Chapter 20

3.1K 41 0
                                    

ERINA

"Hi Erina. I'm Daniel Zamora." pakilala niya.

"Hello Daniel." bati ko.

Tinanggap ko ang kamay niyang nakalahad.

Nandito kami ngayon sa isang hall kung saan gaganapin ang aming practice for Mr. and Ms. Intramurals. Iba't ibang department ang nandito. Pinagsuot na kami ng 6 inch heels. Wala ng problema sa akin 'yon dahil sanay naman na ako.

Nasabi ko na din kila mama ang tungkol dito at tuwang tuwa sila. Sa last day gaganapin ang Mr. and Ms. Intramurals kaya naman nagpatahi pa si mama ng isusuot niya dahil manonood daw sila.

Hindi na kami nag usap ni Kier. Malamang ay busy siya dahil araw araw din silang may training for basketball. Nalulungkot ako kapag naiisip ko ang huli naming pag uusap.

Maya maya lang ay nagsimula na kami dahil dumating na ang magtuturo ng formation at kung ano ano pa.

Alas siete na nang matapos kami.

"Okay see you tomorrow!" 

Umupo ako at nagpalit ng sapatos.

"Erina saan ka? Ihahatid na kita." sabi ni Daniel.

"May dala akong sasakyan." sabi ko.

"Ah ganoon ba? Sabay na tayong pumuntang parking lot." aniya.

"Sige." sagot ko.

"Sa parking lot kayo? Sabay na ako. Doon din punta ko eh." sabi naman ni Jake.

Isa siya sa candidates at Engineer ang course niya. Halos lahat naman kami dito ay magkakakilala na.

"Sure." sagot ko

Sabay sabay na kaming tatlo lumabas. Joker pala 'tong si Jake kaya hindi namin maiwasang tumawa ng malakas. Akala ko ay wala ng masyadong estudyante dahil gabi na pero may mga tao pa sa parking lot. May narinig pa akong nagdidribble. Si Caden. Nakatingin ako sa lalaking nakatalikod mula sa akin. Likod palang niya ay kilala ko na.

"Erina, Daniel una na ako." sabi ni Jake at sumakay sa sasakyan niya.

Nadaanan namin ang grupo ng mga players. May mga kasama din silang babae.

"Sasama lang ako kapag kasama si Kier." malanding sabi ng isang babae.

Gusto kong maglakad pabalik pero pinigilan ko ang sarili ko. Saan naman sila pupunta?

"Ano Kier?" Philip.

Hindi yan sasama. I know him.

"Tara." aniya.

Gusto ko siyang hilahin paalis don. Hindi ko alam kung nakailang irap ako sa hangin. Mabuti nalang ay nakarating na ako sa sasakyan ko.

"Bye." sabi ko kay Daniel.

Hinintay niya muna akong makasakay bago siya umalis at sumakay na din sa sasakyan niya. Padabog kong sinara ang pinto ng sasakyan at pinaharurot 'yon paalis.

Naninikip nanaman ang dibdib ko. Ganito ba ang nararamdaman niya? Yung mamanatay ka na sa selos pero wala kang magawa. Hindi man lang siya nagtext at magpaalaam man lang.

Naging mas abala pa ko ng mga sumunod na araw hanggang sa di ko namalayan na bukas na pala ang simula ng intrams.

Maaga ang parade bukas at makakasama ko ang Business Ad players. It means na kasama ko si Kier pero hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagpaparamdam. Bakit kailangang ako ang manuyo? Siya nga itong iniwan nalang ako basta at hindi na nagtext o ano.

Dangerous Romance (Bella Vista Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon