Chapter 24

2.9K 45 0
                                    

ERINA

Lunes na naman at papalapit na ang midterm exam.

"Nakakabitin kahapon. Sana nag overnight tayo." sabi ni Carmela.

"Oo nga. May pasok naman kasi." Cher.

Naalala ko nanaman ang nangyari kahapon. Pagkatapos nang nangyari sa amin ni Kier ay wala namang ilangan na naganap. Sa kanya wala pero ako? Hiyang hiya pa rin hanggang ngayon.

Kalat na din sa school ang tungkol sa amin ni Kier. Maging si Clifford ay tinanong ako kanina kung totoo. Sinabi ko 'oo' at hindi naman siya nagalit na ikinatuwa ko. Hindi sa kailangan ko ng approval ng iba pero iba pa rin talaga kapag tanggap ng pamilya mo. Lalo na sa kaso namin.

Mabilis natapos ang oras at uwian na namin. Agad naglabasan ang mga estudyante. May mga sumigaw pa akong narinig.

Sabay sabay kaming lumabas at nadatnan ko si Kier na tahimik na nakatayo sa tapat ng room namin.

"Uy may sundo." asar ni Kyline.

Tumingin naman ako kay Kier na mukhang hinahanap pa ako. Ngumiti agad siya nang makita ako at kinuha ang aking bag.

"Bye Erina!" paalam nila Sharmaine..

Kumaway ako sa kanila.

"Bye!" sagot ko.

Pumunta na kami ni Kier sa parking lot.

"Saan tayo pupunta?" tanong ko.

Bakit ang cool parin niyang tignan kahit may hawak siyang shoulder bag? Kahit kasama na niya ako ay madami pa ding napapalingon sa kanyang babae.

"Sa coffee shop lang. Ipapakilala kita kay mama." sagot niya.

Napahinto ako sa paglalakad.

"B-bakit naman biglaan? Nahihiya ako." sabi ko.

Hinawakan niya naman ang kamay ko at bahagyang hinila para maglakad ulit.

"Bakit ka nahihiya? Just be yourself." aniya.

Wala na akong nasagot doon. Mabuti nga 'yon at may kilala na akong pamilya niya. Sa sasakyan ko kami sumakay at si Kier ang nagdrive. Babalikan nalang daw niya ang sasakyan niya mamaya.

Kinakabahan ako lalo na't ng huminto ang sasakyan.

"We're here." aniya.

Bumaba siya para pagbuksan ako. Sabay kaming pumasok sa coffee shop. Natanaw agad namin ang babaeng mukhang nasa 40's na katulad ni mama. Pati pananamit ay katulad ng kay mama. Hindi sila gaanong hawig ni Kier.

"Ma." tawag ni Kier.

Bumeso agad ang mama niya sa kanya at lumingon agad sa akin. Agad akong niyakap at hinalikan sa pisngi.

"You must be Erina right? Nice to finally meet you. I'm Lina Donovan. Ang mama ni Kier. Call me tita Lina."

Napansin ko na palangiti itong mama niya. Ngumiti ako kahit sobrang kinakabahan ako.

"Hello po T-Tita Lina. Nice to meet you din po." sagot ko.

Hinila ako tita Lina para makaupo sa tabi niya. Bumaling siya saglit kay Kier.

"Umorder ka na anak." aniya.

Humarap ulit siya sa akin.

"You looks so pretty Erina. Bagay na bagay kayo ng anak ko. Alam mo bang ikaw ang kauna unahang babae na ipinakilala niya? Sana ikaw na rin ang huli. I love you already." tita Lina.

Dangerous Romance (Bella Vista Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon