Chapter 4

3.7K 63 0
                                    

ERINA

"What? Si Kier Donovan?!" sigaw ni Kyline

"Hmm actually binanggit lang naman niya ang pangalan ni Jackson Fuentes at napatingin ako kung san siya nakatingin kaya nakita ko kayo." paliwanag ni Clifford.

Nakatingin siya sa amin?

Nakita niya kami?

Bumagsak ang balikat ko. Malamang ay alam na niyang Del Cuero ako.

Teka? Bakit ako nanghihinayang?

"Si Kier Donovan nakatingin samin? Napakaimposible! For sure si Philip nakatingin din. Kyaaaah!" Kyline

"Chill Ky, si Jackson talaga ang tinitingnan nila. Siguro ay magkakaibigan sila dahil pinsan ni Jackson si Hillary na girlfriend yata ni Kier." Clifford.

Hillary? 'Yan ang mga naririnig ko sa bulungan. Mukhang girlfriend nga niya iyon.

"Ew ha! Mas maganda pa nga ako dun sa mukhang clown na 'yon eh. Sabi nung iba hindi naman sila." Kyline.

Nagkibit balikat na lamang si Clifford.

Isang linggo na ang nakalipas at nakatatak pa rin sa isipan ko ang mga pinag usapan namin ni Kyline at Clifford after ng game.

Ilang beses ko na rin napapanaginipan ang mukha niya.

Am I attracted to him? Maybe yes. Pero hindi pwede. Parehas kami ng course pero hindi ko na siya ulit nakita pa.

"Class dismissed." Sir Benedict.

Tiningnan ko ang relo ko at maaga siyang nagpalabas ngayon. Tamang tama at gutom na ako. Wala si Kyline ngayon dahil nilalagnat. Tiningnan ko si Clifford.

"Cliff, maglulunch na ako. Ikaw?" tanong ko.

"Mauna kana Eri, susunod ako. Tapusin ko lang 'to." sagot niya habang busy siya sa paglalaro sa cellphone kasama ang iba pa naming kaklase na lalaki.

"Okay." sagot ko at umalis na.

Nakakausap ko na din ang mga kaibigan niyang lalaki pero wala talagang babae ang lumalapit sa akin para makipagkaibigan. Baka kapag ako ang lumapit ay hindi din nila ako pansinin.

Nakarating ako sa canteen at buti nalang ay madaming bakanteng upuan dahil maaga pa.

Lumapit ako sa cashier para magbayad muna.

"Ano order mo?" tanong ng babae.

"Chicken ala king with one rice and iced tea at isa pong bottled water." sagot ko at nagbayad na.

Hinintay ko sa gilid ang order ko at mabilis lang 'yon naihanda dahil wala namang pila.

Wala naman akong ginagawa pero bawat galaw ko ay sinusundan ng tingin ng mga tao dito. Well, nasanay na din ako dahil hindi na bago ito.

Mas pinili ko ang lamesa sa pinakagilid. Gutom na gutom na ako.

Nangangalahati palang ako sa kinakain ko nang biglang umingay ang canteen.

"Waaah Kier."
"Ayan na sila! Busog na agad ako."
"Ang gwapo talaga nilang tatlo!!! Pero pinakagwapo si Kier!!!"

Dangerous Romance (Bella Vista Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon