Chapter 52

3K 38 0
                                    

ERINA

Pagkatapos naming mag usap ni Kier ay naging maayos na kami kahit papaano. Alam ko kasing nandoon pa din ang sakit na nararamdaman niya. Natatakot ako na masaktan ko ulit siya kaya inuunti unti muna namin ang lahat.

It's a new day at nandito ako ngayon sa bahay para dalawin si Kit. Sinabi ko kay Kier na huwag na akong padalhan ng lunch dabil dito ako kakain.

"Kit eat some veggies. It's good for your health." sabi ni mama.

Pinapakain siya ngayon ni nay Shiela.

"Yes lola I'm eating naman eh so I can have chocolates after." Kit.

Napangiti ako.

"Ask your mommy kung pwede." sabi ni mama.

Tumingin sa akin si Kit.

"Mommy can I have some chocolates mamaya? Kahit two squares lang please?"

"Okay if that's what you want baby."

"Yehey. Mommy when are we going to the mall?" biglang tanong niya.

Nagkatinginan kami ni mama. Hindi pa nga pala kami nakakalabas ni Kit dito na kaming dalawang lang.

"This week baby. I promise."

Tinaas niya ang dalawang kamay niya.

"Yehey! I want to play with you mommy. I'm so excited."

Natawa kami ni mama. He's so cute.

Pagkatapos kumain ay bumalik na din ako sa firm. Nagcommute lang ako dahil hinatid ako ni Kier kanina. Mukhang masasanay na ako na sabay kaming pumapasok sa trabaho. Ilang oras pa at natapos na din ako. Tumunog ang phone ko. It's Kier.

Sinagot ko agad ito.

"Are you done?" tanong niya.

"Yes katatapos ko lang. Ikaw?

"May meeting ako in 30 minutes. I'll pick you up pero dito ka muna sa office ko. Sabay tayo uuwi."

"Alright."

Inayos ko na ang gamit ko at ilang minuto pa ay dumating din si Kier.

"Pwede naman akong magcommute." sabi ko.

Para sana hindi na hassle. Nagsimula na siyang magdrive.

"It's okay. Gusto ko lang na sabay tayo umuwi."

Naramdaman kong nag init ang pisngi ko.

Pagkarating namin sa kompanya ay panay ang bati sa kanya ng mga empleyado na nakakasalubong namin. Nilagay niya ang kamay niya sa likod ko.

"Is that Erina Del Cuero? They look good together. She's pretty."

Hanggang ngayon ba naman ay may naririnig pa din akong bulungan? But it's okay since sang ayon ako sa sinasabi nila.

Pagkarating namin sa floor ng office niya ay sinalubong agad siya ni Amara.

"Kier—

Naputol ang sinasabi niya nang makita ang kamay ni Kier na nasa likod ko.

"Ihahatid ko lang si Erina sa office ko. Mauna na kayo." Kier.

Amara looked at me in disbelief. Agad din niya kaming tinalikuran.

"Stay here okay? Wait for me." aniya at hinalikan ako sa pisngi.

Namumula tuloy akong tumango sa kanya. Naupo ako sa sofa at inabala ang sarili.

Dangerous Romance (Bella Vista Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon