Chapter 37

2.5K 47 0
                                    

ERINA

"Erina late na tayo." sabi ni Sharmaine.

Sinundo niya ako dito sa bahay at papunta na kaming dalawa sa venue ng engagement party nila Kyline at Philip.

"Paano ba natin i-susurprise sila Kyline?" tanong ko.

Maging sila Cher at Carmela ay nandoon din kasi at hindi pa nila alam na nakauwi na ako ng Pilipinas.

"Wag ka mag alala. Ako ang bahala." aniya.

Hindi kasi ako makaisip kung ano ang gagawing pagsurprise kaya si Sharmaine na ang gumawa ng paraan.

Sa Zerilla Hall gaganapin ang engagement ni Kyline at Philip. Black and Gold ang theme ng party. Nakatube mini dress si Sharmaine na gold. Ako naman ay nagsuot ng rose gold sequin mini dress. Ang buhok ko naman ay ginawa kong messy bun at light make up lang din ang ini-apply ko para bagay sa damit ko.

Ilang minuto pa ay nakarating na kami sa venue. The venue looks like a Palace. Sa likod na kami dumaan ni Sharmaine dahil late na kami at nakakahiya kung magga-grand entrance pa kami.

"It's time for engagement message."

'Yan ang narinig namin ni Sharmaine nang pumasok kami galing sa likod. Wala akong makitang mga tao dahil natatakpan kami ng malaking stage dito. Saka ko lang narealize na nasa backstage nga kami.

Hinila ako ni Sharmaine sa isang gilid na vacant table. Sa tingin ko ay puro tauhan ang mga nandito.

"Bakit hindi pa tayo lumabas?" tanong ko.

Mga waiter ang nakikita namin na nagpapalakad paroon at parito.

Agad naman siyang umiling. Nagsalin siya ng wine sa baso ko.

"Edi hindi na surprise. Lalabas din tayo mamaya. Wait lang." aniya.

Napatango ako at uminom ng wine.

"For our first engagement message. May I call on, Mr. Kier Donovan."

Literal na naluwa ko ang wine. Sa sobrang gulat ko ay nasamid din ako. Natatawang inabutan ako ni Sharmaine ng tissue.

"Lakas pa rin ng epekto ni Kier ha." asar niya.

Sinimangutan ko siya. Ineexpect ko naman na makikita ko siya dito pero bat' biglaan naman. Tahimik akong nag abang sa magsasalita galing sa stage.

"Good evening everyone." panimula niya.

His baritone voice filled the whole room. Boses pa lang niya ay nanghina na ang buong sistema ko. God, I miss him so much.

"I'm not really good in words so I'll just make it simple. To Philip and Kyline, congratulations on your engagement. Wishing you all the best for the future. Goodluck."

May narinig akong tawanan mula sa labas. Siguro ay natawa sila dahil maiksi lang ang sinabi ni Kier. I can imagine his shy face right now.

Ang hirap magpigil ng ngiti. Buti ay nagawa ko kundi ay inasar na naman ako ni Sharmaine.

"Nakakabitin naman. Anyways, Mr. Kier Donovan madami sa bisita nating mga kadalagahan ang gustong magtanong. May nagpapatibok ba sa puso ng isang Kier Donovan?" emcee.

Umingay naman ang buong venue. Hanggang ngayon ba naman ay madami pa rin ang nagkakagusto sa kanya. Just like the old times. Siguro ay mas lalo itong gumwapo.

He laughed. His laugh sounds so satisfying.

"O diba? He's happy now. Nakamove on na siya." sabi ni Sharmaine.

Dangerous Romance (Bella Vista Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon