Chapter 7

3.4K 68 0
                                    

KIER

"Sinasabi ko na nga ba eh! Sino 'tong babaeng 'to Jack?!" agaw eksena ang babaeng kakapasok lang ng canteen.

"Ano nanaman Veronica? Wala na tayo diba?"

Is that Jackson Fuentes?

"Ikaw lang ang nagdesisyon non at hindi ako pumayag!" sigaw ng babae.

Napatingin na din kami sa pinanggalingan ng boses

"At ikaw babae ka! Ang kapal ng mukha mong sumama kay Jackson alam mo namang may girlfriend!"

Hindi man lang siya pinansin ni Del Cuero.

"Ano?! Malandi ka rin eh no—-

Tumayo siya at sinagot ang babae. Nasa tapat na namin sila.

"Why don't you ask your boyfriend? He's been bothering me and it's creeping me out. So, if you'll excuse me."

Napakalambot ng boses niya.

"So ipinamumukha mong si Jackson ang naghahabol sa'yo? Ang kapal naman ng mukha mo. Sino ka ba?!"

"Del Cuero yan! Patay ka Veronica!" sumigaw ang isa sa mga nanonood.

"S-s-sorry. H-hindi ko sinasadya. S-sorry talaga."

Imbes na magalit ay matamis na ngiti lamang ang isinukli ni Del Cuero.

"It's okay. But I think you need to get yourself a fine and loyal man not just some boy who loves to play around. Don't settle for less sweetie. Bye!"

After that, she left.

Pagkatapos ng insidenteng nangyari sa canteen ay naging usap usapan si Erina Del Cuero. Maging ang mga higher year ay kilala na din siya.

"Ang lalim ng iniisip mo ah." tinabihan ako ni Caden.

Katatapos lang namin maglaro ngayon at kasalukuyang nagpapahinga. Lumapit din samin si Philip.

"Nabalitaan niyo ba ang nangyari kay Jackson Fuentes?" tanong niya.

Tandang tanda ko pa ang pangyayaring yon. Pauwi na sana ako nang makita ko siya kasama yata ang isa sa mga kaklase niya. Kumakain sila ng street foods.

Bigla namang may lumapit sa kanilang lalaki at umalis din kasama ang babaeng kaklase niya. Naiwan naman itong mag isa at nagpunta na din papuntang gate.

Hindi ko na ulit siya tiningnan at sumakay na sa sasakyan ko. Lumabas na din ako ng bigla kong namataan si Jackson na hawak hawak ang kanyang braso bababa na sana ako pero naunahan na ako ng mga guwardiya kaya ang ginawa ko nalang ay pinasakay siya sa aking sasakyan.

Bakas ang takot at kaba sa mukha niya. Hindi ko siya kayang tingnan dahil baka may masabi lang ako na kung ano.

I hate strawberry but her strawberry scent is making me crazy.

Hinatid ko siya sa mansion ng mga Del Cuero. Tiningnan ko siya at nakatitig lang siya sakin. She looks so innocent and I can't deny the fact that she's really pretty.

Everything about her is beautiful.

But I need to end this here. Sinabi ko sakanya na wag sabihin kahit kanino ang ginawa ko sa kanya. Agad naman siyang pumayag. Pagkababa niya ay agad kong pinaharurot ang sasakyan paalis.

"Nakick out si gago. Hindi man lang ba niya naisip na Del Cuero ang babanggain niya? At nag iisang anak pa." napapailing na sabi ni Caden.

"Anong masasabi mo Kier?" tanong ni Philip.

Nagkibit balikat lamang ako at tumayo na.

"Let's go." aya ko.

Sasabay si Philip sakin ngayon dahil naflatan siya kanina.

"Una na kami Caden!" paalam niya.

Pumunta kami sa parking lot at sumakay na kami sa sasakyan.

"San kita ihahatid?" tanong ko.

"Sa bahay na. Ano ba 'tong naupuan ko?" aniya.

Isang cellphone 'yon at hindi ko agad napansin dahil kakulay ng upuan ko ang case nito.

"Kaninong cellphone 'to?" tanong niya.

Agad kong kinuha 'yon sakanya.

Sakanya siguro 'to. Buti hindi nabasag.

Nginisian naman ako ni Philip.

"Bukod samin ay hindi ka nagpapasakay sa sasakyan mo ng kung sino lang. So, who's the lucky one?" asar niya.

"Shut up Phil."

"Okay." nakangisi pa rin siya.

Pagkatapos kong maihatid si Philip ay napatingin ako sa cellphone. I'm sure na sakanya 'to. Tulad nga ng sabi ni Philip ay wala akong ibang pinapasakay sa sasakyan ko.

How can I give it back to her?

Sinabi ko sa sarili ko na titigilan ko na siya pero heto ako at pinapunta ko pa siya mismo sa pangalawang bahay ko. Mismong mga magulang ko ay hindi alam ang lugar na 'to. I don't know. There's something about her that I can't explain.

Hindi naman ako ganito na naguguluhan dahil lang sa babae. I think I need to confirm something.

Pinasundo ko siya sa baba kay Eddie, ang nag iisang bodyguard na pinagkakatiwalaan ko. Ibabalik ko lang sana ang kanyang cellphone pero bakit parang ayaw ko pa siyang paalisin? Inaya ko pa siyang kumain para lang mapatagal pa siya dito.

Nang maihatid ko siya ay agad din akong umikot at umalis. Habang nagdarive ako pauwi ay nakapag isip na ako.

Confirmed. I know it's too early but there's nothing I can do.

I like her

I don't care about our family situation. No one can stop me and I'm willing to take a risk.

Dangerous Romance (Bella Vista Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon