Chapter 30

2.8K 45 1
                                    

ERINA

"Erina nandiyan ka lang pala. Tara na sa loob." aya ni Kyline.

Sabay sabay na kaming tatlo pumasok kasama si Khalil. May mga alak at pagkain sa lamesa.

"Saan ba kayo nanggaling?" tanong ko kay Kyline.

"Hinila kasi kami ni Philip sa isang kwarto. Pinaiwan nila kayo ni Kier. Bati na ba kayo?" tanong niya.

Umiling lang ako. Mukhang mas lumala pa nga eh at kasalanan ko 'yon. Naupo na ako sa tabi ni Katrina at Kyline. Katabi nila pareho si Philip at Caden. Kumpleto na kami dito pwera kila Amara at Kier.

Lumabas naman silang dalawa sa kusina dahil sa pagtawag ni Khalil. May hawak silang tig isang plato.

"Guys oh chili crab from our Chef Kier." sabi ni Amara.

Napairap ako ng wala sa oras.

"Nice. Iba ka talaga Kier." puri ni Philip.

Akala ko ay hindi na tatabi si Kier sa akin dahil wala ng space at hindi pa kami okay.

"Kyline, pausog nga." aniya.

Ngiting ngiti naman si Kyline na umusog. Magkatabi na kami ngayon. Nakita ko kung pano umikot ang mata ni Amara nang tumabi si Kier sakin. Nairita ako lalo.

Inabutan ako ni Katrina ng beer. Tinanggap ko 'yon.

"Kier oh." abot ni Philip kay Kier ng inumin.

Mas hard ang iniinom nila Philip na alak.

"Pass." aniya.

Napatingin tuloy lahat sa kanya.

"Ang KJ mo naman Kier. Kahit ilang shot lang." sabi ni Amara.

Hindi nagsalita si Kier.

"Erina pilitin mo naman painumin 'yang boyfriend mo." asar ni Katrina.

Napatingin ako sa kanya at pinanliitan ng mata. Bumaling ako kay Kier pero hindi niya ako tiningnan.

"U-Uminom kana." sabi ko.

"Isang baso lang. Ihahatid ko pa si Erina." aniya.

Namula naman ako sa sinabi niya. Kahit ganito kami ay ako pa rin ang naiisip niya. Agad inabot ni Philip ang baso.

"Si Erina lang pala makakapagpapayag eh." asar ni Caden.

"Syempre girlfriend eh." sabi ni Katrina.

Maldita talaga 'tong kaibigan ko na 'to. If I know gusto lang niyang asarin si Amara. Mukhang napapansin nga niya na may gusto si Amara kay Kier.

Isang bote lang din naman ang iinumin ko. Paonti onti kung inumin ni Kier ang sa kanya. Naramdaman kong gumapang ang kamay niya papunta sa bewang ko. Hinayaan ko nalang dahil mas matindi pa ang ginagawa nitong katabi ko. Si Katrina at Caden na kulang nalang ay maghalikan sa harap namin.

Mukhang may sariling mundo naman si Philip at Kyline. Pati ang iba. Pero si Amara ay nanatiling nakatingin sa amin.

Mamaya ko na lang kakausapin si Kier. Mas maganda sigurong mag usap kung kaming dalawa lang.

"May kasama ka sa room mo?" bulong ni Kier.

Tumingin ako sa kanya at umiling. Napatango naman siya. Dumikit pa ang mga labi niya sa tenga ko. Napatingin ulit ako sa paligid.

May apat na kwarto dito. Ang isa ay CR. Sa isang room ay si Katrina. Sa isa naman ay sina Amara. Kung iisipin ay magsisiksikan silang mga lalaki sa isang kwarto. Kahit na sabihing sa room ni Katrina matutulog si Craig ay kulang pa din ang space. Unless, pipilitin nila Amara na matulog ang iba sa kanila.

Dangerous Romance (Bella Vista Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon