Chapter 11

3.3K 62 2
                                    

ERINA

Pagkatapos kong maglakad lakad ay bumalik na agad ako sa sasakyan na di naman kalayuan at napanganga nanaman ako sa naabutan ko..

He's full of surprises.

Ang likod ng pick up ay nakaharap na sa dagat. May nakalatag din na tela na puno ng pagkain.

Napa wow na lamang ako dahil hindi ko alam ang sasabihin ko.

"Come on?" aniya at nilahad ang kanyang kamay sa akin.

Tinanggap ko agad yon at inalalayan niya akong makaakyat sa sasakyan. Nagdikit lang ang mga kamay namin ay bumilis na ang tibok ng puso ko. Naupo na ako sa opposite side niya.

Ang ganda ng view namin. Parehas kaming nakatingin ng diretso sa dagat.

"Hindi ko akalain na may ganito kagandang beach dito sa Bella Vista. But is this a private property? Walang katao tao bukod sa atin." sabi ko at luminga linga pa.

"This place is mine. A gift from my grandma before she passed away." sagot niya.

"I'm so sorry to hear that."

Napatingin ako sakanya at diretso pa din ang kanyang tingin.

"It's okay." aniya at tumingin din sa akin.

Ako na mismo ang nag iwas ng tingin dahil parang nalulusaw ako sa mga titig niya.

"May plano ka na ba dito? Like i-oopen mo sa public para pagkakitaan." tanong ko.

"I still don't know what to do. How about you? Kung ikaw nasa katayuan ko anong gagawin mo?"

Ngumiti ako.

"Beach is my favorite place in the world. Pangarap ko na talaga dati pa na magkaroon ng beach house. Doon kami titira ng mapapangasawa ko at ng mga anak namin. I also want a beach wedding. Kaya kung ako ang tatanungin mo, hindi ko ito bubuksan sa publiko. I'll make it as my own paradise."

Napatingin ulit ako sakanya at ngumiti

"Pero syempre magkaiba tayong dalawa. Iba ang gusto ko sa gusto mo. It's your decision to make not mine." sabi ko.

Mukhang napaisip naman siya. He really looks so handsome doing nothing.

"Can I ask something?" tanong ko.

I want to know more about him. Maganda itong lugar para pag usapan ang mga bagay bagay.

"Go on." aniya at kumuha ng sandwich.

"We're friends right? So let's ask each other question one at a time. Ako muna."

"Okay." sagot niya.

"May kapatid ka ba?" tanong ko.

"Only child ako. Ikaw?"

"Same. Dito ka na ba lumaki sa Bella Vista?" tanong ko ulit.

"Yes. How about you?"

"Dito ako ipinanganak pero umalis din kami para manirahan sa ibang bansa noong 3 years old ako." sagot ko.

"What can you say about Bella Vista? Ibang iba ito sa lugar na kinalakihan mo." aniya.

"Well at first ayoko talagang sumama dito. Nagsuggest pa ako sa parents ko na iwan nalang ako sa US. Pero hindi nila gusto ang idea na 'yon kaya sumama na ako. Habang tumatagal naman ako dito I can say na hindi ko pinagsisihan ang pag sama ko sa kanila."

"Bakit hindi ka nagsisisi?" tanong niya.

"Kasi iba pala ang feeling ng makita mo ang parents mo na masaya. Sobrang saya nila nang mag reunite ulit silang magkakapatid. Sobrang saya nila ng makita si lola at masaya din ako na nakilala ko siya. Nakilala ko ang mga pinsan ko. May mga nakilala din akong bagong kaibigan." Nakilala kita.

Gusto ko sanang idagdag 'yon pero naisipan kong wag nalang.

"This place is not bad at all." sabi ko.

"So you're not going back anymore?" tanong niya.

"Sa US? Sa nakikita ko ngayon ay baka hindi na. Si Papa na kasi ang namamahala sa negosyo namin dito na iniwan niya noon."

Tumango naman ito.

"Good." aniya.

Ha? Naguluhan ako sa sagot niya kaya di ko na pinansin pa.

"It's my turn. What can you say about to our family war?" tanong ko.

"I don't really care about that." aniya.

"Why? Kyline told me na pamilya ng mga Donovan ang mortal na kaaway ng mga Del Cuero. Sinabi niya na dapat daw namin kayong iwasan and vice versa. I really want to know why."

"I also don't know what happened. Sumunod nalang kami sa utos nila na iwasan ang mga Del Cuero. At first, madali lang gawin 'yon. But then something happened." Kier.

"What happened?" tanong ko.

Umiling lamang siya at ngumiti.

Kumunot ang noo ko.

"Pabitin ka masyado. This time ay tama na ang mga naririnig ko na hindi mo pag aaksayahan ng panahon ang mga Del Cuero. I wonder why hmm then bakit ka andito ngayon sa tabi ko?" asar ko sa kanya.

"Bakit din andito ka?" asar din niya.

"Well, inaya mo kaya ako."

"Sumama ka naman."

Nagkatinginan kami at nagtawanan. Habang tumatagal ay mas nagiging komportable akong kasama siya.

Nagkuwentuhan pa kami hanggang sa napagpasyahan na naming umuwi. Pinipilit niya pa na sa tapat ng mansion niya ako ibaba pero di ako pumayag. Baka makita siya nila mama. Sa kanto nalang niya ako binaba at tinanaw hanggang sa makapasok ng gate.

Sinalubong naman ako ni mama at hinalikan ako sa pisngi. Naupo muna kami sa living room.

"How was your day anak?" tanong niya.

"I had fun ma. Sobrang nag enjoy ako ngayon. Ang lalaki pala ng mga ari arian natin dito. Dami naming nalibot at ang pinakagusto ko ay yung beach. Ang dami ko ding pictures." kwento ko.

Huli na ng marealize ko ang nasabi ko.

"Beach?" tanong ni mama.

"A-ah I mean gusto ko magbeach ma. Nakakamiss na." palusot ko.

Kailangan kong magsimba bukas para ipagdasal ang mga nasasabi kong kasinungalingan.

"Ah! Speaking of beach ay andyan na ang invitation ni kuya Tope mo para sa kasal niya. Sa beach gaganapin, sa Vista Hermosa." aniya at may kinuha sa table.

My dream wedding!

Sa pagkakaalam ko ay ang Vista Hermosa ang kalapit na probinsya ng Bella Vista.

"Really? Finally!"

Inabot ni mama sakin ang kulay white at kulay gold naman ang nakaengrave sa mga pangalan.

"Yes. Next next week na yan gaganapin. This week ay pupunta dito ang designer ng mga gown at susukatan ka. Puntahan ko lang muna ang lola mo sa taas." aniya at umakyat na.

Binasa ko ang invitation

Christopher Donovan and Zenaya Del Mundo Wedding

Hindi pamilyar sa akin ang pangalan ng babae at hindi ko pa siya nakikilala.

Hinanap ko ang pangalan ko at nakita ko ito sa mga bridesmaids pati na rin si Kyline. Tumingin naman ako sa kabilang side. Best man si kuya Zeke. Tumingin pa ako sa baba at nanlaki ang mga mata ko.

Kier Donovan? Philip Donovan? Caden Donovan?

Bakit sila nandito?

Dangerous Romance (Bella Vista Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon