Chapter 18

3.2K 47 1
                                    

ERINA

"Lunes na lunes pero mukhang biyernes santo ang mukha mo." sabi ni Kyline.

Napatingin tuloy sa akin sila Cher.

"Oo nga. Anong nangyari?" tanong ni Sharmaine.

"I'm not feeling well." sabi ko.

Masama talaga ang pakiramdam ko. Dumagdag pa na napuyat ako kagabi kakaisip kay Kier.

"Punta ka kaya sa clinic?" suhestiyon ni Carmela.

"Hindi na." sabi ko.

Maaga ang uwian namin ngayon. Nag ayos na kami ng gamit at sabay sabay lumabas. Umayos na rin ang pakiramdam ko dahil uminom ako ng gamot kanina. Nagpaalam na ulit ako sa kanila at dumiretso na sa parking lot. Bigla naman bumuhos ang malakas na ulan. Ang malas ko naman.

"Erina? Sabay ka na."

Lumingon ako at nakita ko si Caden na may dalang payong.

"Thank you." sabi ko.

Nagpunta kami sa sasakyan ko at nagulat ako nang sumakay din siya. Ngumiti siya.

"Pwede pahatid sa station 9?" tanong niya.

"Sure." sagot ko.

Andun kaya si Kier?

Ilang minuto pa at nakarating kami sa station 9.

"Alam mo pala 'tong lugar na 'to?" aniya.

Tiningnan ko siya. Mukhang inaasar niya ako. Alam niya ba?

"Samahan mo ko sa taas? May ibibigay lang ako kay Kier." sabi niya at ngayon ko lang napansin ang paper bag na hawak niya.

Tumango lang ako. Gusto ko din pumunta dito pero baka andito si Amara.

Pagkarating namin ay kumatok agad si Caden pero mukhang walang tao.

"Sure ka ba na nandyan siya?" tanong ko.

"Oo." aniya.

"Tabi." sabi ko at nilagay ang code.

Agad bumukas ang pinto. Tumingin ako kay Caden na mukhang gulat na gulat.

"Wow." aniya.

Nauna siyang pumasok at sumunod na ako pero di na ako tuluyang pumasok.

"Paano ka nakapasok?" tanong ni Kier kay Caden.

Mukhang kakaligo lamang nito dahil amoy na amoy ko ang bango niya dito.

"Secret. May bisita ka pala. Sige mauna na ako." Caden.

Kinindatan niya ako bago umalis. Lumapit si Kier sa pinto at nakita na niya ako. Kumunot ang noo niya.

"What are you doing here?" malamig niyang tanong.

Umupo siya sa sofa kaya tuluyan na akong pumasok.

"B-binibisita lang kita. How's your date?" sabi ko at prenteng naupo sa sofa.

Kinakabahan ako sa sagot niya pero kailangan kong malaman kung ano 'yon. Tumingin siya sakin. Isang malamig na tingin.

"Really, Erina? Ganyan ka ba kamanhid?" aniya.

Biglang kumalabog ang dibdib ko.

"H-ha? Ano bang sinasabi mo?" tanong ko.

Umiling ito.

"Umalis ka na. Magpapahinga na ako." aniya at dumiretso sa kwarto niya.

Tama ba 'tong nararamdaman ko?

Dangerous Romance (Bella Vista Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon