Chapter 15

3.2K 48 0
                                    

ERINA

"Sasabay na kami kay Erina mamaya." sabi ni Cher.

Pinag uusapan kasi namin ang pagpunta sa Vista Hermosa mamaya para sa kasal ni kuya Tope. Inabangan nila ako sa parking lot kanina para ilagay ang mga gamit nila na dadalhin.

"Sige. Ayos na yung room niyo. Katabi lang ng room namin ni Erina." sabi ni Kyline.

"Talaga? Maganda ang mga hotel dun. Excited na ako." Sharmaine.

Bakit parang iba ang mood ng classroom namin ngayon?

"Bakit parang ang tamlay ng mga tao dito?" tanong ko sa kanila.

"Eh paano ba naman? Ilang araw ng usapan na may girlfriend si Kier." sabi ni Carmela.

Kaya malungkot sila? Napailing ako. Sabi niya naman ay wala siyang girlfriend.

"Nakita pa nga sila sa isang coffee shop malapit dito." singit ni Cher.

Gusto kong sabihin sa kanila na huwag silang maniwala sa mga naririnig lang nila tulad ng sabi ni Kier.

"May picture pa nga eh. Oh ito."

Pinakita ni Cher ang picture ni Kier kasama ang pamilyar na babae. Amara Del Mundo.

"Si Amara 'yan eh. Hindi na nakakagulat na maging sila dahil magkaibigan na sila dati pa." Sharmaine.

"Childhood friend sila?" tanong ni Kyline.

Tumango naman sila. Bakit parang naninikip ang dibdib ko?

"Pinsan ni ate Zenaya yan." Kyline.

Bakit nga di ko man lang narealize na magkamag-anak sila gayong parehas sila ng apelyido. Ibig sabihin ay pupunta din sila sa kasal. Sa Vista Hermosa.

Hindi ko alam pero naiinis nanaman ako kay Kier sa hindi malamang dahilan. Kagabi ay hinintay ko pa kung magtetext siya pero wala.

Tapos na ang klase at papunta na kaming parking lot. Hindi na sumabay si Kyline dahil wala pa ang gamit niya. Tinext ko na si mama na papunta na kami at nagreply siya na on the way na rin sila. Buti ay pinayagan ako na dalhin ang sasakyan ko dahil alam naman nila Cher ang papunta doon.

Sa tabi ko naupo si Sharmaine. Si Cher at Carmela naman ay sa likod.

"Naeexcite na ako. Parang outing na din natin 'to." sabi ni Cher na di maalis ang ngiti sa mga labi.

"Ako din! Madami din daw gwapong bakasyonista doon." singit ni Carmela.

"Talaga? Masaya yan!" Sharmaine.

Napataas naman ang kilay ko sa kanya.

"May boyfriend ka diba?" sabi ko.

"Titingnan ko lang naman sila pero si Gab ang mahal ko." aniya.

May naisip naman ako. Tutal ay may karanasan si Sharmaine tungkol sa pag ibig.

"Sharmaine, ano kadalasan ang pinag aawayan niyo ni Gab?" tanong ko.

Nag isip muna siya.

Dangerous Romance (Bella Vista Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon