Chapter 47

2.8K 35 0
                                    

ERINA

Nagising ako dahil sa liwanag na tumatama sa mukha ko. Hinarangan ko ito ng unan. Ang sakit ng ulo ko. Anong nangyari? Napaupo ako at humawak sa aking ulo. Isa isang nag sink in sa akin ang mga naganap kagabi.

Nanlalaki ang mga mata kong inilibot ang paningin ko kung nasaan ako. Wala ako sa kwarto ko. Nasan ako? Napatingin ako sa gilid kung may katabi ako. Nabuhayan ako nang makitang wala siya don. Tiningnan ko ang damit ko. Ganoon pa rin sa dati. Tandang tanda ko ang mga nangyari kagabi. What the hell Erina? Pinapalala ko lang ang problema ko.

Napatampal ako sa noo ko. Ano bang ginagawa ko sa sarili ko? Nakarinig ako ng tunog ng shower sa banyo. Agad akong tumayo at madali kong nakita ang bag ko sa bed side table. Dahan dahan akong naglakad papunta sa pintuan.

Laking gulat ko dahil nasa station 9 pala ako. Pagkababa ko ay naabutan ko din ang sasakyan ko katabi ng mustang niya. Sumakay ako at pinaharurot 'yon paalis.

Pagkauwi ko ay naabutan ko si mama at Kit sa living room.

"Mommy!"

Dumiretso ako kay Kit at hinalikan niya ako sa pisngi kahit busy siya sa paglalaro.

"A-Anak ayos ka lang ba? Nagtext si Kyline na doon ka daw natulog sa kanila."

Kyline? Bakit hindi si Kier ang nagtext? Sinabi niya siguro kay Kyline. Ayaw niya bang malaman nila na sa kanya ako natulog at baka malaman ni Amara? Unbelievable.

"I'm fine. Maliligo na po ako. Pupunta ako sa firm." sabi ko.

Nagliwanag ang mukha ni mama.

"Talaga? Sige tatawagan ko na ang papa mo." aniya.

Dumiretso na ako sa taas. Napag isipan ko kagabi na magtatrabaho nalang muna ako dito hangga't malabo pa ang isip ko. Nasasayang lang ang oras ko sa wala. It's time to be more productive. Tumingin ako sa closet ko at halos walang natirang damit dito. Nasan ang mga gamit ko?

Pagkababa ko ay naabutan ko pa din sa sala si mama at Kit.

"Anak your father called. Hindi mo na kailangan ng interview. Napaayos na din ang office mo. Ineexpect na ng ibang empleyado ang pagdating mo. Goodluck anak." sabi ni mama,

As much as I don't want a special treatment, wala na din akong nagawa. Pansamantala lang naman 'to. Tipid akong ngumiti sa kanya.

"Okay. Nasaan pala ang mga gamit ko sa kwarto? Are you going to renovate this mansion?"

Parang nawala ang dugo sa mukha ni mama. Namutla siya.

"A-Anak napag usapan kasi kagabi na d-doon ka na titira sa niregalong bahay ng p-papa mo at ama ni K-Kier. K-Kasama si Kier." aniya

Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya.

"You're kidding right? Ilang beses ko na bang sinabi na hindi ako magpapakasal sa kanya." bulong ko.

Mahirap na baka marinig kami ni Kit na nagtatalo.

"Ako ang bahala anak. Kakausapin ko ang ama mo. Pero pansamantala ay t-tumira ka muna doon. Kyline texted you the address last night." aniya.

Hindi ko na siya pinansin at lumapit ako kay Kit. Hinalikan ko siya sa pisngi.

"Bye baby! Don't be pasaway okay?" sabi ko

Tumango ito.

"Yes mommy!" aniya

Lumabas na ako at sirang sira na agad ang mood ko. Bakit kailangan nilang kontrolin ng ganito ang buhay ko? We're gonna live together in the same roof? With that evil? No way. If only he's the old Kier that I met three years ago. Napailing ako.

Pagkarating ko sa firm ay bumati ang lahat sa akin. Iilan lang naman kami dito dahil hindi ganoon kalakihan ang firm.

"This way to your office Ma'am Del Cuero." aniya.

"What's your name? Just call me Erina." sabi ko.

"I'm Suzy po. Okay po Ma'am E-Erina." aniya.

Maliit lang din ang office at tamang tama lang para sa akin.

"Give me some paper works." utos ko.

Gusto ko na agad abalahin ang sarili ko para makalimutan ko kahit papaano ang nangyari kagabi at ang pag uusap namin ni mama kanina.

I started to analyse some data. Mamaya naman ay pag aaralan ko ang mga proposed changes sa mga methods at materials.

Hindi ko na namalayan ang oras.

"Ma'am Erina? Hindi pa po kayo uuwi?" tanong ni Suzy na kapapasok lang sa office ko.

Tiningnan ko ang orasan at 6 pm na pala. Hanggang 5 pm lang dapat kami dito.

"Uuwi na. Sige mauna kana." sagot ko.

Tumango naman ito.

"Sige po." aniya.

Inayos ko na ang mga gamit ko at nag inat. My first day in work was good so far. I checked my phone. Madaming messages at missed calls from unknown number. Hindi ko na binasa at hinanap ang mga texts ni Kyline.

Oh my god Erina! Bakit hindi ka sumunod dito? Hindi ko akalain na engaged kayo ni Kier. 'Yon ang pinag uusapan ngayon. Bakit di mo sinabi sakin? Ikaw lang ang wala dito. Hinahanap ka nila.

Kier texted me para sabihin na dito ka matutulog sa amin. Bakit nagpakalasing ka? Andyan ka sa bahay ni Kier?

Eto ang address ng bahay niyo ni Kier. White Ville Subdivision 543.

Napabuntong hininga ako sa mga nabasa ako. I guess I have no choice.

Pinaandar ko na ang sasakyan ko at natagalan ako dahil sa pagtatanong kung saan ang subdivision na 'yon. Mahigpit din ang guard na nagbabantay dito at pinakita ko pa ang ID ko. Pinapasok din ako at sa wakas ay nahanap ko na ang bahay.

Nakabukas ang mga ilaw nito. Iniwan ko nalang ang sasakyan dito sa labas at bumaba na ako. Hindi na ako nagdoorbell at pumasok na. Nagtaka ako dahil hindi nakasara ang pinto. Chineck ko ang oras. Mag aalas nuebe na pala. Natagalan talaga ako at dumaan din ako sa isang fast food restaurant.

Sinarado ko ang pinto at umakyat sa taas. Sana ay hindi ako maligaw dahil malaki ang bahay na ito. Walang ding katao tao dito. Inisa isa ko ang kwarto hanggang sa nakita ko na ang masters bedroom.

Nakaayos na ang gamit ni Kier doon habang ang akin ay nasa mga maleta pa. Magsasama kami sa isang kwarto? Ano siya sinusuwerte? At nasaan siya? Pakealam ko? Dinala ko ang mga gamit ko sa guestroom malayo sa kwarto niya. Nilock ko ang pinto at naligo para makatulog na.

Pagkatapos mag ayos ay chineck ko ulit ang phone ko at nadagdagan lamang ang missed calls non galing sa di ko kilalang numero. Binasa ko ang isang recent text niya.

"Where the hell are you?! Answer my god damn call."

Is this Kier? Tumatawag ulit ang number na 'yon. Ayoko siyang makausap. Hindi ko sinagot ang tawag at tinabi ang phone ko sa bed side table. Nahiga na ako. Bahala siya sa buhay niya.

Dangerous Romance (Bella Vista Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon