Chapter 44

2.7K 41 0
                                    

ERINA

Katatapos ko lang mag ayos dahil pupunta ako ngayon sa hospital. Natatawa pa din ako dahil nagising ako na puro missed calls at messages galing kay Katrina ang bumungad sa akin. Siguro ay nagkita na sila ni Caden.

Bumaba na ako at naabutan kong wala na sila mama. Tinanong ko ang isa sa mga katulong namin.

"Umalis na sila mama? Ang aga naman ata."

Mag aalas nuebe pa lang.

"Dadaan pa daw po sila sa opisina ni Sir Carlito." aniya.

Tumango ako.

Pumunta ako sa labas para hanapin si Mang Berto. Naabutan ko siyang naglilinis ng sasakyan.

"Mang Berto pahatid naman po ako sa hospital." sabi ko.

"Andyan ka na pala hija. Hindi ba't sinundo ka ni Kier? Kanina pa 'yon nasa labas. Pinapapasok ko ay hindi na daw kailangan." aniya.

Nagulat ako kaya nagmamadali akong lumabas. Nakita ko agad ang mustang na nakaparada sa tabi. Bumaba siya ng sasakyan ng makita akong papalapit.

"A-Anong ginagawa mo dito?" tanong ko.

Tumingin siya sa paa ko.

"Sasamahan na kita sa hospital." aniya.

Paano niya nalamang pupunta ako sa hospital?

"A-Ah I-Ikaw? M-May lagnat ka pa?"

Bakit ba ako nauutal?

Umiling lang siya.

"Tara." aya niya.

Sumunod na ako sa kanya. Hindi na ako nagulat ng hindi niya ako pagbuksan ng pinto. Siguro ay naguiguilty lang siya kaya niya ako sasamahan. Tahimik lang ang buong biyahe papunta sa hospital.

May nireseta lang sa akin na gamot ang doctor at pinalitan ang bandage. Kinuha sa akin ni Kier ang niresetang gamot.

"Ako na bibili." pagvovolunteer niya at umalis

Why is he acting like that? Parang noong nakaraan lang ay tinataboy niya ako.

Binalikan agad ako ni Kier at sabay na kami pumunta sa parking lot. Sumakay na kami ng sasakyan.

Iniisip ko pa din ang mga ikinikilos niya. Hindi na siya galit sa akin? Okay na ulit kami? May pag asa pa kayang magbalikan kami?

Napangiti ako sa naisip.

"May dadaanan ka pa?" tanong niya.

Tumango ako. Gusto ko pa siya makasama kaya lulubos lubusin ko na. Mamayang hapon pa sana ako pupunta pero naisip ko na ngayon na.

"Sa sementeryo. Dadalawin ko si lola." sabi ko.

Hindi ko alam kung guni guni ko lang 'yon pero napailing siya at nakakunot ang noo niya. Binalewala ko nalang 'yon.

Nagtagal kami ng kalahating oras sa sementeryo at ngayon ay pabalik na kami. Parang ayoko pang mahiwalay sa kanya. Sobrang namiss ko ang ganito.

"Kumain muna tayo? Treat ko." sabi ko.

Pasasalamat ko sana sa kanya dahil sinamahan niya ako ngayong araw.

"I'm not hungry." aniya.

"Ah g-ganun ba? Sige." sagot ko.

Ilang minuto pa ay nakarating na kami sa tapat ng mansion.

Dangerous Romance (Bella Vista Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon