Chapter 5

3.6K 54 1
                                    

ERINA

Malakas pa rin ang kaba na nararamdaman ko hanggang ngayon. Muntik na akong mapahamak. Buti nalang at may mga dumating.

Napatingin ako sa katabi ko. Seryoso siyang nagdi-drive at ang gwapo nitong tignan kahit saang anggulo. His side profile is so good. His perfectly carved jawline is visible.

"Stop staring." aniya.

Parang nabuhusan ako ng malamig na tubig at tumingin sa daanan. Muntik nang may masamang mangyari sakin pero eto ako at kung ano ano ang iniisip.

"I-I just wanted to say t-thank you." mahinang sabi ko.

Bakit ako nauutal? Ganito ba epekto niya sa akin?

"Ginawa ko lang ang tama." simpleng sagot niya.

Hindi na ako sumagot dahil mukhang ayaw niya naman akong kausap.

Napabuntong hininga nalang ako.

Sasabihin ko ba sa family ko ang nangyari kanina? Sasabihin ko din ba na niligtas ako ng isang Donovan?

Napatingin ako sa dinadaanan namin at ito ang saktong papunta sa mansion. Ihahatid niya talaga ako? Alam niya kung saan ako nakatira?

Madilim na nang makarating kami sa mansion. Hindi niya ako mismo binaba sa gate namin at alam ko naman na kung bakit. Hindi na din kami ulit nag usap. Ang awkward masyado.

"Thank you ulit. Thank you sa paghatid." sabi ko.

Saktong pagtingin ko sakanya ay nakaharap na siya sa akin. Ngayon ko lang siya nakaharap ng malapitan. Bukod sa gwapo ay ang lakas din ng appeal niya.

Bumibilis din ang tibok ng puso ko at hindi ko alam kung bakit.

"On what happened between us. Don't tell this to anyone." seryosong sabi niya.

Pati ba naman sa boses niya ay nagagwapuhan pa rin ako? Napakurap ako. Ano bang nangyari sa amin? Ah, baka yung pagligtas at paghatid niya sa akin.

"O-okay sige. Ingat ka sa pag uwi. Bye."

Bumaba na ako ng sasakyan niya at tsaka ko lang narealize ang sinabi ko. Napatampal ako sa aking noo. My God Erina, ano bang nangyayari sayo?

Agad naman niyang pinaandar ang sasakyan niya paalis. Napangiti ako habang nakatanaw sa papalayo niyang sasakyan.

He saved me.

Nagulat na lang ako pagpasok ko sa mansion ay nandoon silang lahat. Sila papa, mama, tito at tita. Andun din si Kyline. Nasaan kaya sila Kuya Zeke?

"Anak!" tawag ni mama.

"Erina!" Kyline.

Agad lumapit si mama sakin at pinaupo ako. Napansin kong may kausap si tito Clinton sa telepono.

"What happened? Are you hurt?!" Papa.

Bakit mukhang galit siya? Paano nilang nalaman?

"No, I'm fine."

Ngumiti ako sa kanila para siguraduhing ayos lang ako.

Umiling si Papa

"Hindi ako makakapayag na ganun ganun na lang Erina. Carlos anong balita?" seryososo at matigas na sabi ni papa.

Kinabahan ako dahil ibang iba ang itsura nila ngayon.

"Hawak daw siya ng guards sa university. Pupunta na ako doon dahil papunta na ang mga pulis. Ako na ang bahala sa lahat." tito Carlos.

Dangerous Romance (Bella Vista Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon