Chapter 39

2.6K 38 0
                                    

ERINA

"Mommy wake up. Eat breakfast na."

Nagising ako nang maramdaman kong may nakaupo sa likod ko habang nagtatatalon. Si Kit. Tiningnan ko ang oras. Alas nuebe pa lang umaga.

My head hurts. Dali dali akong pumunta sa CR para mailabas ang dapat ilabas.

Paglabas ko ay nakatingin lamang si Kit sa akin.

"Mommy are you sick?" tanong niya.

Umiling ako at ngumiti sa kanya.

"I'll just take a bath first okay? Kakain na tayo." sabi ko.

"Kumain na ako ng breakfast mommy. Swim tayo mamaya sa swimming pool after you eat."" aniya.

Tumango ako at lumabas na siya ng kwarto ko. Nagbabad ako shower at inalala ang mga nangyari kagabi.

Kila Caden ako sumabay dahil nauna na sila Sharmaine. Katabi ko si Kier na nagdadrive at nasa likod namin si Caden. And...

Nanlalaki ang mga mata ko dahil hindi ko na maalala ang nangyari kagabi pagkatapos kong makatulog.

Napapikit ako at inalala ang mga nangyari pero wala talaga. Hindi na ako masyadong nagtagal maligo dahil sasamahan ko pa si Kit magswimming sa baba.

Pagkababa ko ay naabutan ko sa living room si Kit at mama na naglalaro. Bumeso ako kay mama at hinalikan ko naman si Kit. Kanina ko pa siya gustong halikan pero amoy alak ako.

"Good morning anak. Kumain kana ng breakfast." sabi ni mama.

"M-Ma? Anong oras ako hinatid ni..."

"Ni Caden? Mag aala una na yata 'yon. Bakit ba nagpakalasing ka? Nakakahiya at binuhat ka niya hanggang kwarto mo." sabi niya.

Napatango nalang ako.

Pumunta ako na ako sa dining area para kumain. Kailangan ko na yata tumigil ng umasa pa na may pakialam siya sa akin. I need to stop this feeling.

Pagkatapos kong kumain ay nagswimming na kami ni Kit. Mabuti at nakapagbonding kami ngayon dahil aalis nanaman ako bukas para sa outing namin. Susunduin daw ako nila Kyline.

Kinagabihan ay nag impake na ako. Tinawagan ko si Katrina kung kailan siya pupunta dito ang sabi niya lang ay next week. Dumaan muna ako sa kwarto ni Kit para magpaalam dahil mawawala ako ng isang linggo. Hindi naman 'yon iiyak dahil kalaro niya lagi si mama at papa. Lagi din naman silang namamasyal.

Kinabukasan ay maaga kaming umalis. Sa Vista Hermosa pala kami ulit pupunta. Namiss ko ang lugar na 'yon.

Si Philip ang nagdadrive at katabi niya si Kyline. Ang katabi ko naman ay si Cher at Carmela. Sa likod namin ay si Gab at Sharmaine.

Narinig ko sa usapan nila kanina na dinala daw ni Kier ang sasakyan niya at ang kasama niya ay si Amara pati si Caden at ang girlfriend nito na si Kaira. Gulat na gulat nga ako dahil may girlfriend pala siya. Akala ko ba engaged na siya? Kailangang malaman 'to ni Katrina.

Pagkarating namin ay sa floating house na kami dumiretso. Dalawang floating house daw ang nirent nila. Ang isa ay sa aming mga babae at ang isa ay sa mga lalaki. May tulay sa gitna nito para hindi kami mahirapan magpunta sa kabila.

Naabutan namin nila Kyline si Amara na nag uunpack. Sa tabi niya ay isang chinitang babae na payat pero sexy tignan.

"Hi guys." bati ni Amara.

Pansin ko na hindi close si Amara at Kaira dahil magkaibang room pa ang napili nilang tulugan. Sama sama kami ni Kyline at Sharmaine sa isang kwarto. Si Cher ay sumama kay Amara. Si Carmela naman ay kay Kaira.

"Hi. Erina right? I'm Kaira." sabi ng babae.

Nginitian ko naman siya.

"Kilala mo pala ako?" sabi ko.

"Ah oo. Nabanggit kasi ni Caden ang pangalan mo kanina." aniya.

Tumango lang ako. Hindi ko na siya pinansin at inayos ang mga gamit ko.

"May hindi pa pala nabili. Walang hipon at pusit. Sino gusto bumili sa bayan?"

Narinig ko ang boses ni Philip mula sa labas. Nagsilabas kami. Mukhang walang may gustong pumunta sa bayan.

"A-Ako nalang." sabi ko.

"Sige. Sasama ako." sabi ni Mason.

Andito din pala si Mason at Khalil.

"Wala ka namang dalang sasakyan Mason eh." sabi ni Caden.

Pwede namang hiramin ang sasakyan ni Philip.

"Pero si Kier meron. Kier samahan mo nalang si Erina." sabi ulit ni Caden.

Nakakunot ang noo ni Kier na tumingin kay Caden. Mukhang ayaw niya akong kasama.

"Sasama din ako." biglang sabi ni Amara.

"Ako din." sabi naman ni Kaira.

Mukhang gusto din nila sumama. Masyado na kaming madami kaya hindi nalang ako pupunta.

"Sige kayo nalang." sabi ko.

"Amara kailangan ko ng kasama magluluto ng lunch natin. Huwag ka na sumama." sabi ni Khalil.

"Ay oo nga pala." Amara.

"Kaira may pupuntahan tayo." sabi naman ni Caden.

Napakamot nalang sa ulo si Kaira.

The next thing I knew ay naglalakad na kami ni Kier papunta sa kotse niya. Nauuna siyang maglakad habang ako ay nasa likod niya. Hindi ko kasi siya maabutan dahil ang lalaki ng hakbang niya. Tapos tirik na tirik pa ang araw. Ang init.

Sa wakas ay nakita na namin ang sasakyan niya. Kung dati ay inuunahan niya pa ako sa pagbubukas ng pinto ng passenger seat. Ngayon ay nauna pa siyang makapasok kaysa sakin. Well, people change.

Binuksan ko na ang pinto at kinabit ang seatbelt. Tahimik lang kami buong biyahe papunta sa bayan. Bakit bumabagal ang oras kapag ganito ang sitwasyon?

Pagkarating namin sa palengke ay siya ulit ang nauna. Ang daming seafoods dito, Napunta kami sa mga pusit. As in puro pusit lang ang tinda sa bahaging 'to.

"Ang dami palang seafoods dito." biglang nasabi ko.

Tumingin ako sa kanya.

"I-Ilang kilo ang bibilhing hipon? Bibili na ako." sabi ko ulit.

Abala siya sa pagtingin ng pusit. Hindi niya ako kinausap at inabutan lang ng pera. Naglalakad ako ng may nakabunggo sa akin at nadaganan ang paa ko ng kung anong matigas na bagay.

"Aray!" daing ko.

Nagsorry naman agad ang lalaki kaya hindi na ako nagalit pa. Masakit pero mailalakad ko pa naman. Bumili na ako ng hipon at bumalik sa pwesto ni Kier. Wala na siya 'don. Siguro ay nauna na sa sasakyan.

Tama nga ako. Nakasakay na siya sa sasakyan ng naabutan ko. Nilagay ko sa likod ang pinamili ko. Uupo na sana ako sa passenger seat ng may nakita kong nakalagay na isang box ng alak. Bakit hindi niya ilagay sa likod? Siguro puno na.

Sa likod na ako naupo at tahimik siyang nagdrive. Ngayon ko naramdaman ang sakit ng paa ko.

"Pwede bang dumaan muna tayo sa malapit na drug store?" tanong ko.

Hindi ko na talaga kaya ang sakit. Kailangan ko ng ointment at painkiller.

"Pwede bang huwag mo akong kausapin na parang hindi mo ako ginago?" aniya.

Nagulat ako.

"K-Kier..."

"Come on Erina. Huwag kang umasta na para bang wala kang ginawa sa akin noon. Kung pwede lang sana akong hindi sumama dito. Tss. Basta malayo sa isang katulad mo."

Dangerous Romance (Bella Vista Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon