Chapter 27

2.7K 34 0
                                    

ERINA

"Sa wakas at makakapagpahinga din ang utak ko." sabi ni Cher habang nagliligpit ng gamit.

Katatapos lang ng final exam namin. Christmas break na. Three weeks ang pahinga namin dahil magsisimula na ang second sem at mag eenroll kami sa second week ng January. Ang bilis. Nakalimang buwan na agad kami sa lagay na 'yon.

Pareho kaming naging busy ni Kier this week kaya hindi kami nakakapagkita.

"Tara na kumain. Cliff tara na!" aya ni Kyline.

Hindi ulit kami makakapagkita ngayon ni Kier dahil nagkayayaan kaming kumain. Kami nila Kyline, Cher, Carmela at Sharmaine kasama sila Clifford, Timothy at Erick. Mga kaibigan sila ni Clifford na close din namin sa lalaki.

Tinext ko si Kier habang papalabas na kami ng room. Nakapagpaalam na ako pero hindi ko kasi alam na kasama sila Timothy kaya sasabihin ko. Baka magselos nanaman ang mokong.

Tapos na exam namin. Kakain na kami kasama namin sila Clifford. :*

Hindi naman siya nagrereply. Kaninang umaga pa tapos ang exam niya. Ano kayang ginagawa niya?

Nakarating na kami sa isang korean bbq restaurant. Isa ito sa napansin ko dito sa Bella Vista. Akala ko ay walang masyadong ganito pero namangha ako dahil madami silang iba't ibang uri ng restaurant. Chinese, Korean, Japanase, name it.

Nagkasya naman kami sa isang table dahil malaki ito. Napagpasyahan naming magsamgyupsal.

"Ky saan tayo magcecelebrate ng Christmas at New Year?" tanong ko.

"Sa mansion lang. Kasama natin ang lahat ng tauhan ng Del Cuero magcelebrate." aniya.

Mukhang masaya 'yon. Malawak ang likod ng mansion at naiisip ko dati na pwedeng pwede magpafiesta ang buong baranggay don sa laki.

"Unang pasko mo dito sa Bella Vista. Masaya 'yon Eri. Tiyak na mag eenjoy ka." sabi ni Clifford.

"Talaga? Naeexcite na nga ako eh." sagot ko.

Sumali naman sa usapan ang iba at napuno ng tawanan ang lamesa namin. Ilang minuto pa at nakauwi na ako. Nanghina ako sa nabasa kong text galing kay Kier.

We're on our way to Manila. Behave okay? Usap tayo mamaya pagkadating namin. I love you :*

Hindi kami gaano nagkita ngayong linggo kaya kung pagsasama samahin ang araw ay halos isang buwan kaming hindi magkikita. Naiisip ko palang ay nalulungkot na ako.

Nireplyan ko siya.

I miss you ;(

Agad din siyang nagreply.

Wag kang magtext ng ganyan Erina. Sinasabi ko sa'yo bababa ako dito.

I smiled. Agad akong ang reply.

Wag kang mambababae ha? I love you :*

Alam ko namang hindi niya kayang gawin 'yon. Iniinis ko lang. Wala pang isang minuto ay nagreply na siya ng magkasunod.

Ikaw pa nga lang ay sobra sobra na hahanap pa ba ako ng iba?

Kinikilig na naman ang misis ko.

Napatawa na ako. Ang lakas talaga mang asar.

Siguraduhin mo lang. Maliligo muna ako. Tawag ka mamaya. :*

He replied.

Huwag mo subukang makipag usap sa ibang lalaki. Alam kong madaming kakausap sa'yo pero wag mong papansinin. Naiisip ko palang ay selos na selos na ako. H'wag mong pagselosin ang mister mo. Okay?

Dangerous Romance (Bella Vista Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon