Chapter 36

2.5K 35 0
                                    

ERINA

"Mama you're not coming?" tanong ni Kit.

"Susunod ako baby. May tatapusin lang si mama dito." sagot ni Katrina.

Lumapit naman si Katrina sa akin.

"Don't let him touch Kit." aniya.

Natawa naman ako.

"Don't worry. Ako ang bahala." sabi ko.

"Good. Susunod ako next week. Mag ingat kayo ha?" aniya.

Papunta na kami sa Bella Vista ngayon. Isasama namin si nay Shiela at maiiwan si Katrina dahil may aasikasuhin pa siya.

Sa sasakyan ko kami sumakay. Bagong carwash ito at kakacheck lang kung may sira ba. Ito kasi ang ginamit ko nung umalis ako sa Bella Vista at iniwan sa condo ni Kat.

"Bye baby." paalam ni Katrina.

"Bye mama! I'm gonna miss you." sagot ni Kit.

It's a six hours drive. Maaga kaming bumiyahe para hindi kami abutan ng dilim.

"Mommy is it true na sa big house niyo daw tayo pupunta?" tanong ni Kit.

"Yes baby. You sleep first okay? It's a long trip." sabi ko.

Nakatulog naman siya sa bisig ni nay Shiela. Akala ko hindi na kami aabutan ng gabi pero dahil sa traffic ay inabot na nga kami.

Saktong bukas ang gate ng mansion kaya pinasok ko na ang sasakyan ko. Mukhang kilala naman ng guwardiya ang plate number ko.

Hindi pa ako nakakababa ay sinalubong na ako ni mama. Kumakatok siya sa bintana ko. Agad akong bumaba.

"Anak!" aniya.

Niyakap ko siya ng mahigpit. Humiwalay siya at hinawakan ang muka ko. She's crying.

"Anak how are you? Bakit hindi mo man lang kami tinawagan? I'm so worried about you. What happened? I missed you so much." sunod sunod niyang sabi.

"I'm sorry ma. Let's talk later okay?" sabi ko.

"Mommy who is she?"

Hindi ko napansin na nakababa na pala sila nay Shiela at buhat niya si Kit ngayon. Gulat na gulat ang mukha ni mama.

"M-Mommy? M-May anak ka na?" tanong ni mama.

Napailing nalang ako.

"Baby this is my mama, she's your lola." sabi ko.

"Hi po lola." aniya.

Gulat man si mama ay niyakap at binuhat niya si Kit. Hinila ko naman sila sa living room. Sakto ay bumaba si papa.

"E-Erina?" aniya.

Lumapit ako sa kanya at niyakap siya.

"I missed you pa." sabi ko.

Niyakap niya ako pabalik.

"I missed you too Erina. I'm sorry for everything." aniya.

Nginitian ko lang siya at hinila din sa sofa.

"Mommy who is he?" tanong ulit ni Kit.

Ang nakaupong si papa ay napatayo ulit.

"Mommy?! A-Anak mo?" tanong niya.

Napabuntong hininga ako.

"Kit, he is your lolo." pakilala ko.

"Hi po lolo." bati ni Kit.

"H-Hello apo. Sinong ama Erina?" tanong ni papa.

Sinenyasan ko naman si nay Shiela na idala muna sa kwarto si Kit. Sinamahan naman sila ng isa sa katulong namin.

"He's not my son. Anak siya ni Katrina, my friend remember? Kasama ko siya sa US at susunod siya dito." sabi ko.

"Bakit tinatawag ka niyang mommy?" tanong ni mama.

"Because he is my baby. Ako ang tumayong ina niya ng mga panahong hindi matanggap ni Katrina si Kit dahil sa lalaking nakabuntis sa kanya." sabi ko.

"Where is the father?" tanong ni Papa.

"Let's just mind our own business. Can we keep it as a secret?" sabi ko.

Tumango naman sila.

"I heard that Kyline is engaged? I want to surprise her on the engagement party. I'm so happy for her and Phil." sabi ko.

Napayuko si Papa.

"Yes she is. Since you are back, bakit hindi kayo muling magsimula ni K-Kier?" biglang sabi ni mama.

May kung ano nanaman akong naramdaman.

"Evangeline." matigas na sabi ni papa.

"S-Sorry." sabi ni mama.

"It's okay. I've already moved on. Can we stop living in the past and let's just forget it? I'm fine." sagot ko.

Liar.

Ayokong sisihin ni papa ang sarili niya kapag nalaman niyang mahal ko pa si Kier at nasasaktan ako. Na naiinggit ako kay Kyline at Philip. Ayokong magkaroon na naman ng pader sa pagitan namin.

Isa pa, I don't deserve him. I left him and caused him so much pain. Anong karapatan ko? He's happy now. Manggugulo pa ba ako?

"I-I'm sorry anak." sabi ni papa.

"For what? I told you I'm fine. Ang sakit ng katawan ko. Magpapahinga na ako. H'wag niyong sasabihin kay Kyline na andito na ako ha? Bye, love you both."

Hinalikan ko sila sa pisngi.

Sinilip ko muna si Kit at nay Shiela sa kwarto nila. Dadalhin ko sana si Kit sa kwarto ko kaso ay tulog na ito at konting galaw na maramdaman niya ay nagigising siya. Dumiretso na ako sa kwarto at nagshower.

Naalala ko ang pag uusap namin sa baba. Bakit hindi kami magsimula ulit ni Kier? Kung sana ay ganoon lang kadali ang lahat. Iniwan ko siya ng walang paalam at babalik ako pagkatapos ng tatlong taon na parang walang nangyari? I'm still inlove with him, yes. I want him back, yes. But how about him? Ang imposibleng isipin na mamahalin niya pa rin ako pagkatapos ng ginawa ko. Kung may nararamdaman man siya sa akin, siguro ay galit at pagkamuhi 'yon. I deserved it.

No one knows how I've suffered in so much pain.
Maging kay Katrina ay hindi ko ipinakita kung gaano ako naging kamiserable. Gabi gabi kong inilalabas lahat ng sakit na nararamdaman ko. Laking pasasalamat ko talaga kay Kit na dumating siya sa buhay namin. Kahit papaano ay naipukol ko sa iba ang atensyon ko.

Akala ko wala na ang sakit. Marinig ko lang ang pangalan niya ay bumalik lahat. Lahat ng hirap na pinagdaanan ko. Kung ako nasaktan ng ganito. Paano pa kaya siya?

I'd be happy to see him with someone new. He deserve better. He deserves to be happy.

Dangerous Romance (Bella Vista Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon