Chapter 29

2.5K 40 0
                                    

ERINA

Ilang araw bago magbagong taon ay napagpasyahan nila na sa Vista Hermosa kami magcecelebrate ng New Year. Halos lahat daw ng tao ay mas pinipili na magcelebrate doon dahil maganda ang view at hindi na hassle magprepare ng foods dahil lahat ng pang New Years Eve ay mayroon sila.

"Erina bakit ang tamlay mo? Ang ganda ng beach oh." sabi ni Kyline.

Kakarating lang namin kanina at nagpunta na agad kami dito sa tabing dagat. Naupo kami sa buhanginan dahil ang ganda ng view.

"Nag away kami ni Kier." sagot ko.

Nagulat naman siya.

"Anong nangyari? Magbati na kayo. Hindi makakabuti sa relasyon niyo kapag pinatagal niyo pa ang galit." aniya.

Napabuntong hininga lang ako.

"Alam mo ba dito yung floating house?" biglang sabi niya.

Tinuro niya ang mga bahay bahay na nakalutang sa tubig. Tanaw namin ito pero maglalakad pa siguro ng 15 minutes.

"Bakit? Anong meron diyan?" tanong ko.

Namula naman siya.

"Andyan kasi sila P-Philip at Caden. Dito din sila magcecelebrate ng New Year. Ininvite kasi nila tayo mamayang gabi. Chill lang ganon." aniya.

"Sige."

Wala namang masama kung sumama ako sa kanila. Pinsan naman ni Kier ang mga 'yon. Mas masaya siguro kung andito din siya.

"Love!"

Malayo palang ay alam ko ng boses ni Katrina 'yon. Tumayo kami ni Kyline at sinalubong siya. Tumawag kasi siya kahapon na bumalik na sa US ang parents niya at siya nalang ang naiwan dito. Inaya ko nalang siya na magcelebrate ng New Year kasama kami.

"How's your trip?" tanong ko.

"Keri lang. Hi Ky!" bati niya kay Kyline.

Ngumiti naman ito.

"Hello Kat. Nakapagcheck in ka ba?" tanong ni Kyline.

Umiling ito at tsaka lang namin napansin ang maleta niya.

"Fully booked na daw." aniya.

"Don't worry. Doon ka na lang sa room ko." sabi ko

Umiling ito at ngumisi.

"Actually ay may tutuluyan na ako. Nagrent daw sila Caden ng floating house eh." aniya.

Napanganga kaming dalawa ni Kyline sa sinabi niya. Nanliit naman ang mga mata ko sa kanya. Alam niya na ang ibig sabihin non.

"Okay, ganito yan ha? Nung umalis ako dito ay nagkaroon kami ng communication through social media. Tapos saktong inaya mo ako dito ay nasabi ko sa kanya. Siya na nagrequest na don na ako tumuloy." aniya.

"Don't lie to me. Alam kong may relasyon kayo. Ano? Fubu?" tanong ko.

"Anong fubu?" tanong ni Kyline.

"Fuck buddies. Pero hindi kami ganoon...sa ngayon. Hmm maybe friends with benefits?" Katrina.

Napailing naman ako. Sanay na ako sa kapilyahan ni Katrina. Bumalik kami sa hotel kasama si Katrina. Nasabi namin sa kanya na pupunta din kami doon mamaya kaya sasabay nalang daw siya dahil nahihiya siya kung mag isa niya. Buti nga ay naisipan niya pang mahiya.

Maliligo muna ako. Nakita ko ang phone ko na nakaoff na nasa bedside table. I wonder kung tumatawag si Kier. Napailing ako. Bahala siya.

Nagmaroon bikini lang ako na pinatungan ko ng black high waisted shorts. Nagdala din ako ng floral na cardigan dahil baka lamigin ako.

Dangerous Romance (Bella Vista Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon