Chapter 26

2.8K 41 0
                                    

ERINA

Mabilis lumipas ang araw at ngayon ay finals na namin. Last week na ng sem ngayon. Pagkatapos ng exam ay Christmas break na.

Nandito ako ngayon sa station 9 para magreview. Tinitigan ko si Kier na abalang abala sa pagtipa sa calculator. Habang dumadaan ang araw at tumatagal ang pagsasama namin ay mas lalong tumitibay ang pagmamahal ko sa kanya.

Hanggang ngayon ay hindi pa ako kinakausap ni papa tungkol kay Kier. Hindi ko alam kung kakabahan ba ako o ano.

"Tapos kana magreview?" biglang anong niya.

Tumango ako.

"Alright. Magbibihis lang ako." aniya at hinalikan ako sa pisngi.

Tumayo na siya para magpunta sa kwarto niya. Aalis kasi kami at pupunta sa bahay ni Sharmaine dahil birthday niya ngayon.

Sinalubong kami ni Sharmaine pagkarating namin sa kanila.

"Happy birthday!" bati ko at inabot ang regalo ko sa kanya.

"Happy birthday." bati ni Kier.

"Thank you lovebirds. Salamat din at nakapunta kayo. Tara na sa loob para makakain na kayo." aniya.

Simple lang ang celebration ni Sharmaine. Kaming mga kaibigan lang niya ang nandito at ang boyfriend niya na si Gab. Pero kalaunan ay may mga dumating pang mga lalaki na kaibigan ni Gab. Kilala naman ni Kier ang mga 'yon dahil magkakaklase sila.

"Tara uminom." yaya ni Gab.

Nagpunta ang mga lalaki sa kabilang table. Si Kier naman ay nanatili sa tabi ko.

"Inom ako?" paalam niya at mukhang nag aalangan pa.

Tinanguan ko naman siya. Ayos lang sa akin dahil magkasama naman kami at beer lang din naman ang iniinom nila kaya hindi siya malalasing.

"Erina mukhang patay na patay sa'yo si Kier." sabi ni Kyline

Natawa naman kami.

"Sinabi mo pa. Kaya wala ng lalaki ang lumalapit diyan eh." singit naman ni Cher.

"Mga sira. Paano niyo naman nasabi?" tanong ko.

Hindi naman kasi nila nakikita ang side ni Kier na sweet or ano.

"Wagas kung bantayan ka eh. Akala mo'y may kukuha ng may kukuha kay Erina. Ikaw na girl." Carmela.

Napangiti ako dahil totoo naman 'yon. Napakaseloso.

"Ang swete niyo sa isa't isa." sabi ni Sharmaine.

Napangiti nanaman ako.

"Hindi naman ganyan dati si Kier." sabi ni Cher.

Nacurious tuloy ako.

"Ano ba siya dati?" tanong ko.

"Naikwento ko sa'yo diba? Sikat sila. Lalong lalo na si Kier. Hindi yan namamansin ng babae o kahit na sino. Hinahabol habol yan ng mga babae pero wala siyang pakealam." Kyline.

"True. Mayroon pa nga ang umamin sa kanya through radio broadcast. Anong ginawa niya sa babae? Pinasuspend. Madami ng napahiyang babae si Kier at kasalanan naman nila 'yon. Pero ang pagiging cold at masungit pa niya mismo ang lalong nagustuhan ng iba kaya patuloy sila sa paghanga sakanya." paliwanag ni Cher.

"Kaya gulat na gulat talaga kami Erina na kayong dalawa pala. Wag mong mamasamain ah? Hindi siya pumapansin ng babae at Del Cuero ka kasi. Sa pagkakaalam ko ay ayaw niya sa inyo." sabi ni Carmela.

Napatango lang ako dahil alam ko naman na 'yon.

"Oo nabanggit ko na kay Erina yan. Well, expect the unexpected." sabi ni Kyline.

"Kapag tinamaan ka talaga ni kupido ay wala ka ng magagawa." Sharmaine.

Natawa kami.

Gabi na ng napagpasyahan namin na umuwi. Sumabay na sila Cher kay Kyline na may sundo. Si Kier naman ang maghahatid sa akin.

"Mamimiss kita." biglang sabi niya.

Napatingin ako sa kanya.

"Ha? Magkasama na tayo buong maghapon at magkikita naman tayo bukas." sabi ko.

Umiling ito.

"Malapit na Christmas break. Pupunta kaming Manila." aniya at tumingin sa akin saglit.

"Ano ka ba? Ilang weeks lang tayo hindi magkikita. Magvivideo chat naman tayo tulad ng dati." sabi ko.

"It's not enough. Gusto ko nahahawakan at nayayakap kita. Kung pwede lang akong hindi sumama." sabi niya.

"Kier hindi pwedeng hindi mo kasama ang pamilya mo sa pasko at bagong taon. Mabilis lang ang three weeks."

Tahimik siya hanggang maihatid niya ako sa mansion. Ako na ang lumapit para mai-kiss siya.

"Mag ingat ka pauwi. I love you." paalam ko.

Lalayo na sana ako nang hilain niya ulit ako para mahalikan. I smiled between our kisses. Mukhang mamimiss niya nga ako. I'm gonna miss him too.

Humiwalay kami sa isa't isa dahil nawawalan na ako ng hangin.

"Don't talk to other guys okay? Magtetext ako minu minuto at dapat magreply ka agad." aniya.

Napangiti ako. As if may lalaki akong makakausap. Kung meron man ay sila Clifford lamang 'yon.

"Yes boss." sagot ko at sumaludo po kuno.

"Sige na bumaba kana. Baka hindi ko pa mapigilan ang sarili ko at ikulong nalang kita dito sa kotse ko." aniya.

Hinampas ko ang braso niya at bumaba na.

Kinawayan ko siya hanggang sa mawala na siya sa paningin ko.

Bago pa ako makapasok sa kwarto ko ay may tumawag na sa akin.

"Erina."

Napalunok ako ng marinig ko ang boses ni papa. Nakabukas ang study room niya na madadaanan bago ang kwarto ko.

"P-pa." sagot ko

Pumasok ako sa study room. Nakaupo siya sa swivel chair niya habang nakaharap sa laptop at may mga papel siyang pinipirmahan. Pagkaupo ko sa harap niya ay saktong sinara nya ang laptop.

Kinakabahan ako. Tumingin siya sa akin at umubo ng sadya.

"Saan ka galing?" tanong niya.

"Sa bahay po ng kaibigan ko. Birthday niya." sagot ko.

"Sinong naghatid sa'yo dito?"

Dumoble ang kaba sa dibdib ko.

"S-Si Kier po."

"The Donovan guy?" tanong niya.

Tumango ako.

"Anong relasyon niyong dalawa?"

Pinagpawisan ako sa mga tanong at nanginginig ang sistema ko.

"H-He's my boyfriend." sagot ko.

Hindi ko makita ang reaksyon ni papa dahil nakayuko ako.

"Sige makakalabas kana."

Napabuntong hininga ako. Akala ko ay makakahinga na ako nang maluwag pero ang huling mga salita ni papa ang nagpanginig ng buong sistema ko.

"You shouldn't be with him Erina. Sooner or later malalaman mo ang ibig kong sabihin. I'll give you time for now."

Dangerous Romance (Bella Vista Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon