Chapter 21

2.9K 46 3
                                    

ERINA

"Ang gwapo talaga ni Kier." sabi ni Cher.

Yeah, he looks extra hot today.

"True! Papicture tayo mamaya sa kanya." Carmela.

Napasimangot ako.

"Sige ba. Erina pahiram ng camera mo mamaya." sabi ni Sharmaine.

"Sige." sagot ko.

I can't blame them. But it's so unfair. I also want to take a picture with him.

Pumito ang referee means magi-start na ang laro. Sa first half ay maayos pa ang laban pero nang magsecond half ay nagkakapikunan na. Biglang tinulak ni Kier ang number 04 sa kalaban. Siya ang nagbabantay kay Kier simula pa kanina. Pinaupo muna si Kier sa bench. He looks different. Matatalim ang mga tingin niya at magkasalubong na magkasalubong ang mga kilay.

Natapos ang game at nanalo ang CBA. Two points lamang ang lamang. Inabot ko ang cam ko kay Sharmaine pero hindi niya iyon tinanggap.

"Hindi na Erina. Mukhang wala sa mood si Kier." sabi niya.

Ang iba din kanina na nagsabing magpapapicture kay Kier ay umalis na. I think it's not the right time to talk to him. Umalis na din kami sa gym.

Last day of intrams at hanggang ngayon ay hindi pa kami nag uusap ni Kier. Mula kaninang umaga ay nag aayos na kami at nagpapractice para sa Mr. and Ms. Intramurals.

Kasalukuyan akong nagpapalit ng long gown dito sa backstage. It's our final walk. Tapos na ang casual, costume at summer outfit. Natapos na din ang Q & A at talent portion kanina kaya hindi na ako gaanong kinakabahan ngayon. Awarding na at kung ano man ang kalalabasan ay maluwag kong tatanggapin.

Nanonood kaya si Kier? Miss na miss ko na siya. Hindi ko na kaya pang patagalin 'to at ako na ang magsosorry. I miss him so much.

"Danica mauna na ako." may isang babae ang kakapasok lang dito sa backstage room namin.

"Hintayin mo na ako. Matatapos na 'to." Danica.

Isa si Danica sa mga candidates.

"Tumawag kasi si Amara. Nagsimula na ang birthday party ni Kier." aniya.

Nanlaki ang mata ko. Its his birthday today?

"Sige susunod nalang ako." sabi ni Danica.

"Mukhang enjoy na enjoy nga si Amara at buong araw sila magkasama ni Kier."

Naninikip ang dibdib ko.

"Isa kaya si Amara sa tumulong mag organize ng party ni Kier." sabi ni Danica.

"Alam mo na. Soon to be girlfriend duties. Bye Dan!" umalis na ang babae.

Bakit hindi niya sinabi sa akin? Parang bigla akong nalungkot. Ako ang girlfriend niya pero wala akong kaalam alam.

Tinawag na kami para sa final walk. Wala na ako sa sarili ko. Bigla ko nalang narinig ang pangalan ko.

"Our Mr. and Ms. Intramurals 2020 goes to Wesley Imperio and Erina Del Cuero. Congratulations!" sabi ng emcee.

Tinanggap ko ang award at nagpicture.

Bakit hindi ako masaya? Bakit nasasaktan ako? Naninikip ang dibdib ko. Ang daming tanong na tumatakbo sa isip ko. Gulong gulo ako.

Hindi ko na napigilan at napaiyak na ako.

"Aww tears of joy." sabi ng emcee.

Umakyat si mama kasama sila Kyline. Niyakap nila ako.

"Don't cry sweetie. Congrats! I'm so proud of you." mama.

Wala pa ring tigil ang luha ko.

"Uy! Wag kana umiyak. Nanalo ka oh." Kyline

Pinigilan ko na ang luha ko. Ang sakit ng lalamunan ko at ang hapdi na ng mga mata ko.

Pinilit kong ngumiti nang magpicture taking kami.

Gusto kong pumunta sa birthday party ni Kier pero hindi ko alam kung saan ito ginanap at andito din si mama. Napangiti ako ng mapakla. Wala akong kwentang girlfriend. I don't even know his birthday. Hindi ko man lang siya mapuntahan.

Alam ko na ang malalim na rason kung bakit ayaw niya akong pasalihin dito. Gusto niya akong makasama sa espesyal na araw niya pero mas pinili ko pa din ang gusto ko.

Hinatid ni mama sila Cher sa bahay bahay nila. Bukas ay magkakaroon kami ng celebration at kakain lang sa labas. Pagkarating ko ay agad akong nagpunta sa kwarto para maligo. Nakakapagod 'tong araw na 'to. Halo halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon.

Kinuha ko ang phone ko. Should I text him?

I checked his Instagram and went to tagged photos. There he is. Enjoying the party with his friends and "girl" friends. One tagged photo caught my attention. Amara's post.

Amara's caption says "HBD @/kierdonovan love you."

It's a throwback picture noong mga bata pa sila. Amara is kissing Kier on the cheeks.

Papatalo ka ba Erina?

I immediately went to my photos. Madami kaming pictures kaya hindi ako makapili. Sa huli ay pinili ko ang picture namin na nakaakbay siya at nakakiss sa akin sa cheeks. Habang ang isang kamay niya ay nasa baba ko at nakapisil sa pisngi. My face looks so epic but we looks so cute.

Nagtype ako ng caption.

"Happy birthday to my man. I love you more than you know."

I've never said the word "I love you" to him simply because I'm still not sure. Like it's too fast to feel that way. But I realized that you don't need a reason to love someone. Kung sa tingin mo ay mahal mo ang isang tao, mahal mo. Hindi batayan ang oras o tagal ng pinagsamahan niyo.

He's been on my mind these past few days. I recalled our last conversation. He's right, mas dumami na ang lalaking lumalapit sa akin. The worst thing is he can't do anything about it. Alam kong may tiwala siya sa akin pero wala siyang tiwala sa mga lalaking nakakausap ko.

What happened in the parking lot hurts me. Ganoon din ang nararamdaman niya sa tuwing nagseselos siya. Bakit hindi ko man lang inisip ang nararamdaman niya?

I hope this simple birthday greeting can make him happy. I also hope that he'd get the message.

That I am ready to take the risk and face the consequences.

Dangerous Romance (Bella Vista Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon