Chapter 43

2.7K 31 0
                                    

ERINA

Sana ay palagi akong nasa tabi niya kapag nananaginip siya. Ang sarap pakinggan. Misis ko. Ilang taon ang nakalipas at narinig ko nanaman ang mga salitang akala ko ay di ko na maririnig.

Unti unti na din akong hinila ng antok at di ko namalayan na nakatulog na ako.

Naalimpungatan ako nang maramdaman na nakahinto na ang sasakyan. Dumilat ako at pumikit ulit.

"We're here?" sabi ko.

Pakiramdam ko ay walang boses na lumabas sa bibig ko. Nagising ang diwa ko nang makitang wala si Caden sa harapan. Ang sakit ng leeg ko. Bakit may matigas na unan ako? May naririnig akong nagsasalita.

Napaupo ako ng maayos at napatingin sa katabi ko. Si Kier at may kausap siya sa cellphone niya. Bakit nabaligtad ang pwesto namin? Ako na ang nakasandal sa kanya? Hindi niya naman pinansin ang paggising ko.

"Yes, Mr. Arnaiz. We'll meet soon."

Mukhang may kausap siyang client o ano. Seryoso ang boses nito. Ganyan kaya siya sa trabaho?

Tumingin ako sa paligid at nasa Bella Vista na pala kami. Bumaba si Caden para bumili ng kung ano. Maya maya lang ay sumakay na ulit siya at pinaandar ang sasakyan.

"Gising ka na pala Erina."

Tono palang ng boses ni Caden ay alam kong nang aasar siya. Hindi ko siya pinansin.

"Caden idaan mo sa drugstore." sabi ni Kier.

"Okay." aniya.

Hindi ba sapat ang binili ni Amara na gamot para sa kanya? Ay binigay pala sa akin ni Caden. Pagkadating namin sa drugstore ay bumaba agad si Kier.

"Erina tignan mo oh." sabi ni Caden at pinakita ang cellphone niya.

Napanganga ako sa nakita ko. Picture naming dalawa ni Kier 'yon. Parehas kaming tulog at nakasandal kami sa isa't isa.

"Puro ka kalokohan. Sundan mo si Kier doon at baka mapano." sabi ko.

Masama ang pakiramdam nung tao hindi man lang sinamahan ni Caden. Wala naman si Amara na bibili ng gamot para sa kanya.

"Concern na concern ah. Sige na nga." aniya at bumaba.

Medyo nagtagal sila sa loob. Nakita ko ang cardigan sa tabi ko na kinuha kanina ni Caden. Sinuot ko 'yon dahil nakaramdam nanaman ako ng lamig.

Medyo nagtagal sila sa loob. Ilang minuto pa ay bumalik na sila. Nakarating na agad kami sa mansion. Naunang bumaba si Caden at nilabas ang mga gamit ko sa likod. Pababa na sana ko nang may inabot si Kier sa akin.

"Drink this and use the ointment to lessen the pain." aniya.

Nabigla ako at agad kong kinuha 'yon. Hindi ako makatingin sa kanya dahil nakatitig nanaman siya sa akin. Nag iwas naman siya ng tingin.

"S-Salamat." sabi ko.

Paglingon ay nakapikit na ang mga mata niya. Gusto ko sanang sabihin na magpagaling siya pero baka magalit nanaman sa sakin.

Bumaba na ako. 

"Thank you Caden. Mag ingat kayo." sabi ko.

"Wala 'yon. O sya? Una na kami." aniya.

Sumakay na siya. Kumaway ako sa kanya bago pumasok sa mansion.

"Sila Kit po?" tanong ko sa isa sa katulong na nag aakyat ng gamit ko ngayon.

Dangerous Romance (Bella Vista Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon