Chapter 9

3.4K 48 0
                                    

ERINA

Friday palang ay iniisip ko na ang mangyayari bukas. Ganoon ba ako kaexcited?

"Okay class. Miss Aguinaldo is on leave kailangan kong magpaquiz at bantayan ang isang class niya. Since naghahabol tayo ng lessons ay pagsasamahin ko nalang kayo sa isang room. Everybody, pumasok kayo sa 2nd year 2-1 room 207. May kukunin lang ako sa faculty." Sir Benedict.

Nang umalis si Sir Benedict ay nagsigawan ang mga kaklase ko. Anong meron?

"Oh my god. Makakasama natin sa room si Kier!" sabi ni Carmela.

Oo nga pala at second year na siya.

"At andun din sila Philip at Caden. Kyaaah!" sabi naman ni Cher.

Lumapit si Kyline sa kanila. Nagsilabasan na din kami ng room. May mga naiwan pa na nagreretouch.

I need to pee.

Si Sharmaine nalang ang nakita ko na kasama. Siguro ay nauna na sila Kyline.

"Sharmaine, samahan mo ko sa CR." sabi ko.

"Sure. Naiihi din ako eh." aniya.

Pagkatapos namin mag CR ay dumiretso na kami sa room 207. Bakit parang kinakabahan ako?

Nakita namin si Sir Benedict na may kausap sa labas ng pintuan. Mukhang professor din. Bumati lang kami at pumasok na.

Pagkapasok namin ay ingay at tawanan ang maririnig. Nasa left side ang mga second year at sa right side naman ang first year. Malaki itong room nila compared sa amin.

Nakita namin sila Kyline na nakaupo sa dulo. May narinig pa akong nag aasaran ng madaanan namin sila.

"Babe! Erina!"

Lumingon kami sa left side at si Gab ang tumawag samin. Nginitian ko lang siya at si Sharmaine ay pumunta saglit sa boyfriend niya.

Dumiretso na ako sa likod at nahagip ng mata ko si Kier na seryosong nakikinig sa mga kasama niya. Nakakunot nanaman ang noo nito. Nakikipagkwentuhan siya sa lalaking mga katabi niya na nakatingin din sa amin kanina.

"Saan ba kayo galing?" tanong ni Kyline.

"Nag-cr lang." sagot ko at naupo na.

Bumalik din agad si Sharmaine sa upuan namin.

Panay hagikgikan ang naririnig ko dito sa banda namin.

"Ang lapit lang ni Kier sa atin. Waah!"
"Daming gwapo dito!"
"Pero iba talaga ang kagwapuhan ni Kier."
"Look! Ang cute niya ngumiti."

Napatingin ulit ako sa gawi niya. First time ko siyang nakitang nakangiti. May mas i-gagwapo pa pala siya. Nagtatawanan silang magkakaibigan.

Maya maya lang ay pumasok na si Sir Benedict. Binigay niya na ang quiz ng mga second year. Binuksan naman niya ang projector at nagturo sa amin.

Sa kalagitnaan ay nag-excuse si Sir Benedict dahil may tumatawag sakanya.

Bigla ding tumunog ang phone ko. Nagtext si Kier.

What do you want to eat for lunch?

Napatingin ako kay Kier na busy na ulit makipag usap sa mga kaibigan niya. Nagtataka man ako ay nireplyan ko nalang siya.

Chicken teriyaki. Why?

Hindi na ulit siya nagreply. One hour lang ang lunch namin at hindi naman kami pwedeng magsabay. Anong gagawin niya?

Dangerous Romance (Bella Vista Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon