Chapter 45

2.7K 40 0
                                    

ERINA

Katatapos ko lang mag ayos para sa dinner date namin mamaya. This'll be our last date. Although it's a 'fake' dinner date by my mom and tita Lina.

Napag-isipan ko na sumipot dito para tapusin na ang lahat. Alam kong matagal na itong tapos but we need a closure.

"You're so beautiful anak." sabi ni mama na kakapasok lang ng kwarto ko.

Tipid akong ngumiti. Hindi ko pa siya nakakausap tungkol sa ginawa niya. Siguro ay pagkatapos nalang namin mag usap ni Kier.

Tumayo na ako dahil mag aalas otso na. Dumaan muna ako sa kwarto ni Kit na ngayon ay tulog na tulog na. Hinalikan ko siya sa noo.

"Wish your mommy a goodluck." bulong ko dito.

Sumakay na ako ng sasakyan ko. Nagdesisyon ako na dalhin ito para hindi kami maging awkward mamaya. Ayoko din na makita niya akong umiiyak nanaman dahil sa kanya. Pagod na din ako.

"Miss Erina Del Cuero? This way please." sabi ng isang lalaki.

Sumunod ako at umakyat pa kami ng hagdan. Namangha ako sa restaurant na ito. Mula sa third floor ay kitang kita ang city lights mula sa naglalakihang bintana.

Nakita ko na si Kier na tahimik na umiinom ng wine. Nang mapansin niya ako ay tumayo siya at pinaghila ako ng upuan.

"Thanks." sabi ko.

Naupo na din siya. Tumingin ako sa kanya at ngumiti.

"Let's order?" sabi ko.

Tinawag niya ang waiter at umorder na kami. Pinagsalin din ako ng wine at umalis na. Tahimik kong sinimsim ito.

"Erina.."

"Let's just talk later." sabi ko.

Baka hindi na ako makakain mamaya pag nag usap na kami. Dumating ang order namin at tahimik kaming kumain. Mabilis na natapos ang pagkain ni Kier. Binilisan ko na din para hindi na siya maghintay ng matagal.

"Can we talk now?" seryoso niyang tanong.

Ang kaninang kaba ay mas lalong nadagdagan. Ang dami kong gustong sabihin. Pero paano ko ba sisimulan?

"Let's talk about our wedding. I guess tita Evangeline already informed you about this." aniya.

Napanganga ako sa sinabi niya.

"W-What wedding are you talking about?" tanong ko.

Kumunot ang noo niya at napangisi. Nakatitig lang siya sa akin.

"Huwag mong sabihing hindi mo alam? We're engaged, misis ko." aniya.

Kung noon ay nagugustuhan ko ang pagtawag niya sa akin ng ganyan pwes ngayon ay hindi ako natutuwa. Parang iniinsulto niya ako.

"The hell are you talking about. Wala akong alam sa sinasabi mo." sabi ko.

Totoong wala akong alam sa sinasabi niya. Ang alam kong dapat mangyari ngayon ay tapusin ang lahat sa amin.

Napataas ang kilay niya.

"Mukhang wala ka nga talagang alam. Nagmerge ang Donovan at Del Cuero. Our company need yours and vice versa. Parehas na makikinabang ang isa't isa sa atin. But the thing is we need a strong foundation. That's why we're gonna marry each other." aniya.

Bakit? Hindi ba't ikakasal na si Kyline at Philip? At laro lang ba ang kasal sa kanya? Oo, gusto kong makasal sa kanya. Pero hindi sa ganito, gusto ko ay mahal niya din ako. Because that's what marriage is. It's all about love.

"At sa tingin mo papayag ako?"

Taas kilay kong tanong sa kanya. Ngumisi nanaman siya.

"Why not? Nagawa mo ngang umalis noon para sa pamilya ko tapos itong makakatulong sa pamilya mo ay hindi mo magawa." aniya.

Nagulat ako. He already knew.

"It's a different story." sagot ko.

"Bakit? Dahil mahal mo ako noon tapos ngayon ay hindi na? O minahal mo nga ba talaga ako noon? Well let's not talk about it, it's all in the past now." aniya

Mahal na mahal pa din kita. Gusto ko sabihin sa kanya yan. Napatingin ako sa kanya ng diretso. Hindi ko nakakayanan ang mga titig niya.

"Do you still have feelings for me?" biglang tanong niya.

Sabihin ko man ang totoo ay hindi mababago nun ang kung anong meron kami ngayon. Umiling ako. May gumuhit na kung ano sa mga mata niya.

"Then, that's good. No feelings attached. Magpakasal tayo kung saan mayroong divorce—

Di ko na nakayanan ang aking mga naririnig kaya napatayo na ako.

"I'm not gonna marry you."

Mahina lamang ang pagkakasabi ko dahil nagbabara na ang lalamunan ko. Natahimik si Kier sa pagsasalita.

Dali dali akong umalis. Nang makasakay ako ng sasakyan ay agad kong pinaandar 'yon habang patuloy sa pag agos ang mga luha kong kanina ko pa pinipigilan. Hindi siya ang Kier na minahal ko. He's an evil. I know it's my fault. I made him that way. Pero wala na akong pakealam. Hindi ako magpapakasal dahil sa simpleng rason na 'yon.

Tama nga ang hinala ko na naabutan ko si nama at papa sa living room.

"Anak..."

Tumayo si mama. Bakas ang pag aalala sa mukha niya dahil sa mugto kong mata.

"Is it true? Ikakasal kami ni Kier?" diretsa kong tanong.

Hindi na nakasagot si mama. Si papa na ang sumagot.

"Oo anak." aniya.

Bumuhos nanaman ang mga luha ko.

"Bakit?" tanong ko.

"A-Anak, nasabi naman na siguro ni Kier ang dahilan." sabi ni mama.

"Yes he did and I'm not gonna marry him because of that stupid reason."

"It's already planned Erina. Nakapirma na kami ng kontrata. Hindi ba't gusto niyo naman 'yon? Then it's settled." sabi ni papa.

Napatitig ako kay papa. Hindi ako makapaniwala sa mga salitang lumabas sa bibig ng ama ko.

"Hindi ba't ayaw mo at ng ama ni Kier na magkatuluyan kaming dalawa? Eto na 'yon eh. Nasaktan na kami pareho. Ano 'to? Pag gusto niyo, gusto niyo nalang. Pera pera nalang? Mukha pala kayong pera eh. I'm very disappointed."

Umakyat agad ako sa taas kahit pinipigilan ako ni mama. Wala na akong pakealam kung nabastos ko man sila. Pagod na ako. Pagod na pagod na ako.

I checked my phone. Hindi ko pwedeng tawagan si Katrina ngayon dahil alam kong may inaayos din siyang problema. Sana lang ay maayos na agad nila 'yon ni Caden.

Minessage ko sila Jolina. Gusto ko ng bumalik ng US. Pakiramdam ko ay pinaglalaruan nalang ng mga tao dito ang feelings ko. Si mama, papa, tita Lina at pati si Kier.

Alam kong nasaktan ko siya pero nasaktan din naman ako. Mahal na mahal ko pa rin siya hanggang ngayon. Siguro 'yon na ang karma ko kaya hanggang ngayon ay patuloy pa din akong nasasaktan.

Dangerous Romance (Bella Vista Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon