End

5.1K 55 3
                                    

KIER

"Don't forget my engagement party later bro. I'll go ahead now." sabi ni Philip.

"Yeah."

Lumabas na siya ng office ko at pumasok naman si Amara.

"Kier sabay na tayo pumunta mamaya sa venue. Sasabay din daw si Caden." Amara.

"Okay."

Umuwi muna ako para magbihis at sinundo si Amara't Caden.

"Wow ang ganda ng set up." Amara.

Naupo na kami at ilang oras pa ay napuno na itong lugar. Lumabas na din si Philip at Kyline at naupo sa gitna. They both look so happy. They deserved it.

Napalingon ako sa kabilang side. Nakita ko si Zeke at Cliff. Pati na din sila Cher. Nasaan siya? Hindi kaya siya pupunta? Napailing ako. Masaya na siguro siya sa US.

"Nakakabitin naman. Anyways, Mr. Kier Donovan madami sa bisita nating mga kadalagahan ang gustong magtanong. May nagpapatibok ba sa puso ng isang Kier Donovan?" tanong ng emcee.

Nabigla ako sa tanong kaya umiling lang ako. But the truth is, walang nagbago. Siya pa din ang laman nito.

Naupo na ulit ako pagkababa ko.

"Na-hot seat ka bigla ah." sabi ni Amara.

Natawa lang ako.

"Next na ba ako? Ako kaya itatanong sa akin?" sabi ni Caden na tumawa din.

"Next for the engagement message, Miss Erina Del Cuero." emcee.

Awtomatiko silang napatingin sa akin.

Hearing her name makes my heart beats so fast. She's here?

"Again, Miss Erina Del Cuero. Where are you?" ulit ng emcee.

Sumimsim ako ng wine at nag angat ng tingin. Kitang kita ko kung paano siya lumabas sa kabilang bahagi ng stage at nakangiting umakyat ng stage.

She looks so beautiful.

Parang ang saya saya niya. Parang wala siyang iniwan at nasaktan dito three years ago.

"That was so emotional Miss Erina Del Cuero. Kung ikaw ang tatanungin ngayon, kailan mo balak magpakasal?" tanong ng emcee.

She smiled again.

"Anytime." sagot niya.

Mayroon na ba siyang bago? Hindi ko maiwasang na huwag magalit.

Pagkatapos ng engagement party ni Philip ay nagkayayaan kami sa bar. Hinatid ko muna si Amara at sumunod sa kanila. I know that she's there.

"Si Erina ba 'yon?" Caden.

I saw her talking to some guy. Umakyat pa siya kasama ang lalaki.

"Where's Kyline?" tanong ko.

Nginisian naman ako ni Caden.

"Do you want to join them? Let's go there." Philip.

Tumayo kami at lumipat sa table nila sa taas. Ang tagal kong hinintay na bumalik siya at eto siya ngayon sa harap ko. Hindi ko magawa ang tignan siya dahil oras na gawin ko 'yon alam kong matatalo nanaman ako.

Dangerous Romance (Bella Vista Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon