Chapter 25

2.9K 42 1
                                    

ERINA

I'm on my way to school. Medyo maginhawa na sa pakiramdam ang pagpasok ko ngayon dahil tapos na ang midterm. Ang bilis ng panahon. Parang kailan lang ay ayoko pang sumama papunta dito pero ngayon ay gusto ko nalang manirahan dito habang buhay.

Pagdating ko sa parking lot ay nakita ko si Kier na nakasandal sa sasakyan niya. Bakit siya andito?

Bumaba ako ng sasakyan ko at sinalubong naman niya agad ako.

"What are you doing here? Mamaya pa class mo ah." sabi ko.

Nagbigayan kasi kami ng schedule. Kaya nga hindi niya ako nasusundo dahil magkaiba schedule namin.

"I missed you. Hindi tayo nag usap kagabi." aniya.

Hinalikan niya ako sa pisngi at kinuha ulit ang bag ko. Naguilty naman ako dahil kasalanan ko 'yon. Ang dami ko nga kasing iniisip tungkol sa napag usapan namin ni mama.

"Pero mamaya pa ang class mo. Saan ka pupunta?" tanong ko.

"Babantayan ang misis ko." aniya.

Namula naman ako sa sinabi niya. Hinampas ko ang braso niya.

"Baka may makarinig sa'yo." sabi ko.

Madami dami na din kasi ang estudyante na nakakasalubong namin.

"Para malaman nila na akin ka lang at walang pwedeng umagaw sa'yo." aniya.

Nangangamatis na talaga ang mukha ko.

"Ang aga mo naman bumanat. Sa tingin mo papaagaw ako?" sagot ko.

"Hindi. Patay na patay sa akin eh." aniya.

Tinitigan ko siya. Ang kapal talaga ng mukha pero totoo din naman sinabi niya.

"Pero syempre mas patay na patay ako sa'yo." biglang bawi niya at tumawa.

Sobrang nag iba talaga si Kier. Akala ko ay seryoso at masungit siya sa una pero habang tumatagal ay nagiging sweet at clingy na. Mas lalo ko naman siyang minamahal kasi sa akin lang siya nagiging ganun.

Nakarating na kami sa room at akala ko ay ihahatid niya lang ako pero pumasok siya mismo sa loob. Nauna pa sa akin.

Nandoon na sila Kyline. Gulat na gulat ang mga itsura nila pati ng iba kong kaklase. Naupo na ako sa tabi niya at bigla namang tumayo si Kyline.

"Doon nalang ako sa tabi ni Cher." aniya at kinindatan pa ako.

"Bantay sarado." asar ni Sharmaine.

Naupo na si Kier sa tabi ko.

"Magsi-sit in ka ba talaga?" tanong ko.

Hindi sa ayaw ko siya dito pero nasa kanya na kasi ang lahat ng atensyon ngayon. May mga naghahagikgikan na din akong naririnig. Sarap takpan ng mga bunganga.

"Ayaw mo ba ako makasama?" aniya.

Kumpara kanina na dalawa lang kami ay mas seryoso siya ngayon at hindi na pacute. Alam niya sigurong madaming nakamasid sa kanya.

"Gusto syempre." sabi ko at ngumiti sa kanya.

Ngumiti din siya.

"Kyaaaaah!!!!"
"Ang gwapo niya talaga!!!"
"Ang bango niya umaabot hanggang dito."

Napatingin ako sa mga babae sa gilid ko. Agad naman silang nag iwas ng tingin.

"Nood ka practice mamaya. Sabay tayo umuwi." aniya.

Dangerous Romance (Bella Vista Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon