Chapter 2

4K 65 0
                                    

ERINA

Today is our first day of school. Mabilis kong sinuot ang black shoes ko na 4 inch ang heels. Malalate na ako.

Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Required na ang mag uniform sa aming university kahit unang araw pa lamang ng klase. Isang long sleeve na white na may logo ng school sa taas ng kanang dibdib ko. Nakatuck in ito sa high waisted na black skirt. Pinarepair pa namin ito ni mama dahil nahahabaan ako sa palda na saktong sakto sa taas ng tuhod. Pinaiksian ko pa ito para hindi ganoon kasikip at mas komportable.

Nagkulot din ako ng buhok na ginawa kong high ponytail at nag apply ng light make up. Nang makuntento na ako sa ayos ko ay bumaba na ako at sinalubong naman ako ni mama.

"You look so beautiful anak." aniya.

Bumeso ako sakanya at nagmadaling lumabas. Hinihintay na ako ni Mang Berto.

"I'm going ma. Malalate na po ako." paalam ko.

"Take care love!" pahabol niya.

Saktong pagsakay ko ay pinaandar na agad ni Mang Berto ang sasakyan.

7 AM ang first class ko at ten minutes nalang ay magti-time na. 15 mins pa ang biyahe papunta sa school at fourth floor pa ang room ko.

Itetext ko na sana si Kyline pero naunahan niya na ako

Saan kana? Andito na ako sa room kasama ko si Cliff.

Nagreply ako

Papunta nalang. Malalate ako at tinanghali ako ng gising.

Maya maya ay nagreply ulit siya

Okay ingat. Ipagtatabi ka na namin ng upuan

Nagreply ulit ako.

Sige, salamat!

Ilang minuto pa ay narating na namin ang gate ng school.

"Salamat po." mabilis kong sabi at dali daling bumaba.

Hindi ko na narinig ang sinabi niya at dumiretso na ako sa building namin.

Kada tao na makasalubong ko ay tinitingnan ako at di ko alam kung matutuwa ba ako o ano.

Room 406

May professor na kaya?

Binuksan ko ang pinto at maingay na mga estudyante ang tumambad sa akin. At dahil sa harapan ang pinto ay nakahinga ako ng maluwag nang makitang wala pang nagtuturo.

Hinanap ng mga mata ko sila Kyline. Nakita ko naman sila sa bandang likod. Si Clifford ay nakadukdok at si Kyline ay busy kanyang phone.

Lumapit ako sa kanila at ramdam ko nanaman ang tinginan at bulungan.

"Yan yung magandang babaeng pinaguusapan, isa din daw 'yang Del Cuero."
"Ang ganda't sexy niya."
"Iba talaga ng lahi nila. Hugis porselana."
"Mas maganda pa siya kay Hillary."
"Buti nalang at Del Cuero siya hindi magkakaineterest sa kanya si Kier."

Hindi ko sila pinansin at dumiretso na sa likod.

"Hey." bati ko kila Kyline.

Umupo ako sa tabi niya

"Uy! Tatawagan palang sana kita eh." Kyline.

Umayos naman ng upo si Clifford na halatang antok na antok pa.

Dangerous Romance (Bella Vista Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon