

Ngumiti ako sa kanya at napangiti din siya.

"I like it. Super." sabi ko at pumasok sa maliit na gate na gawa sa kahoy.

Patalon talon pa ako. This place is so relaxing.

"Wait for me."

Nakita ko si Kier sa likod na may dalang basket.

"What's that?" tanong ko.

"Baka gutumin tayo sa paglilibot so I prepared something."

"Ah okay."

Tinalikuran ko siya at wala sa sariling napangiti nanaman. He's being sweet again. Binagalan ko ang paglalakad para masabayan niya ako.

Nilapag niya muna sa isang picnic shed ang basket at sinabayan na nga niya ako sa paglalakad.

"Sabihin mo kapag pagod at gutom ka na." aniya.

Tumango lang ako.

"Gusto mo bang kuhanan kita ng picture?" tanong niya.

Dangerous Romance (Bella Vista Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon