Chapter 41

2.6K 39 0
                                    

ERINA

"Magsisinungaling ako kung sasabihin kong okay lang siya." sagot ko.

Napabuntong hininga siya.

"Bakit Caden? Bakit mo iniwan si Katrina?" tanong ko.

"Parehong rason kung bakit mo iniwan si Kier." sagot niya.

Nagulat ako at napatingin sa kanya.

"Alam ko ang nangyari sa inyong dalawa Erina. Napabilib mo ako doon. Paano mo nakayanang iwanan ang mahal mo para sa kapakanan ng pamilya niya? Masaktan ka na huwag lang ang iba? I think that's bullsh*t." aniya.

Sumagi sa isip ko ang pinag usapan namin ni tita Lina. Tandang tanda ko pa ang mga salitang binitawan ko noon.

"Hindi ko akalain na magagawa ko din ang bagay na nagawa mo noon. Iniwan ko si Katrina dahil nalaman ng ama ko na nabuntis ko siya. Ayaw siya ng pamilya ko dahil pakawala daw siyang babae. Tinakot nila akong may gagawin silang masama sa mag ina ko. Wala na akong choice kundi ang iwan siya para sa ikabubuti niya. Sa ikabubuti ng anak namin."

May bumagsak ng luha sa mata ni Caden. Maging ako ay naiyak na dahil sa sinapit niya. They are so unfair. Mas naiyak ako ng maalala ko si Kit.

Rumehistro sa utak ko ang mga ngiti niya. His innocent smile that makes everyone so happy. The world is so cruel. They don't deserve Kit. Kit is too fragile in this world.

"Erina please tulungan mo ako. Ngayon ay handa na akong ipaglaban si Katrina. Kung itatakwil nila ako ay wala akong pakealam. May negosyo na ako. Kaya ko na silang buhayin."

Kulang nalang ay lumuhod siya sa harap ko.

"Do you love her?" tanong ko.

"Sobra." aniya.

Napataas ang kilay ko.

"Bakit may girlfriend ka? Si Kaira?" tanong ko.

Umiling siya.

"Pinadate lang siya sa akin ng ama ko. Sumabay lang kami sa gusto ng magulang namin. She actually likes Kier." aniya.

Napataas ang kilay ko.

"G-Ganoon? I'll help you. Nagpromise ako kay Katrina na huwag akong magkukwento sa'yo. Ibibigay ko ang address niya sa Manila. Puntahan mo nalang siya doon." sabi ko.

Gustuhin ko man na makita niya si Kit ay wala ako sa lugar para gawin 'yon.

"She's here? How about our baby?" tanong niya.

"Ask her." sagot ko.

Tumango siya at niyakap niya ako.

"Thank you Erina. Gusto mo din bang tulungan kita kay Kier?" tanong niya at humiwalay ng yakap.

Umiling ako.

"Gusto ko lang malaman ang nangyari." sabi ko.

"Nang umalis ka?" tanong niya.

"Oo." sagot ko.

Huminga siya ng malalim.

"It's your birthday right? Matagal nang pinaghahandaan ni Kier ang ireregalo sa'yo. Nagpatulong siya sa amin ni Philip. Yung araw na kinuha lahat ni tito Karino ang lahat ng pwede niyang mapagkunan ng pera ay nagtrabaho siya. I guess alam mo na 'yon?"

Tumango ako.

"Nagtaka kami ni Philip kung bakit nagtatrabaho pa siya kung pwede namang gastusin niya ang savings niya at mga namana niya sa lola niya. But the truth is, naubos lahat ng 'yon." aniya

Napalunok ako.

"Saan niya ginastos ang pera?" tanong ko.

Napahinto saglit si Caden.

"F-For your dream beach house Erina. It's for you. Pinatayo niya 'yon mismo sa beach na minana niya sa lola namin. Gusto niyang iregalo 'yon sa'yo sa birthday mo. G-Gusto niyang doon kayo tumira kapag kinasal na kayo. Everything was planned Erina."

Walang tigil sa pag agos ang aking mga luha dahil sa narinig ko. Noon pa man ay laging ako na ang iniisip niya. He's so selfless. How can I leave him just like that?

"The day of your birthday. Nagtaka ang lahat kung bakit hindi ka pumasok. Sabi ni Kier ay pupuntahan ka nalang niya sa inyo dahil baka masama ang pakiramdam mo. Nauna kaming nagpunta sa beach house niyo para nga surpresahin ka. Actually, first floor palang ang nagagawa sa bahay niyo pero gusto ni Kier na surpresahin ka mismo doon. Dumating ang gabi ay walang nagpakita na Kier at Erina sa amin. Sinubukan namin kayong tawagan pero walang sumasagot."

This is too much. Am I ready to hear this?

"Nagpunta agad kami sa station 9. We saw him c-crying. He's drunk as fuck. Tinanong namin kung anong nangyari. Ang paulit ulit lang niyang nasabi ay "she left me", "she left me", she left me". Si Kyline ang nagsabi sa amin ng balita na umalis ka na nga daw at bumalik na sa US." aniya.

I can't imagine the pain that I've caused him.

"I feel so bad. This is all my fault." sabi ko.

"Don't be. May kutob na ako kung bakit mo siya iniwan. Tama nga ako. Hanggang ngayon ay hindi pa alam ni Kier kung bakit ka umalis. You two need to talk." aniya.

Umiling ako.

"Para saan pa? The damage has been done. Ayaw niya na akong makausap o makasama at hindi ko siya sinisisi sa bagay na 'yon. I deserved all of that." sabi ko.

"I can't blame him. Kung nakita mo lang ang pinagdaanan ni Kier. Mabuti nalang talaga at ayos na siya ngayon. Wala na ba talaga kayong pag asang magkabalikan?" aniya.

Sobrang selfish ko naman kung sasabihin kong gusto ko siyang bumalik sa akin.

Umiling ako.

"I guess it's already the end of our story. Magfocus ka sa pagsuyo kay Katrina. Mukhang mahihirapan ka." sabi ko.

"Kaya ko na 'yon. Pupunta na akong Manila bukas." aniya.

"Pwede ba akong sumabay? Uuwi na kasi akong Bella Vista." sabi ko.

Para ipahinga ang paa ko at mawala ako sa paningin ni Kier. Sa tingin ko ay hindi niya maeenjoy ang outing kung kasama ako.

"Bakit? Dahil sa paa mo?" tanong niya.

Tumango ako.

"Sige. After lunch na tayo umuwi." aniya.

"Okay. Salamat Caden."

"Walang anuman."

Maya maya ay napagpasyahan na naming bumalik sa floating house dahil lumalalim na ang gabi at nilalamig na din kami.

Kahit papaano ay may magandang nangyari sa pagpunta ko dito. Kung sakaling magkabalikan si Katrina at Caden ay mabubuo na ang pamilya ni Kit. Siguradong matutuwa siya.

Dangerous Romance (Bella Vista Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon