Chapter 48

2.8K 33 0
                                    

ERINA

Nagising ako ng bandang alas sais. Naligo na ako at nag ayos. Nasa taas pa lang ay amoy na amoy ko na ang pagkain na niluluto sa kusina. Nakaramdam ako ng gutom. Si Kier ba ang nagluluto?

"Alright. See you at the office Amara."

Boses ni Kier ang narinig ko. Ang aga aga magkausap sila sa phone? Sa kanila nagtatrabaho si Amara? Dadaan nalang ako sa isang cafe shop para mag agahan. Ayoko siyang makasabay. Pagkatapos ng nangyare..stop. I'll just pretend it didn't happened.

Pagkababa ko ay dire diretso ako sa front door pero hindi ko alam kung anong lakad ang ginawa ni Kier at naabutan niya pa ako.

"Erina." malamig na tawag niya

Dahan dahan akong lumingon sa kanya. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Yes?" tanong ko.

"Sa susunod ay ipapaalam mo kung saan ka pupunta para walang nag aalala sa'yo." aniya.

"Sinabi ko bang mag alala ka? Anong karapatan mong pagsabihan ako? For your information walang tayo." sagot ko.

Kumunot ang noo niya pagkatapos ag ngumisi.

"Sino bang nagsabi na ako ang nag aalala? Bakit hindi mo tawagan ang mga magulang mo para may silbi 'yang cellphone mo at malaman mo kung gaano sila napuyat kakahanap sayo. Tigilan mo ang pagrerebelde mo dahil naaabala din ako. Kung ako naman ang tatanungin ay ayoko din sa kasalang 'to." aniya

Parang sinaksak nanaman ng daang beses ang dibdib ko. Pinigilan kong huwag maiyak sa harap niya.

"Anong rebelde pinagsasabi mo? As far as I remember ikaw ang nakipag usap sa akin tungkol sa kasal na hindi naman mangyayari. Galit ako sa parents ko at labas ka na don. Wag tayong makialam sa buhay ng isa't isa dahil matagal na tayong tapos. Tutal ayaw naman natin pareho sa kasal na ito. Maghanap ka nalang ng ibang babae. Hindi ako magpapakasal dahil lang sa pera. Papakasalan ko lang ang taong mahal ko at hindi ikaw 'yon."

Iba pala talaga nagagawa ng galit. Nakakaya kong magsinungaling matakpan lang lahat ng sakit. Hindi ko mabasa ang mukha niya. He looks furious, sad and betrayed. I don't know anymore. Tumingin siya ng diretso sa mga mata ko.

"Sa ayaw at gusto mo sa akin ka ikakasal. Mabuti pang iwanan mo na kung sino man ang ibang lalaki sa buhay mo. Tutal doon ka naman magaling diba? Anyway, kumain ka muna bago ka pumasok." aniya at umalis sa harap ko.

Napanganga ako sa sinabi niya. Did he assume na may iba talaga akong mahal? Sa tingin niya ay sasabay pa ako sa kanya kumain pagkatapos ng usapan namin?

Napairap ako sa hangin at nagmamadaling lumabas. Kung ganito kami araw araw ay hindi nalang ako uuwi dito. Bakit ba kasi ako ang nandito? Si Amara dapat tutal mukhang nagkakamabutihan na sila. Ang aga aga magkausap na. Dinaig ang fiancée? Ay shit!

Napailing ako dahil sa pamilyar na nararamdaman ko. I'm jealous as hell at maling mali 'to.

Pagkarating ko sa office ay nagpatambak ulit ako ng trabaho. Ala una na ng tanghali at wala pang laman ang tiyan ko. Naalala ko na hindi pala ako nagbreakfast. Hindi na rin siguro ako sinabihan ni Suzy ng lunch time dahil sabi ko ay huwag akong istorbohin.

Tatayo na sana ko ng pumasok si Suzy at may kasunod na lalaki or should I say demonyo.

"Ma'am s-sorry kasi po—-

"It's okay. You can go now." sabi ko

Mukhang humihingi siya ng sorry dahil hindi niya napigilan si Kier na pumasok dito. Bago siya umalis ay tumitig ulit siya kay Kier at bahagyang namula.

Dangerous Romance (Bella Vista Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon