Chapter 32

2.4K 36 0
                                    

ERINA

Isang linggo na ang nakalipas mula ng pasukan ay hindi pa rin nagpaparamdam si Kier. Hindi din siya pumapasok. Huling kita ko sa kanya ay noong nasa Vista Hermosa pa kami.

"I can't contact him." sabi ni Caden.

Hindi ko din siya macontact. Andito kami sa canteen para maglunch.

"Baka may sakit?" sabi naman ni Sharmaine.

Tahimik lamang si Philip.

"Phil, alam mo ba kung nasaan siya?" tanong ko.

Mukhang gulat at namutla siya sa tanong ko.

"A-Ah di ko alam eh." aniya.

Agad na may humalik sa pisngi ko.

"Miss me?"

Umupo si Kier sa tabi ko. Umingay naman ang table namin dahil sa pagsulpot ni Kier.

"Bakit ngayon ka lang nagparamdam?" tanong ko.

Nagkibit balikat lamang siya

"Ang importante ay nandito na ako." aniya at kumindat pa.

Inasar naman kami ng grupo. Kahit papaano ay sumaya naman ako dahil andito na ulit siya sa tabi ko. Tinitigan ko siya at mukhang may nag iba sa kanya pero hindi ko lang masabi kung ano 'yon.

Pabalik na kami sa room at gusto ni Kier na ihatid ako.

"Hindi pala ako makakasabay sa pag uwi mamaya." aniya.

Kumunot ang noo ko.

"Bakit?"

"May practice eh." aniya.

"Edi manonood na lang ako." sabi ko.

Umiling siya.

"B-Baka matagalan kami. Mag ingat ka nalang pauwi ha? Bye." aniya.

Hinalikan niya ako sa pisngi at umalis na. Hindi ko pala naitanong sa kanya kung bakit hindi ko siya macontact.

Kinabukasan ay naging ganoon ulit hanggang sa di ko namalayan na midterm na. Nagkikita lang kami kapag sabay kaming maglunch. Wala na siyang gaanong oras para sa akin dahil puro siya practice. Nagtataka na rin ako pero binabalewala ko nalang. Hindi na rin kami nakakapag usap sa phone dahil nawala ang phone niya. Sinabi ko sa kanya na bumili siya pero puro lamang siya "next time."

Magiging busy pa kami ngayon sa paggawa ng booth dahil palapit na ang foundation day. Pauwi na ako at naabutan ko si Kier na nakasandal sa sasakyan ko.

Patakbo akong lumapit sa kanya at niyakap siya. Mukhang gulat na gulat naman ang itsura niya. Niyakap niya ako pabalik.

"I miss you." sabi ko.

Ngumiti naman siya.

"Kain tayo?" aniya.

Tumango ako. Hinanap ko ang kotse niya sa parking lot.

"Nasaan ang kotse mo?" tanong ko.

"Sa gym na ako nagpapark." aniya.

Tumango lang ako. Siya na ang nagdrive ng sasakyan ko paalis sa school. Babalik kami ulit dito mamaya para balikan ang kotse niya. Ang saya. Parang bumalik ulit kami sa dati. Sana bumalik na talaga kami sa dati.

Tinitigan ko si Kier.

He looks so tired. Ang laki ng eyebags niya pero ang gwapo niya pa rin. Parang pumayat din siya.

Dangerous Romance (Bella Vista Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon